CHAPTER - 8

28.7K 899 47
                                    

• LEXIS •

After nung nangyari sa pagitan namin ni Prince, tinotoo kuna yung pag iwas ko sa kanya at hanggang maari ginagawa ko nalang yung mga personal na gawain ko na kadalasang inuutos niya sakin para hindi na kami mag ka harap pa.

Medyo mahirap yung ginagawa kong pag iwas sa kanya dahil kailangan kong gumising ng maagang maaga para lang mapag luto siya ng almusal at pagkatapos nun aalis agad ako para naman pumasok. Sa school naman tuwing free time ko o kaya break time sa rooftop ako nag pupunta para mag tago. Tiis ganda nalang sa init kesa naman mapag initan nanaman. Sa hapon inuunahan ko siya umuwi para pag naka luto na ko magtatago na ko sa kwarto ko.

1 week ko narin na paulit ulit na ginagawa yun at medyo nakatulong naman na hindi na rin niya ko tinatawag o nilalapitan, atlis diba effective yung ginagawa ko. Hindi ko ginugulo mundo niya at ganun din siya sakin, edi pareho kaming manahimik.

Kaso yun ang akala ko! Akala ko hahayaan niya nalang ako tutal naman hindi na ko nag papakita sa kanya! Hindi kuna siya ginugulo at wala akong ginagawa na pwede niyang ikagalit. Kaso heto nanaman siya at sa pagkakataon na to mas halimaw na siya.

Maaga akong gumising para gawin yung routine ko para maiwasan siya so far tahimik naman ang bahay pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto nandun siya sa harap ko at galit na galit na nakatitig sakin.

" HINDI NA KO PAPAYAG NA IIWASAN MO PA KO TANDAAN MO YAN!" galit na banggit nito sakin sabay alis sa harap ko.

Nandito na ko sa school at naglalakad papunta sa room ko pero hindi padin ako inaalisan nang kaba dahil sa sinabi sakin ni Prince kanina! Natatakot nanaman tuloy ako sa kung anong pwedeng gawin niya sakin. Akala ko pa naman ok. na yung set up namin na walang pansinan para walang gulo.

Tsk. Oo nga pala! Sinabi niya na gagawin niyang impyerno yung buhay ko! So anong ini-expect mo mananahimik lang yung tao at hahayaan kalang! Tsk.

Nasa ganun padin akong pag iisip ng biglang may bumagsak na itlog at nabasag sa harapan ko, tumingin naman ako sa paligid para malaman kung sang galing yung itlog pag lingon ko sa likod may biglang tumama na itlog sa muka ko at nabasag! Napa aray naman ako dahil sa sakit nang pagtama nito.

Hanggang sa sunod sunod na ang pagtama sakin ng mga itlog! Kung saan saang parte ng katawan ko tumama ang mga itlog. Nakarinig naman ako ng mga tawanan at dahil dun nangliit ako sa sarili ko patuloy parin sa pagbato sakin ang mga estudyante na akala mo may Circus show sa harap nila at tuwang tuwa silang may nakikitang nasasaktan!

Hanggang may isang babae na lumapit sakin at hinila ang buhok ko! Napa aray naman ako dahil sagad sa anit ang paghila nito. Nakilala ko naman si Girl siya yung babaeng maganda pero mukang pokpok! "Masakit ba? " nang aasar na banggit nito sakin."

"OBVIOUS BA! Tanga lang! Bitawan mo nga ko! Ano bang problema nyo huh!" Galit na sagot ko dito na mas lalo naman nitong hinila yung buhok ko.

"Guize ready your cameras para sa picture." Sabi pa nito na hindi manlang pinansin ang sinabi ko. Nag silabasan naman ng camera ang mga estudyanteng nandun.

Tapos may dalawang lalaki na lumapit sakin may dala silang plastic pero hindi ko alam kung anong laman nun. Nakilala ko sila agad kasi sila sila din yung mga bisita ni Prince nung may Party sa bahay at dahil dun alam kuna kung sino may pakana nito walang iba kundi yung demonyo! Ito pala yung sinasabi niyang hindi ko na siya maiiwasan!

Paglapit nang dalawang lalaki sakin binuhos naman nila yung laman ng plastic sakin, harina pala yun hanggang sa sunod sunod na flash ng camera ang tumama sakin hindi kuna maalala kung gano katagal yun basta ang alam ko lang tumakbo ako palayo sa lugar na yun at rinig na rinig kupa kung pano ko pagtawanan at laitin ng mga taong yun!

Nakarating ako sa rooftop at dun umiyak ng umiyak! Tang inang buhay naman talaga to ohh! Kung sino pa yung gusto ng tahimik na buhay siya pa talaga yung ginugulo ng sobra! Napakasama talaga ng Halimaw na yun ehh! Gusto kuna lang sumuko! Gusto ko nang lumipat ng school at bumalik nalang sa bahay!

Kaso kung gagawin ko yun siguradong tatanungin ako nila Mama at Papa kung bakit?, syempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yung totoo! Baka kasi maging dahilan pa yun ng away nila Mama at Tita ehh! Mag bestfriend pa naman sila tsaka baka kung ano pang magawa ni Papa. Tsaka last year ko narin naman sa school na to ehh! Siguro titiisin ko nalang at hanggang maari iiwasan ko nalang silang lahat!

Hindi natapos dun ang pang bu-bully nila sakin! Although hindi ko naman nakikita si Prince na kasama sa mga nang bubully sakin, sigurado padin ako na siya ang may utos ng lahat ng to! Kagaya nung nakaraan nanaman, nasa CR ako ng bigla nalang akong buhasan ng tubig na may yelo! Halos manigas ako sa sobrang lamig nang tubig pero binaliwala ko nalang!

Feeling ko kasi pag pinakita ko sa kanila na mahina ako baka mas lalo lang nila kong i-bully, hahayaan ko nalang silang mapagod at mag sawa! Hindi ko nalang sila papatulan bahala sila sa buhay nila. Nasa ganun akong pag iisip ng may biglang humablot ng bag ko! Yan nanaman nag uumpisa nanaman sila.

Tumakbo naman to palabas nang building namin at ako naman si Tanga hinabol ko naman ito, hanggang may lumapit sakin na lalaki at pahiramin ako ng bike.

"Oyy ito bike ohhh para mabilis mo siyang mahabol! " naka ngiting banggit nito sakin.

Nagulat pa ko sa ginawa nito! Himala may mababait parin pala sa school na to! "Thank You huh! Sauli ko din pag nakuha ko yung bag ko! " banggit ko dito. Agad agad naman akong nag pidal at hinabol yung lalaki medyo malayo na to sakin kaya mas binilisan ko pa!

Nang malapit ko na siyang maabutan ay bigla itong huminto, nag preno naman ako pero hindi kumagat ang preno ng bike hanggang sa masemplang ako at gumulong gulong sa kalsada. Lumapit naman sakin yung lalaking may hawak nang bag ko at binato ito saakin halos mamilipit ako sa sakit.

Naramdaman ko nalang na dumudugo ang labi ko at ang hapdi ng mga balat ko pag tingin ko naman dito puro ako gasgas at ang pinaka malala napilayan ako sa paa hindi kuna napigilang maluha dahil sa halo halong sakit na nararanasan ko. Nagulat pa ko ng tumatawang lumapit sakin yung lalaking nag pahiram ng bike.

"Astigg nang pagbagsak mo huh! Napakanta pa nga ko ng Rolling in the deep ehh! Nakalimutan ko palang sabihin sayo na walang preno yung bike hahahah! Pero ang cool mong driver." Tumatawang banggit nito sakin sabay kuha nung bike at umalis na.

Planado pala nila yung gagawin sakin! Bakit ba hindi ko naisip na lahat ng tao dito kontrolado nung hayop na halimaw na yun! at wala yata silang planong tigilan ako hanggang hindi ako namamatay!

Nagulat nalang ako ng biglang natumba yung lalaking nagpahiram sakin ng bike at yung lalaking kumuha ng bag ko. "LEXIS OK. KALANG BA?" nag aalalang tanong ng isang boses, pero hindi kuna nakilala ito dahil dumilim na ang paligid ko.

End of Chapter - 8
Vote and Comment

🥀 Veron So 🥀

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon