CHAPTER - 36

15.4K 459 109
                                    


" Appreciate everything around you before moments turn into memories. "- @dailytxtmsg

Tahimik ang lahat yung iba natutulog yung iba naka tingin sa bintana habang pinag mamasdan ang magandang tanawin. Nakarinig kami ng hindi magandang tunog, nag sigawan ang mga tao at kasunod ang malakas na pagsabog.

LEXIS

Aaminin ko na after nung nangyari samin ni Prince hindi kuna naisip na magkakabalikan pa kami. Pero ganun pala talaga no? Pag sobrang mahal mo yung isang tao. Kahit sabihin mong nasaktan kana niya at hindi muna siya mahal. Kakainin mo lahat ng sinabi mo tapos sa huli pipiliin mo paring magpaka tanga sa kanya.

After 3 months nung nangyari samin yung matinding away namin. Wala ng sumunod na away ulit sa pagitan namin. Hindi naman ibig sabihin nun ehh! Perfect na ang relationship namin, siguro sabihin nalang natin na mas matured na kami ngayon sa pag handle sa relasyon namin.

He became the Prince I never thought na magiging siya. Yung Prince na bully, masungit at matapang wala nayun ngayon. Siya na yung Ideal boyfriend na complete package. Pogi, mayaman, yummy, hot, sexy hahaha pero sobrang sweet, maalaga at sobrang mapag mahal.

This past few months and up to now. Lagi niyang pinaparamdam sakin na sobrang seryoso siya sakin na Mahal na mahal niya ko. Kahit sa school nga wala siyang pake sa sasabihin ng mga tao lagi akong hatid sundo. Bawal din akong lapitan ng mga lalaki kasi baka magaya nanaman sa nangyari nung isang beses na nag pa practice kami ng role play magka hawak kamay kami nung isa kong classmate tapos nakita niya ayun naka tikim ng sapak sa muka yung kaklase ko.

Buti na nga lang at mabait yung classmate ko panay sorry nga ako kasi sa sobrang SELOS ng boyfriend ko ganun pa yung nangyari sa kaniya. Naintindihan naman daw niya kaya simula nun nako! Halos wala ng lumapit sakin na lalaki pero ayus lang naman kasi kung may isang lalaki lang din naman na lalapit sakin gusto kong si Prince nalang yun.

Dati nagbabasa lang ako ng mga romantic stories pero ngayon pinaparanas na sakin ni Prince yung pakiramdam na maging isang prinsesa. Yung trato niya kasi sakin yung respeto at yung tiwala yun yung pinaka gusto ko sa lahat. Kaya mahal na mahal ko siya. Kasi sobra yung respeto niya sakin yung never niyang pinaparamdam sakin na bakla ako kaya hindi ako dapat mag inarte kasi hindi naman ako babae. Hindi niya rin ako pinipilit gawin yung mga bagay na hindi ko gustong gawin kahit gusto niya pa (alam nyo nayun!) Hahahaha.

"Kanina kapa nag aantay?" tanong ko sa napaka gwapong lalaki na nag aantay sakin sa labas ng classroom.

"Medyo napaaga lang ako ngayon pero ayus lang naman. Na miss na kita sobra Lablab ko." naka ngiting banggit nito.

"Baliw magkasama lang tayo kaninang breaktime tsaka hinatid mo din ako dito kanina. Na miss mo ko kaagad?" natatawang sagot ko dito.

" Lagi kitang namimiss. Saglit kalang malayo sakin namimiss na kaagad kita. Kaya wag na wag mo kong iiwan huh baka mabaliw ako." paglalambing nito sakin.

Ngiti lang ang sinagot ko dito naglakad naman na kami papunta sa parking lot kung saan nakaparada yung motor niya. Kumapit ako sa braso nito at sinandal ang ulo ko sa braso nito habang nag lalakad kami.

"Pano kung mawala ako?" tanong ko kay Prince.

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito sakin na medyo naka kunot ang nuo dahil sa sinabi ko.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon