CHAPTER - 23

22.9K 646 90
                                    

P R I N C E

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng masabi kuna sa kanya yung nakaraan namin ni Jasmin. Isa yun sa mga gusto kong gawin bago ko ibigay sa kanya ng buong buo ang pagmamahal ko. This time gusto kunang kalimutan ang nakaraan at tanggapin ang kasalukuyan, maaring bago sakin to! Maaring malaki din ang isakripisyo ko para dito sa nararamdaman ko. Pero kahit kailan hindi ko pa naramdaman na ganito ako kasigurado sa mga gusto kong gawin para sa isang tao.

Sa kanya lang, tanging sa kanya lang. Sa isang bakla pa ko nahulog! Sa isang bakla na naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ng babaeng pinaka mamahal ko! Sadyang joker at ma jamming lang talaga si tadhana! Biruin mo yun sa dami ng pwedeng pag laruan ako pa! Isipin mo nalang yung ex girlfriend mo bakla ang dahilan kung bakit kayo nagka hiwalay. Tapos ngayon bakla ulit yung dahilan para kalimutan muna yung babaeng pinag palit ka sa iba.

Kaya feeling ko destiny kuna talagang mapunta sa bakla! Pero para lang ako sa baklang to. Naka ngiting banggit ko sa aking isip at tinignan ang taong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kanina pa kami nandito sa parking lot at wala pa kong planong gisingin ito. Ewan ko ba sa sarili ko! Sobra kong na eenjoy ang panoorin ito habang natutulog. Pakiramdam ko kasi ang payapa niya lang yung malaya lang akong pagmasdan siya! Yung hindi siya naka simangot at nagtataray! Mamaya kasi pag nagising nanaman to naku susungitan nanaman ako.

Pero ok. Lang naman alam ko naman na paraan niya lang yun para hindi ko mahalatang kinikilig siya sakin. Pati kayo wag kayong obvious para lang ako kay Lexis. Hahaha 😂✌Bigla naman tong gumalaw at agad akong nag iwas ng tingin dito.

"Buti naman nagising kana! Amoy laway na yung sasakyan ko." Pang aasar ko dito.

Sumimamgot naman to at nagtaray agad! Sabi ko sa inyo ehh! " KASALANAN MO NAMAN EH! KUNG HINDI MO KO SINAMA DITO EDI SANA SA BAHAY LANG AKO NATUTULOG!" Asar talong bulyaw nito sakin.

Natuwa naman ako sa naging reaksyon nito kaya hindi ko napigilang yakapin ito. Hahaha chancing 101 Lol. Kung iba iba lang siguro to baka nasapak kuna to sa kaartehan. Knowing me na madaling mapikon haha pero iba to ehh! I find it cute pag nag tatantrums siya haha.

"Hoy bat nangyayakap ka.? " nagtatakang banggit nito sakin.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman mo na kahit masungit ka! Na kahit magalit kapa sakin. Ako yung unang una mag papakumbaba. Kahit ikaw pa yung may kasalanan ako parin ang hihingi ng patawad. Gusto kong malaman mo na bago lang lahat ng to sakin, aaminin ko rin sayo na natatakot ako sa pinapasok ko ngayon pero mas natatakot akong pakawalan ka dahil baka dumating yung panahon na pagsisihan ko na pinaka walan pa kita." Seryosong banggit ko dito sabay bumitaw sa pagkaka yakap ko sa kanya at hinalikan ko ito sa noo niya tanda ng pag respeto ko dito.

"Ang sakit ng Puso ko." Nakayukong banggit nito sakin.

"Huh? Bakit? Wait tara dadalhin kita sa hospital." Agad agad ko naman inistart yung sasakyan dahil sa sobrang pag aalala. Tapos nagulat nalang ako ng pinigilan ako nito.

"Wag na ok. na ko." Naka ngiting banggit nito sakin.

Haisssttt napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi nito grabe kinabahan ako ng sobra. " Sigurado ka? " nag aalalang tanong ko dito.

Ngumiti lang to sakin bilang sagot sa tanong ko. Yes 1 point nginitian niya ko haisstt sana lagi nalang siyang ngingiti mas lalo lang akong naiinlab sa kanya.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon