• LEXIS •
Naglalakad na kami palabas ng Mall papunta na kami sa parking lot at walang ni isang gustong mag salita saming dalawa. Siguro dahil sa gulat sa nangyari sa pagitan naming dalawa kanina. Hindi lang kasi ako maka paniwala sa sinabi niya. Diba pano ka naman maniniwala na ang isang Gwapong Straight mag kaka gusto sa average looking na GAY pa na kagaya ko plust the fact na itong lalaki na to eh may sama ng loob sakin. Tsk.
Muka naman kasing hindi totoo diba, kung si Rocky yung nag sabi nun baka maniwala pa ko. Eh! Kasi naman diba! Si Rocky kahit papano may mga paramdam naman siya na obvious. Yung tipong concern siya sakin may pabigay bigay pa ng chocolate. Lagi pa kong nginingitian, hindi kagaya nitong isang to kabaliktaran nung isa.
Napahinto lang ako sa pag iisip ng makalapit na kami sa kotse nito, wala padin itong imik. Pinag buksan naman ako nito ng pinto bago pumunta sa driver seat at umupo, ganun din ang ginawa ko pumasok nadin ako at tahimik lang na umupo.
Nagulat pa ko ng lumapit ito sakin as in literal na nagulat dahil ng laki pa yung mga mata ko at kumabog kabog ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ."Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko dito.
Ngumisi naman to ng nakakaloko sabay dahan dahang kinagat ang labi niya. Halos mapalunok ako sa nakikita kong ginagawa nito shitt.wag naman! Hindi ko alam kung pano mag pipigil. Linapit naman nito ang muka niya malapit sa tenga ko sabay bumulong nang. "Bakit ano bang gusto mong gawin natin ngayon." Mapang akit na bulong nito sakin.
Nanginig naman ang buong katawan ko at nanayo lahat ng balahibo ko dahil sa init ng hangin binuga nito sa tenga ko shittt ano ba natataranta yung utak ko. Hindi ako makapag isip ng maayos. Sinubukan ko naman siyang itulak palayo pero walang kwenta yung ginawa ko. Tumama lang yung kamay ko sa matigas niyang dibdib, hindi manlang siya nausog.
"Gusto mo ba talaga kong itulak o gusto mo lang akong inisin para gawin natin yang nasa isip mo." Pang aasar nito sakin.
"A-ano ba yung-yung nasa i-isip ko.?" Nabubulol na sagot ko dito.
"Ahh nag de-deny kapa ngayon." Nakakalokong sagot nito sakin. Umakto naman tong hahalikan ako, nanigas nanaman ako sa kinauupuan ko ramdam ko din na nag iinit na yung muka ko, huminto ito isang pulgada kalapit ang muka namin sa isa't-isa kung kanina kinagat nito ang labi niya. Ngayon naman binasa niya ang labi niya gamit ang dila niya kaya mas lalo pa itong namula.
Halos mapalunok naman ako sa ginagawa nito, ganon ba yung paraan niya para makuha yung mga babaeng gusto niya. Sino ba namang hindi bibigay kung ganino ka gwapo at ganito ka gago mang ang trip ang lalaking to! Tang ina kung babae lang siguro ko baka kanina pa ko hindi na virgin dahil sa pinag gagawa nito.
"Tama na! Ok. Ok. Sige na panalo kana!. " kinakabahang baggit ko dito. Shitt kung hindi pa siya titigil baka tuluyan na kong bumigay! Mawawala na yung kaisa isang bagay na pinanghahawakan ko sa buhay ko. Bukod sa Virginity ko, yung respeto ko sa sarili ko.
Yun lang yung meron ako! Pag nawala pa yun wala ng kahit anong matitira sakin. Hindi ko naman alam kung hanggang saan yung sinasabi niyang pagka gusto niya sakin. Lalo na at malabo parin sakin yun at wala paring kasiguraduhan yun! Hindi naman sa pabebe ako! Hindi naman kasi ako ganung klaseng tao! Yung tipong kakagat agad maka kita lang ng karne!
Iniwas ko naman yung muka ko at umayos ako ng upo! Hindi ako kakagat sa bitag mong halimaw ka! Maaring gusto na kita pero hindi ko gusto yung ideyang gusto mo din ako! Kasi napaka malabo talagang mangyari! Alam kong masasaktan ako.
Napa hinga naman ito ng malalim bago bumalik ulit sa pwesto niya. Pinaandar na nito ang sasakyan at kinain na ng katahimikan ang buong oras ng biyahe namin. Pagdating namin sa bahay agad agad akong bumaba ng sasakyan, hindi kuna siya inaantay at nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay.
Papasok na ko sa kwarto ko ng bigla nitong hawakan yung kamay ko. "Pagod na ko gusto kunang mag pahinga." Walang ganang banggit ko dito.
"SERYOSO AKO LEXIS." banggit nito sakin.
"Seryoso saan?" Wala paring ganang banggit ko dito.
" Na gusto kita." Parang nahihiya pang banggit nito sakin.
"Pag isipan mong mabuti yang sinasabi mo Prince! Hindi basta basta yang sinasabi mo! Tandaan mo! Feelings ko ang naka salalay dito! Sayo walang mawawala! Pero sakin malaki! Ayokong dumating yung panahon na sobrang gusto na kita tapos magugulat nalang ako bigla na, na realize muna palang hindi mo ko gusto." Malungkot na sagot ko dito.
"IBIG SABIHIN MAY GUSTO KA SAKIN?" naka ngiting banggit nito sakin.
Hindi naman ako naka sagot kaya hinayaan ko nalang siya mag isip kung anong gusto niyang isipin.
"Ok. Sige ikaw bahala kung ayaw mong sumagot, pero papatunayan ko sayong totoo yung sinasabi ko." Seryosong banggit nito sakin. Sabay alis sa harapan ko. Napahinga nalang ako ng malalim. Sana nga totoo Prince kasi kung hindi masasaktan ako ng sobra.
************************************
• PRINCE •
Nandito na ko sa kwarto ko at kanina pa gulong gulo ang utak ko sa mga nangyayari sakin, sa kung pano ko dumating sa punto na gusto kuna yung baklang yun! Haaiiissttt ang sakit sa ulo! Pero bakit hindi ko maramdaman na mali na magustuhan ko siya kagaya ng gusto kong ipilit isipin ng utak ko para wag kunang ituloy tong nararamdaman ko sa kanya.
Bakit sa tuwing naiisip ko siya, ang saya saya ko. Lalo na yung pag namumula yung muka niya, yung mga obvious na pag de-deny niya pag nahuhuli ko siyang naka tingin sakin. Ngayon pa ba ko aatras kung kelan naamin kuna sa kanya yung nararamdaman ko!
First time lang nangyari sa buhay ko na ako yung unang nag sabi ng nararamdaman ko sa isang tao. Dahil yung totoo sila yung unang lumalapit sakin, kahit yung mga babaeng natitipuhan ko, sila din yung unang lumalapit sakin. Kaya nagulat din ako sa sarili ko na nagawa kong umamin kay Lexis! Haissttt pano niya ba nagagawa sakin to!
Kagaya nalang kanina sa loob ng sasakyan sa Parking Lot ng Mall. Kung hindi siya umiwas baka hindi na ko nakapag pigil kanina! Grabe na yung init na nararamdaman ko sa katawan as in si junjun ko gusto ng lumabas sa pantalon ko. Hindi ko alam bakit kanina parang gusto kuna siyang angkinin dun sa loob ng sasakyan!
Lalo na nung na tetense na siya tapos nakita ko pang napalunok siya na parang sobrang gusto niya din na may mangyari shit! Ang hot nun! Naramdaman ko na may nagagalit nanaman sa pagitan ng mga hita ko. Tsk. Kasalanan mo to Lexis! Hindi kuna nga naisip na nasa public place lang kami kanina at pareho pa kaming lalaki! Haistttt tama paba yun!
Ahhhh! Basta gaya ng sabi ko sa kanya kanina! Papatunayan ko sa kanyang totoo yung nararamdaman ko! Hanggang sa naka tulog nalang ako kakaisip sa baklang yun.
Pag gising ko naman agad agad akong dumiretso sa kusina para ipag luto siya ng almusal. Syempre mag papa-impress ako para naman makuha kuna agad ang loob niya. Pagkatapos kung mag luto agad agad naman akong pumunta sa kwarto niya para yayain siya kaso nagulat ako na wala siya dun!
Kaya lumabas ako para hanapin siya! Punta ako sa sala, sa pool area, sa parking. Lahat din ng kwarto tinignan ko kaso wala talaga siya! Kinabahan ako kaya mabilis akong tumakbo sa kwarto niya at tinagnan ang cabinet niya! Naka hinga naman ako ng maluwag mg makita ko na nandun pa ang mga gamit nito! Pero nasan siya? San kaya siya pumunta?
END OF CHAPTER - 14
VOTE AND COMMENT🥀 VERON SO 🥀
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo