CHAPTER - 28

16.2K 521 60
                                    

MITCH

Agad ko namang inabot yung payong dahil sa gulat sa sinabi nito. BWISET ang lakas mang asar. "Tara na sa loob masyadong malakas ang ulan." Natatarantang banggit ko dito. Iniwan kuna to kahit mabasa pa siya ng ulan. Bahala siyang sumunod.

Pag pasok namin sa bahay gulat na gulat si Mama at Papa ng makita si Rocky! Linapitan agad kami ng mga to.

"Rocky ikaw naba yan?" tanong ni Mama dito.

"Hindi Ma! Rebulto niya lang yan!" sagot ko dito. Tapos bigla akong binatukan nito ng malakas.

"Bastos ka talagang bata ka!" Asar na banggit nito sakin.

"Magandang gabi po Dada and Nana" naka ngiting banggit niya sa dalawa. Yan kasi ang tawag niya sa mga magulang ko, tinuring narin kasi siya dito sa bahay na parang totoong anak at ganun din siya sa mga magulang ko.

"Kamusta kana anak? Bakit ngayon kalang ulit napa dalaw dito." tanong ni Papa dito.

"Kasi po Dada kasala--" banggit nito pero agad kong pinigilan.

"Kasi po naging busy po siya sa school at sa basketball. Uuwi rin po siya ngayon hanggang tumila lang po yung ulan." Asar talong banggit ko sa mga to.

"Hayyyy naku Rocky mukang hindi na titila ang ulan at mukang palakas pa ng palakas! Mag stay kana dito. Dito kana matulog mag share na kayo sa room Mitch kagaya nung mga bata pa kayo. Kami nadin tatawag sa parents mo." banggit ni Mama dito.

"Ma hindi siya pwedeng matulog dito! Busy siyang tao! Tsaka hihina din yang ulan! May kotse naman siya! Kaya niya yan! " banggit ko sa kanila.

"Thank you po Nana! Dun nalang po ako sa kwarto ni Mitch matutulog mukang hindi na po hihina ang ulan." naka ngiting banggit nito sakin.

"Okay sige anak umakyat na kayo at mag bihis ka! Nagpabasa kapa sa ulan. Tatawagin ko nalang kayo pag kakain na." banggit ni Mama samin.

Iniwan ko silang lahat at pumunta na sa kwarto ko! BWISET! BWISET! BWISET! Kapal talaga ng lalaking yun! Grrrrrrrrrrrrrrr napaka feeling! Ano bang iniisip niya at talagang pinilit niya pang dito siya matutulog. Mali talaga yung desisyon kong pinuntahan ko pa siya. Haissttt sana nanigas na siya dun sa loob ng sasakyan niya.

Bigla namang bumukas ang pinto at naka ngiting pumasok si Rocky. Tsk. Ang lakas mang BWISET!

"Wala parin palang nagbago dito no! Ikaw lang!" banggit nito sakin.

Kasalanan mo kung bakit ako nag bago! Kasalanan mo kung bakit ganito ako ngayon! Kasalanan mo kung bakit hanggang ngayon nararamdaman kong nasasaktan parin ako. Banggit ko sa isip ko. Haissttt wala akong planong sabihin sa kanyang mahal ko parin siya at patuloy akong nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon. Shit did I say na Mahal ko pa siya? Is it good or bad? I think it's bad! Haissttt

Ayokong isipin niyang mahina ako! Ayokong bigyan siya nang pagkakataon para saktan ako! Para maliitin ako! Para ipahiya ulit ako sa ibang tao. Kasi pag nangyari yun parang paulit ulit ko lang na pinapatay ang sarili ko. Hindi ko naman sinasabi na intindihin nyo yung sitwasyon ko. Ang sakin lang nasaktan ako at iniiwas ko lang yung sarili ko na baka maulit ulit yun.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon