CHAPTER - 11

30.8K 1K 87
                                    


• LEXIS •

Nandito ko sa kwarto ko at kanina pa ko pagulong gulong sa kama ko dahil para na kong baliw na siraulo na praning or whatever bahala kana kung pano mo ide-define ang sitwasyon ko ngayon dahil hindi parin mawala sa utak ko ang magandang katawan at umbok ni Prince! "WAHHHHHHH! HINDI PWEDE TO! NAGIGING MANYAK NA KO!" Parang tangang banggit ko sa sarili ko.

Bwiset talaga yung lalaking yun sinasadya niya talagang gawin sakin to! Gusto niya lang akong hulihin kung kakagat ako sa mga pakana niya. Para may pang blockmail nanaman siya sakin, para may isusumbat nanaman siya sakin at wala nanaman akong laban sa kanya! Tsk. Bwisett.

Parang nagiging totoo na tuloy yung mga akusa niya sakin na pinag nanasahan ko siya! KASALAN NIYA TO! HAYOP SIYA! ALAM NIYANG MAY KASAMA SIYANG HINDI STRAIGHT SA BAHAY NA TO TAPOS AARTE SIYA NG GANYAN! TANG INIS TALAGA! PAHUBAD HUBAD PA ANG KUPAL! SAMANTALANG DATI! HALOS BALUTIN NA NIYA KATAWAN NIYA WAG KO LANG MAKITA DAHIL BINABASTOS KO DAW SIYA.

Mukang kailangan kunang maglakad nang naka luhod sa simbahan. Nagiging makasalanan na ko! Diba? Masama ang magkaroon ng pagnanasa sa kapwa, unless kung gusto niya din na pag nasahan mo siya. Toinks! Nakagawa kapa ng dahilan mo!

"WAHHHHHHHHH!! " gulat na sigaw ko ng maka rinig ako ng mga katok.

"Hoyyyyy bakla! Anong nangyayari diyan." Tanong ng kupal sa labas.

Shitt lalo tuloy akong nataranta, ano bang kailangan nito! Ayaw ko siyang makita at maka usap! Kailangan maalis ko muna tong panget na view ko sa kanya! Ayaw kong masunog yung maganda kong kutis sa impyerno! " May ganda ba?" wag ka munang epal stress ako ngayon.

"Bakla buksan mo yung pinto." Galit na sigaw nito.

"Ano bang kailangan mo?" Iritableng tanong ko naman dito.

"Bakit ba kasi ayaw mong buksan yung pinto." Galit paring banggit nito.

Bigla ko nanaman tuloy naalala yung hubad niyang katawan! Napa sign of the cross pa tuloy ako dahil dun! Tang inis! Hindi ko mabuksan kasi nahihiya ako! Wahhhhh!!!

"Pag hindi mo binuksan sisirain ko yang pinto mo! " galit na talagang banggit nito sakin.

Kinabahan naman ako at mas lalong nataranta. Nag iisip tuloy ako kung anong gagawin ko kung bubuksan ko ba o hindi.

"ISA" pagbilang nito.

Mas nataranta naman ako sa ginawa nito. Kaya parang tanga naman akong nag palakad lakad sa loob ng kwarto! "imposible namang sirain niya yung pinto lagot siya sa Mommy at Daddy niya pag ginawa niya yun".

"DALAWA" sunod na bilang nito.

Wahhh anong gagawin ko. Eh! Bipolar nga pala to! Wala nga pala tong takot at pwede niya rin namang paayos ulit yung pinto.

"TATLO"

Napatakbo naman ako sa pintuan at agad na binuksan ko ito. Laking gulat ko pa ng may mabigat na bagay na tumama sakin at kasama kong natumba sa sahig.

Pagmulat ko ng mata ko! Mas nagulat ako ng wagas! Si-si-si Prince! Si Prince nakatingin siya sakin diretso sa mga mata ko at pakiramdam ko kitang kita niya sa mga mata ko yung buong pagkatao ko! Ganun siya kalalim tumitig. Nakaramdam naman ako ng ilang kaya ako na yung unang umiwas na tingin. Shocks hindi ko na ata kakayanin pa tong mga nangyayari sakin. Kailangan kunang pumunta sa pinaka malapit na albularyo! Mukang na enkanto ata ako.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon