CHAPTER - 21

21.4K 657 99
                                    

LEXIS

It's been 2 weeks since nung huling beses kaming nag usap ni Prince. Napaka hirap nung unang mga araw na nag iiwasan kami lalo na sa part ko, may mga time kasi na hindi niya napipigilan kausapin ako. May mga pagkakataon pa na inaantay niya ako sa pinto bago siya pumasok o sa gate ng school bago kami umuwi. Sa tuwing kakausapin niya ko ang lagi ko lang tanong sa kanya?

"Buo naba ko dyan sa puso mo? Ako naba? Kaya mo bang panindigan yang nararamdaman mo? " malungkot na baggit ko dito.

Tapos hindi siya sasagot kaya para tuloy akong tanga na asang asa sa kanya, feeling ko kasi pag lalapit siya sakin at kakausapin niya ko feeling ko yun na yun may sagot na siyang ibibigay sakin pero sa huli wala. Sa huli nag mumuka parin akong tanga.

Nandito ako sa school garden kasama ko si Rocky tumambay dito, halos tatlong araw nadin na siya ang lagi kong kasama at dahil sa kanya nakakalimutan ko kahit saglit ang nararamdaman ko para kay Prince. Pero aminin ko man o hindi, wala talaga kong feelings para kay Rocky. Oo mabait siya! GWAPO at matalino kagaya nga ng sabi ko hindi siya mahirap mahalin kumbaga napaka Ideal Boyfriend niya.

Kaso ganun talaga ehh! Nagpapaka tanga ko sa isang taong hindi naman ako mahal samantalang tong isa to halos ipamuka na sakin kung gano niya ko ka gusto pero hindi ko manlang mabigyan ng halaga. Haisstttt.

"Ako bayang iniisip mo o siya? Ang sakit pala no? Kahit anong gawin ko hindi ko manlang kayang tapatan yang nararamdaman mo para sa kanya. Yung tipong kasama nga kita pero napakalayo mo napaka hirap mong maabot." malungkot na banggit ni Rocky sakin.

Napuyuko nalang ako sa sobrang hiya, ni hindi ko makuhang maka sagot. "Alam kong pareho tayo ng sitwasyon ngayon Lexis kaya naiintindihan kita. Nagkaka ganyan ka kasi si Prince may unfinished business pa sa ex niyang si Jasmin. Tapos ako naman sayo, inaantay mo si Prince samantalang ako ikaw ang inaantay ko." Pahabol pa nito sakin.

"Sorry Rocky." Malungkot na banggit ko dito.

"Don't say sorry Lexis. Kagaya nga ng sabi ko sayo I know what you feel. " naka ngiti ng banggit nito sakin.

"Pero kasi ano ehh -- " banggit ko dito pero pinutol niya ko.

"Gusto mong maka bawi? " banggit nito sakin. Tumango tango naman ako dito bilang sagot.

"Diba saturday naman bukas? Edi pwede mo kong samahan pumunta sa Bar tara mag inom para makalimot sa sakit." Seryosong banggit nito sakin.

"Baliw ka talaga! Alam mo namang hindi ako umiinom diba! " natatawang banggit ko dito.

Sumimangot naman to sabay sabing " sige ok. Lang ako nalang mag isa pupunta." Paawang banggit nito.

Nakonsensya naman ako, wala naman sigurong kaso kung sasamahan ko siya diba. Siya nga ilang araw na kong sinasamahan sa kabaliwan ko tapos siya ngayon lang magyaya tatanggihan ko pa. Tsaka sasamahan ko lang naman eh! Hindi naman ako iinom.

"Ok. Sige sasamahan na kita! Pero hindi ako iinom huh! " banggit ko dito.

Bigla naman tong napatingin sakin at naka ngiti ng wagas. " Thank you " banggit pa nito sakin.

********************************

Alas 10 na nang gabi ng sunduin ako ni Rocky sa bahay, wala naman din sa bahay si Prince kaya hindi na ko nag paalam kung saan ako pupunta. On the way na kami ni Rocky, tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Kaya para alisin yung akwardness samin ako na ang unang nag salita.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon