CHAPTER - 20

20.7K 662 113
                                    

LEXIS

"Subukan mo lang na galawin siya, maaga mong makikita si kamatayan." Galit at hingal na hingal na banggit ng isang pamilyar na boses sa likod namin ni Koya.

Bigla akong nakaramdam ng lakas ng loob ng maramdaman ko ang presensya niya, diretso ko itong tinitigan sa mata at hindi ko maiwasan maluha dahil sa wakas pakiramdam ko ligtas na ako. Kaso bigla ko nanaman naalala yung eksena dun sa restaurant. Hindi kuna tuloy alam kung anong mas masakit, ito bang pisikal na pananakit ni Kuya o yung emosyonal na papanakit sakin ni Prince.

Bigla naman lumungkot ang muka nito ng magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko alam kung awa ba o takot yung pinapakitang emosyon ng kanyang mga mata. Tapos bigla siyang tumingin kay koyang manyak. Bigla nag bago ang aura nito at napalitan ng pagiging halimaw. Alam ko yung ganung itsura niya! Nasa level 100 na siya nang pagiging beast mode niya at kung kilala mo siya baka namatay kana sa takot.

"Sino ka naman? Gusto mo threesome tayo para mas malupit na trip." Banggit ni Kuya.

Napangisi naman si Prince dahil sa sinabi ni Kuya pero yung itsura niya parang ready nang pumatay. " Hindi ko ugaling pinapagamit sa iba yung akin lang. Isauli muna siya sakin para hindi na tayo mag ka problema." Seryosong banggit ni Prince dito.

"Kung ayaw mo Brad sa trip ko! Bahala ka sa buhay mo! " banggit ni kuyang lasing na hindi manlang nasindak sa itsura nung isa. Sabay hila at tulak sakin papasok sa sasakyan niya. Pinilit ko namang manlaban pero nagalit si Kuya nagulat nalang ako ng aktong sasampalin ako nito, napapikit nalang ako at inantay ang pag dampi ng kamay nito sa muka ko.

"Napaka kulit mong bakla k--" banggit ni Kuya pero hindi niya na natapos. Nagulat nalang ako ng may yumakap sakin ng mahigpit at ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib nito na parang pilit na kinakalma ang kanyang sarili at dahil sa yakap na yun pakiramdam ko sobrang safe ako.

"Sorry! Sorry! " paghingi ng tawad ni Prince.

Pag mulat ko ng mga mata ko. Nakita ko si Kuyang lasing na bulagta na sa kalsada at hindi na nagawang bumangon pa sa ginawa ng lalaking to. Nagulat nalang ako ng bigla akong isakay nito sa likod niya at nag umpisa na siyang mag lakad, tatanggi pa sana ko ng bigla itong magsalita.

"Wag kanang mag reklamo marami tayong dapat pag usapan pag dating natin sa bahay." Seryosong banggit nito kaya hindi na ko nag reklamo.

"Thank You sa pagdating mo. Thank you sa pagtulong mo sakin. Pero gusto kong malaman mo na nasaktan ako sa ginawa mo. Ang sakit sakit kasi binigyan na kita ng space dito sa puso ko at hindi lang yun basta space. Masyado atang malaki yung nabigay ko sayo kaya ang sakit ng sobra at kahit ang sakit sakit na ng mga ginagawa mo sakin bakit pakiramdam ko mahal parin kita. "Hindi ko napigilang maiyak na banggit ko dito sabay higa ng ulo ko sa balikat niya, at bago ako dapuan ng antok naramdaman ko pa ang malalim na pag hinga niya.

*******************************

PRINCE

Galit na galit ako sa sarili ko. Kasalanan ko nanaman kung bakit muntikan na siyang mapahamak. Hindi ko ma explain yung takot na naramdaman ko nung makita ko siyang pilit na isinasakay nung lalaki sa sasakyan. Parang feeling ko aatakihin ako sa puso.

Pero ang pinaka masakit sa lahat ay yung nakita kong umiiyak siya sa sobrang takot. Kung hindi ko sana siya hinayaang maunang umalis edi sana hindi siya napahamak sa puntong to tama siya! Lagi ko nalang talaga siyang nasasaktan, lagi ko pa namang sinasabi sa kanya na patutunayan ko na seryoso at totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Pero sa tuwing gagawin ko yun lagi namang may nangyayaring hindi maganda. Haissttt.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon