" PIPIKIT AKONG MASAYA KASI ALAM KONG LIGTAS KANA! ATLIS KAMPANTE AKO NA MAGIGING OKAY KA! NA MAGIGING OKAY NA ANG LAHAT SAYO! ATLIS SA PAGKAKATAON NA TO MAY NAGAWA AKO PARA SA TAONG MAHAL KO. PARA SAYO LAB. MAGKIKITA PA TAYO ALAM KO. NARARAMDAMAN KO. I LOVE YOU LABLAB "• LEXIS •
Yung huling sulat na natanggap ko ay sadyang hindi maganda. Alam kong anumang oras ay maaring umatake yung taong may matinding galit sakin. Isa lang naman yung taong pinag hihinalaan ko eh! Pero kailangan ko paring maka siguro. Kailangan kong gumawa ng paraan para matigil na to at wala ng madamay na iba. Lalong lalo na si Prince.
Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanila tapos ako yung dahilan. Bakit pa kasi ako nabuhay ulit. Bakit ba samin pa to nangyari. Bakit ngayon pa kung kailan masaya na kami ulit. Bakit? Hindi ko mapigilang mag tanong kasi ang hirap na at ang sakit sakit na. May mga pagkakataon pa na hindi ako makatulog. Tapos yayakapin ko lang ng mahigpit si Prince at sa tuwing gagawin ko yun mayroon akong mahihinang hikbi. May kumukurot saking dibdib. Tapos takot, takot na baka hindi ko nato maramdaman ulit. 💔
May mga pagkakataon na nahuhuli ko si Prince na may kausap sa cellphone niya. Minsan nagugulat siya pag nahuhuli ko siya sa aktong may kausap tapos pag may tumatawag naman sa kanya bigla siyang lumalayo sakin. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko. Malambing naman siya hindi naman nagbago yung pakikitungo niya sakin. Kaya siguro hindi ko nalang pinapansin yung selos na nararamdaman ko.
O sadyang O.A lang ako at tamang hinala. Hindi naman siguro. Hindi naman ganun si Prince eh! Alam ko hindi niya gagawin sakin yun. O baka nababaliw lang ako kakaisip sa problemang alam kong anumang oras ay parating na. Kasi bakit pumapasok sa isip ko na okay lang kung mambabae siya.
Bakit pumapasok sa utak ko na mas maganda nga yun eh! Diba kung sakaling magawan ko to ng paraan tapos maligtas si Prince diba mas magiging panatag ako. Kung mag mamahal siya ng iba hindi niya itatali yung sarili niya sakin. Hindi ako matatakot na mawala sa mundong to kasi alam kong merong taong nandyan para sa kanya.
Inaamin ko naman na masakit masyado yung iniisip ko, pero kung titignan sobrang praktikal. Nandito ako ngayon sa pool area, naka babad ang paa ko sa tubig habang tulala ang aking paningin sa unti - unti ng dumidilim na kalangitan. Kailangan kunang mag desisyon agad agad. Hindi ko pwedeng isakripisyo yung kaligtasan ng mas nakararami para lang sakin.
• PRINCE •
Kasalukuyan kong kausap yung mga imbestigador sa kaso ni Lexis. Nandito rin si Rocky at Aries alam na nila kung sino ang may pakana ng lahat. F*ck shit ka Roy sana pinatay na kita nung una palang. Galit na galit na kong banggit sa isip ko.
Nakakuha na ng mga ebidensya na nagpapatunay na si Roy ang master mind sa lahat ng nangyari simula sa aksidente sa bus pati narin sa mga pasimple nitong pag mamasid sa bahay namin. Madaming cctv footages ang nakolekta nila at ito ang patunay sa lahat ng kahayupan niya.
"napakasama niya. Hayupp pano niya nagawa yun kay Lexis. " galit na banggit ni Rocky.
" Sa ngayon Sir. Magpahinga na po muna kayo. I-update nalang po namin kayo sa next plan. Ang importante alam na natin kung sino ang may kagagawan bago pa siya may magawang masama kailangan natin siyang mapigilan. " banggit ng Pulis samin.
"Sige maraming salamat po Sir." banggit ko lang dito.
Nasa biyahe nako pauwi. Medyo alam kong naghihinala si Lexis sa mga kilos ko. Wag niya namang sanang maisip na nambabae ako. Lagi ko kasing kausap yung mga Pulis para i-update yung kaso niya ayaw ko namang ipaalam sa kanya yung tungkol dun dahil ayaw kong matakot siya. Onti nalang lablab babalik na ulit tayo sa dati mahuhuli narin yang hayop na Roy nayan.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo