• PRINCE •
Papunta na kami sa parking lot ng school, pero tong kasama ko napaka lalim ng iniisip. Kanina pa ko daldal ng daldal pero nasa malayo ang iniisip nito.
Huminto ako sa paglalakad pero siya dire diretso padin. Haissttt Ano bang nangyayari dito.
Muka naman akong tanga na hinabol ko to tsk. Hindi manlang napansin na huminto ako. Nakaka sama ng loob. "Nag seselos ako.!" Asar na banggit ko dito.
Gulat naman na napatingin to sakin. "Huh?" Mukang timang na sagot nito.
"Nag seselos ako! Sabi ko! Sino ba kasi yang iniisip mo!" sigaw ko dito.
Bigla naman ako nitong sinabunutan! "Siraulo ka! Bakit ka sumisigaw." Galit na banggit nito sakin.
"Ikaw kasi ehh! Dapat ako lang yung iniisip mo! Dapat ako lang yung napapansin mo! Boyfriend mo nga ko pero parang wala naman ako sayo! Sino ba kasi yang iniisip mo!" nagtatampong tanong ko dito.
"Si Rocky ---" banggit nito sakin pero pinutol ko agad.
"ANO SI ROCKY! MAY GUSTO KA KAY ROCKY! Shit ang sakit Lexis! " banggit ko dito.
Nagulat naman ako ng binatuakan naman ako nito.
"Nakaka dalawa kana huh! Naku kung hindi lang kita mahal!" banggit ko dito kaso tinaasan lang ako ng kilay. " Wala okay lang kahit saktan mo ko mahal naman kasi kita." malungkot na banggit ko dito."Patapusin mo muna kasi ako. Si Rocky tsaka si Mitch, bagay kasi sila ehh! Iniisip ko kung pano ko sila tutulungan na maging okay." banggit nito sakin.
"Hayaan mo silang ayusin yung sa kanilang dalawa. Hintayin mong ma realize ni Rocky kung anong nawala sa kanya at hayaan mo si Mitch kung kelan niya matatapawad yung isa. Dapat ang iniisip mo yung satin hindi mo naman kasi ata ako mahal." nagtatampong banggit ko dito.
"Bat ba napaka drama mo." banggit nito sakin, hahampasin sana niya ulit ako kaso nahawakan kuna agad yung braso niya. Agad ko naman siyang hinila palapit sakin at nagkaron lang ng maliit na distansya ang mga muka namin.
"Sige isang hampas pa! Hahalikan na kita. sa tuwing sasaktan mo ko dapat may kapalit din na pleasure." mapang akit na banggit ko dito sabay halik sa labi niya na kina tameme at kinapula ng muka niya. Habang lutang siya sa nangyayari umikot ang Kamay ko papunta sa pang upo niya at pinisil pisil ko to sabay tumakbo. "Sarap naman niyan Lablab sakin lang yan huh." banggit ko habang tumatawang tumatakbo.
"Bastos ka talagang manyak ka!" Galit na sigaw nito sakin.
*****************************************
• ROCKY •
Sinusundan ko si Mitch habang naglalakad siya palabas ng school naka sakay ako sa sasakyan at medyo malayo ang distansya ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan! Samantalang ako naman yung nag tulak sa kanya na lumayo sakin. Nalilito ako sa nararamdaman ko! Wala naman kasi talaga akong gusto sa kanya! "Noon eh! Ngayon?" tanong nang konsensya ko. Bestfriend lang kami hanggang dun lang yun.!
"Meron bang bestfriend na sobrang nasasaktan pag nakikita yung bestfriend niyang may kasamang ibang lalaki! Meron din bang bestfriend na mukang tangang habol ng habol samantalang siya naman yung ng dahilan kung bakit lumayo yung taong mahal niya. Ooopppppssss yung bestfriend niya pala." banggit ng konsensya ko. Putcha! Hindi kuna ata konsensya yun ehhh!
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo