CHAPTER - 7

30.4K 1K 82
                                    

• LEXIS •

Nagising ako na nandito na ko sa kama ko, medyo nawala na rin yung hilo at pagod na naramdaman ko kanina. Hanggang sa naalala ko yung nangyari kanina sa pagitan namin ni Prince, bumigat nanaman tuloy yung naramdaman ko.

Bakit ba ganun nalang yung galit niya sakin, samantalang kagabi sa party niya meron din namang mga bakla na bisita siya. Kung tungkol naman sa nasilipan ko siya o kaya feeling niya pinagnanasahan ko siya hindi ba! Masyado nang O.A yung galit niya sakin?

Haissttt. Simula ngayon iiwasan ko nalang siya hanggang maari ako nalang ang lalayo para naman hindi na siya ganung nagagalit at hindi narin ako masyadong masaktan sa physical at emotional na pananakit niya sakin at kung may iuutos naman siya edi susundin ko nalang hindi nalang ako mag re-react gagawin ko nalang agad para wala na siyang masabi.

Pagbangon ko naman may nakita akong pagkain sa upuan dito sa kwarto ko Sopas at Gatas. Mainit init pa ang sopas siguro bagong luto lang ito. Tapos may nakaipit na papel sa ilalim ng baso, kinuha ko naman ito at binasa.

KUNG GISING KANA! KAININ MO YUNG PAGKAIN! WALA KANG KARAPATANG MAGKA SAKIT DAHIL WALANG MAG AALAGA SAYO! BAKIT KASI HINDI KA KUMAIN KAGABI AT SINO BA KASING NAGSABI SAYO NA IKAW ANG MAGLINIS NG BAHAY! NAPAKA INUTIL MO TALAGA EHH! HINDI KA NAG IISIP SA SUSUNOD ANTAYIN MONG UTUSAN KITA BAGO KA KUMILOS. - Prince

Ano yown? Concern ba siya sakin? Tsk. Imposible! Biruin mo yun sinulatan niya ko pero na Capslock! na i-imagine ko yung itsura niya habang nag susulat. Yung tipong halos maputol na yung ballpen at mabutas na yung papel sa sobrang galit nito sakin. Tsk.

Hindi rin naman siya nag iisip eh! Kasalanan niya kaya kung bakit hindi ako nakakain kagabi, tsaka sino rin bang nagsabi na bilhan niya ko ng sopas at gawan ng gatas tsk. Mamaya may lason pa tong ginawa niya.! Hayop nayun hindi manlang nakonsensya! bigla naman kumulo yung tummy ko sign na pag hindi pa ko kumain baka magkita na kami ni San Pedro.

Kaya no Choice akong kinain yung binili niya. Infairness naman masarap yung sopas na binili niya at masarap din yung gatas niya. I mean yung ginawa niyang gatas hindi literal na gatas niya tsk. mga siraulo talaga kayo.

Pagkatapos kong kumain agad ko naman dinala sa kusina ang pinagkainan ko at hinugasan, tahimik ang buong bahay at mukang wala dito ang monster. Naka hinga naman ako nang maluwag ng masiguro kong wala nga ito, ibig sabihin mananahimik ang buhay ko buong araw buti naman kung ganun.

Nagulat nalang ako ng may dumila dila sa legs ko. " ayy shittt " sigaw ko sa sobrang gulat pag tingin ko naman dito si Chammy pala. "Ikaw lang pala bakit mo naman ako ginulat." naka ngiti nang banggit ko dito.

Pumunta naman ako sa pool area ng bahay at doon nag isip isip. Binabad ko yung paa ko sa tubig habang naka tingin sa kalangitan, kasama ko parin si Chammy at tahimik lang na nakahiga sa tabi ko. Hinaplos haplos ko naman ito hanggang sa nakatulog na ito.

Alam mo Chammy sana katulad mo nalang si Prince, yung tipong nakakatakot lang sa panglabas na anyo pero mabait naman pala talaga at sana maintindihan niya na hindi lahat ng kagaya ko ay ganun ang tingin sa mga lalaki. Oo nagkaka gusto kami sa mga lalaki pero hindi naman lahat nagpapaka desperada makakuha lang ng lalaki yung iba din naman hanggang crush lang.

Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo palayo sakin si Chammy at tumatahol na lumapit sa isang lalaki. Si prince naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad agad naman akong tumayo at inayos yung sarili ko, nang makalapit na ito sakin ay may sasabihin sana ito kaso naunahan ko na siya.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon