CHAPTER - 15

27.7K 803 71
                                    

• LEXIS •

Sunday ngayon at maaga akong nagising, as in literal na maaga akong nagising kasi umaga narin akong naka tulog. Hindi ako pinatulog ng gumugulo sa utak ko lalong lalo na nang sa puso ko, feeling ko nga aatakihin ako sa puso tuwing naiisip ko siya.

Yung maangas niyang pagsasalita, yung pag ngisi-ngisi niyang nakaka akit tapos yung gwapo niyang muka haiissssstttt yung feeling na para pa kong tanga na kinikilig pag naaalala ko yung nangyari samin sa sinehan tapos biglang magbabago yung mood ko kapag naalala ko naman yung mga masasamang pinakita niya sakin.

Tsk. Sa tingin nyo sinong makaka tulog sa ganung sitwasyon kasalanan to ng halimaw na yun eh! Kung ganun lang sana kadaling sabihin sa kanya na, sige tayo nalang kasi gusto din kita. Ginawa kuna ehh!.

Kaso hindi eh! Hindi yun ganun kadali at mas lalong hindi yun basta basta! Hindi yun kagaya ng basta gusto mo lang na maging kayo, agad agad makukuha muna. Maraming consequences kapag sineryoso ko ang sinasabi niya.

Una na diyan is yung pano niya ko ipapakila sa mga magulang niya alangan naman sabihin niya na "Daddy, Mommy Boyfriend ko po si Lexis!" Tapos yung tipong proud na proud pa siya! Tsk. Dun palang feeling ko urong na tong si Prince ehh! Pakiramdam ko kung magiging kami man! (Hindi ako assuming) sample lang ba.

Hinding hindi niya ko magagawang ipakilala sa ibang tao, baka siya pa mag sabi sakin na wag natin tong ipapa alam sa ibang tao! Ayoko malaman nilang may shota akong bakla! OUCHHHHHH.shit diba dun palang talo nako. Ang sakit kaya nun.

Pagbangon ko sa kama ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili dahil aalis ako ngayong araw na to. Gusto ko munang mag isip-isip at mag paka layo layo! Masyadong mabilis ang mga nangyari sakin simula nang makilala at maka sama ko si Prince. Na mimiss ko narin sila Mama at Papa kaya bibisita nalang din muna ako sa kanila.

Tahimik naman akong umalis nang bahay, buti nalang talaga at tulog pa yung isa. Hindi kuna kailangan pang mag dahilan kung saan ako pupunta! Naka sakay na ko sa jeep ng biglang mag ring yung phone ko. Agad agad ko namang sinagot ang tawag, number lang kasi ang naka lagay ehh!.

"Hello, Sino to?" Sagot ko sa tawag.

"Uhhmmm. Hi! si Rocky to." Sagot naman ng nasa kabilang linya.

"Oyyy napatawag ka?" Sagot ko dito!

"Remember ininvite kita kahapon? Nandito na ko sa labas ng bahay nyo. Ready kanaba?" Banggit naman nito sakin.

Napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala ko yung usapan namin kahapon. Oo nga pala umoo ako na lalabas kami ngayon! Si Prince kasi ehh! Sobrang ginugulo yung utak ko yan tuloy nakalimutan ko na may lakad kami ni Rocky!

"Oyy nandyan kapaba?" banggit ni Rocky sakin dahilan para bumalik ang lutang kong utak.

"Ahhhmmm. Sorry Rocky! May lakad kasi ako ngayon! Biglaan kasi kaya hindi kita na message agad!." Pagdadahilan ko dito.

"Ahh ganun ba, san kaba pupunta?" halata sa boses nito na disappointed siya kaya mas lalo tuloy akong na guilty.

"Sorry talaga Rocky, bibisita kasi ako ngayon kila Mama." Nag aalalang banggit ko dito.

"Ahhh ganun ba? Pwede bang sumama nalang ako sa inyo.? " banggit naman nito sa kabilang linya?

Napa isip naman ako kung isasama ko ba siya o hindi? Kaya nga ko uuwi kasi gusto ko munang ma refresh ang utak ko kaso nangako din ako kay Rocky na sasama ako sa kanya nakaka hiya naman dito kung tatanggihan ko nanaman yung alok niya, nag effort na nga siyang pumunta sa bahay tapos hi-hindi nanaman ako. Tsk.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon