• PRINCE •
My life is a mess. I'm still hoping and praying na buhay pa si Lexis. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin habang tumatagal kasi unti-unti na kong naniniwala na wala na talaga siya, na kahit kailan hindi siya babalik. Na hindi na babalik yung taong mahal ko.
Kasabay nun yung galit na bakit niya ko iniwan. Bakit hindi siya tumupad sa pangako niyang babalik pa siya sakin. Pakiramdam ko tuloy parusa to sakin dahil sa mga nagawa ko sa kanyang hindi maganda. Haissttt Lexis mahal na mahal kita ayokong sumuko pero Ikaw yung unang nang iwan.
"Brad hindi kapaba uuwi sa inyo?" tanong sakin ni Rocky.
"Pinapalayas muna ba ko?" tanong ko dito.
"Hindi naman sa ganun alam mo naman na welcome ka dito kaso ang sakin lang hinahanap kadin ng magulang mo nag aalala na sila sayo." Seryosong banggit nito sakin.
"Ayokong bumalik sa bahay. Lagi ko lang maalala si Lexis dun." sagot ko dito na naging dahilan para bumigat nanaman ang damdamin ko.
"Naalala mo ba yung sabi sayo ni Lexis. Na kapag nawala siya. Subukan mong mamuhay ng normal na wag mo siyang isipin. Sa tingin mo sa ginagawa mo ngayon masaya siya? Tignan mo nga yang sarili mo?" banggit nito sakin.
"Wag kang mag salita na parang wala na si Lexis! Babalik pa siya!" Galit na banggit ko dito.
"Kung talagang umaasa kang babalik pa siya. Okay lang sayo na maabutan ka niyang ganyan? Tignan mo ang sarili mo. Ang haba na ng buhok mo! Tapos ang payat muna. Wala kanang ibang ginawa kundi ang mag inom. Haissttt Brad tulungan mo naman ang sarili." malungkot na banggit ni Rock sakin. Naintindihan ko naman siya. I mean silang lahat concern lang sila sakin. Pero kasi hindi ako pwedeng sumuko.
"Salamat Brad. Sige alis na muna ko." sagot ko lang dito.
**************************************
"Yun pala ang gusto mo ahhh gusto mong maging normal ang buhay ko kahit wala ka" Lasing na banggit ko sa sarili ko "sige pag bibigyan kita. Hindi mo naman ako mahal eh. Tang in* pinaasa mo lang ako." dugtong kapa.
Habang naka upo ako sa counter ng bar may napansin akong babae na panay ang tingin sakin naka ngiti rin to ng nakakaloko. Maganda siya at sexy "Tutal iniwan muna ko! Sige pagbibigyan ko yung gusto mo! Kasalanan mo tong lahat." May galit na banggit ko sarili ko na ang tinutukoy ko ay si Lexis.
Nginitian ko yung babae na agad namang lumapit sakin. "Sally" banggit nung babae sa pangalan niya sabay abot ng kamay sakin.
"Prince" sagot ko naman dito.
"Nice name bagay sayo." sagot nito sakin sa malanding tono.
"Mag isa kalang?" tanong ko dito.
"Kanina oo. But since your here hindi na." malanding banggit nito na may pahawak hawak pa sa braso ko. Hinahayaan ko lang siya obviously nag papakita na siya ng motibo.
Medyo na gi-guilty ako kung bakit ko to ginagawa pakiramdam ko kasi pinag tataksilan ko si Lexis. Pero sadyang lamang yung tapang ng alak at yung galit.
"Since your name is Prince! CAN I BE YOUR PRINCESS?" tanong ni Sally sakin.
Agad namang rumehistro yung muka ni Lexis sakin ng marinig ko yung Princess. "No! Hindi pwede!" sagot ko dito
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo