CHAPTER - 32

16.3K 476 51
                                    

MITCH

Gusto ko parin naman si Rocky. I mean mahal ko parin siya, pero ayoko namang maging ganun nalang kadali ang lahat. Kahit papano may natitira parin namang sakit sakin yung ginawa niya dahilan para matakot ako at pag dudahan yung nararamdaman niya para sakin.

Pwede bang mag mahal pero yung hindi ka masasaktan o kaya pwede bang alisin muna lang lahat nung sakit para naman pwede na ulit akong mag mahal. Para pwede kunang mahalin ulit yung dati kunang minahal. Pwede ba yun? Kasi kung pwede lang game ako! Game na game.

Tsk. Napaka gago naman kasi ng lalaking yun! Pwede ba naman yung halos pandirian niya ko, ipahiya tapos saktan. Tapos halos ipamuka niya sakin na never mangyayaring magkaka gusto siya sakin. Tapos sasabihin niya biglang nagbago yung nararamdaman niya? Tsk. Masisi niyo ba ko? Ako kasi yung nasaktan eh! Ako yung nag mahal nang sobra. May karapatan naman siguro akong mag duda o matakot diba? Haissttt.

Problema kuna nga tong lovelife ko. Problema ko padin pati lovelife ng kaibigan ko. Samin naka tira ngayon si Lexis, inampon muna namin siya, hindi din to alam sa bahay nila naku siguradong gegerahin siya ng magulang ni Lexis. Okay naman kay Mama at Papa naiintindihan daw nila. Awang awa ako kay Lexis alam kong umaasa parin siya sa duwag na Prince nayun. Haissttt.

Ano bang kasalanan nating mga pabebe? Bakit hindi natin makuha yung deserve nating pag mamahal? Alam nyo yun! Ginagawa namin natin lahat diba? Pag nag mahal tayo todo todo! performance level pa nga diba! Pero bakit ganun? Laging tayo yung agrabyado! Paki sagot nga mga bess? Pag nag sagot paki lagay #AnswerMitch choss lang hahaha

Pauwi na ko ng bahay siguradong nauna na si Lexis mag kukulong nanaman yun sa kwarto tapos iiyakan nanaman yung lalaking mahal naman siya kaso takot at duwag! Tsk. Bwisetttt talaga yang mga straight nayan! Kung sino pang straight siya pa ang duwag! Pag bubuhulin kuna talaga ang mag kaibigan nayun ehh! Tsk.

Pauwi na ko ng bahay ng maka salubong ko si Ryan sa daan o sadyang inabangan niya ko? Ganda ko Eh! Hahaha

"Mitch?" banggit nito sakin.

"Oyyyyyyyyyy musta?" tanong ko dito.

"Ito inaabangan ka." sagot nito sakin.

"Huh? Bakit? Anong kailangan mo sakin?" nagtatakang tanong ko dito.

"Diba yung pangako mo sakin?" sagot nito sakin.

"Huh? Ano yun?" tanong ko dito napakamot naman to sa ulo niya tapos namumula yung muka niya. Hahaha mukang timang.

"Sige maglandian pa kayo! Babaliin ko yang leeg ng kalandian mo." napalingon ako sa nag salita. Si Rocky galit na galit na naka tingin sakin.

"Tsk. Duwag naman pala." banggit pa nito. Pag lingon ko naman wala na si Ryan kumaripas na ng takbo!

"Hoyyyy bakit mo tinakot yung bata!" Asar na banggit ko dito.

"Hindi mo ba na gets. Gusto niyang makipag ano sayo ulit!" Asar na sagot nito saakin.

"Anong ano? Hindi kita maintindihan." nang aasar na banggit ko dito.

"Yung ginagawa mo sa mga lalaki mo!" Galit na banggit nito sakin. Na hurt naman ako ng very very slight lang naman.

"Sorry hindi ko sinasadya! Lagi mo nalang kasi akong pinag seselos. Akala ko ba gusto mo ko dati! Bakit ngayong gusto nadin kita pinapahirapan mo pa ko." nakokonsensyang banggitin nito sakin.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon