CHAPTER - 9

29.8K 945 58
                                    


PRINCE

Napipikon na talaga ko sa baklang yun, akala niya hindi ko napapansin na sinasadya niyang iwasan ako! Tsk. Bakit feeling niya ba hahabulin ko siya manigas siya! Kung iniiwasan niya ko edi iiwasan ko rin siya! Hindi ko naman siya kailangan tsaka mas mabuti narin na umiiwas siya nang kahit papano mawala na ang pesteng gumugulo sa utak ko.

Tsk. 1 week niya narin akong hindi pinapatulog ng maayos kakaisip sa kanya! Nakaka pikon lang na sa tuwing pipikit ako yung maamo niyang muka yung naiisip ko tapos pag imumulat ko naman yun mata ko bigla nalang akong matutula tapos makikita ko nalang yung sarili ko na siya pala yung iniisip ko.

Diba nakaka pikon. Nakaka pikon dahil pakiramdam ko nahuhulog ako sa kanya! Tsk. Hindi pwede to! Ayoko ng ganito hindi ako pwedeng maging bakla at mas lalong hindi ako bakla! Putcha naman ohh! Bat ko ba to naiisip! Bat ko ba kasi siya iniisip.

Parang pinag sisihan ko tuloy na hinayaan ko pa siyang patirahin dito sa bahay! Dapat kasi binaliwala ko nalang yung nangyari dati ehh! Edi sana hindi ko pinagdududahan yung sarili ko. Haissttt.

Nasa room ako ngayon kasama ang mga barkada ko pero wala ang isip ko sa kanila! Naka tingin ako sa bintana at kitang kita ko si Lexis na parang tangang nagtatago sa mga puno na palingon lingon pa! Tsk. Halata masyado na may tinataguan tanga talaga!

Nagulat naman ako ng madapa to at tumayo agad na parang walang nangyari! Napatayo pa ko sa gulat! Parang gusto ko tuloy tong takbuhin para tanungin kung ok. Lang siya kaso ang awkward naman gawin yun diba! Yung napakasamang tao sa paningin niya biglang bumait! Tsaka kabaklaan lang din yun! Kasalanan niya din naman kasi lampa siya! Tsk.

"Oy! Brad may problema ba?" Nagtatakang tanong sakin ni Rocky.

"Huh! Wala wala! May nakita lang akong lampa! " sagot ko dito.

"Tsk. Yan ka nanaman ehh! Kung ano ano yang sinisilip mo dyan! Makinig ka kasi sa usapan." Banggit pa nito sakin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at naki sali na sa kanila. Nung breaktime na namin nag pahuli akong lumabas sa room, bigla ko nalang naramdaman na gusto kong makita sa Lexis at hindi ko manlang nakita ang sarili kong tumanggi sa kung anong gustong gawin ng utak ko tsk. Mukang malala na ata ako.

Paglabas ko ng room dumiretso muna ko sa banyo, sakto namang paglabas ko nakita ko si Lexis na paakyat ng hagdan kaya agad ko itong sinundan! Kagaya kanina para tong tanga na nagtatago! Hindi ko tuloy maiwasang mapa ngiti dahil sa ginagawa nito.

Shit! Ngumiti ba ko? Bigla tuloy kumabog kabog yung dibdib ko tsk. Dahil ba to sa baklang yun! Tang na ano bang ginagawa ko! Bat ko ba sinusundan yung baklang yun! Dahil dun napa isip akong wag nalang siyang sundan! Kaso nagulat ako na imbis pababa ng hagdan ang punta ko, kusang binabagtas ng paa ko ang hagdan paatas.

Hanggang makarating ako sa rooftop kitang kita ko siya sa initan na kumakain ng tinapay at may baon siyang tubig. Tinitiis niya yung init maiwasan lang ako at ang mas nakaka konsensya pa is yung kinakain niya! Tinapay at tubig lang! Samantalang ako pag hindi ko nagustuhan yung kinakain ko tinatapon ko lang.

Haiiisttt. Binibigyan naman siya nila Mommy at Daddy ng allowance ahh! Bakit niya tinipid yung sarili niya naasar tuloy ako sa pinag gagawa niya sa sarili niya at mas naasar ako sa sarili ko kasi nagkaka ganyan siya dahil sakin.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon