• LEXIS •Nagising ako ng 4 am ng madaling araw, basta naramdaman ko nalang na nag kukurog kurog yung tiyan ko. Ibig sabihin hindi na talaga kaya nito ang gutom, dahan dahan naman akong sumilip sa labas, tahimik na ang paligid at wala ng mga tao kaya ng masigurado kong wala nang mga tao tsaka ko lumabas at dumiretso sa kusina.
Nawindang lang ako ng pag labas ko sobrang dumi ng bahay at dahil walang katulong dito at official na akong prinoklama ng amo ko sa malacañang bilang bagong kasambahay ay alam kong walang ibang mag lilinis dito kundi ako lang!
Nawalan na tuloy ako ng gana kumain! Sa sobrang dami ng lilinisin ko dapat siguro umpisahan kunang maglinis kakain nalang ako pag naka tapos na ko ng trabaho. Agad ko naman kinuha ang mga gagamitin ko sa paglilinis at unang pinuntahan ang sala! Nagulat pa ko ng makita si Prince na mahimbing ang tulog sa sahig katabi ang mga nagkalat na bote na ginamit nila kagabi.
"Ang yabang yabang mong uminom at mag pa inom! Mahina kanaman pala! Tsk. Ano tumayo ka dyan! Kapal mong magyaya ng kung sino sino! Porket hindi naman ikaw ang mag lilinis dito! Ganyan ba kayong mayayaman walang paki alam sa karapatang pang tao! Pano naman kaming mga simpleng mamayan na nag tatrabaho ng marangal!" Lakas loob na banggit ko dito! Tsk. Ito lang kasi yung pagkakataon na meron ako para masabi ko yung mga hinanakit ko sa kanya! Kasi mamaya pag gising nito kawawa nanaman ako.
Ang problema ko ngayon pano ako makakapag linis kung nandito naman ito natutulog! Haisstt ka stress naman. Kaya ang ginawa ko sinubukan ko siyang buhatin, kaso ang bigat niya! Muntik na nga siyang malaglag buti nalang nasalo ko siya agad! Pano kaya kung ako ang mahulog sa kanya sasaluhin niya kaya ako? Asa pa more! Epal pa more! bawi ko sa epal na side ng utak ko.
Dahil sa hindi ko siya kayang buhatin ang ginawa ko hinila ko nalang siya at dinala sa elevator, pagdating namin sa taas hinila ko ulit siya hanggang makarating kami sa kwarto niya at ang pinaka mahirap na part sa lahat ang buhatin siya papunta sa kama niya.
Hingal na hingal akong inayos ang pagkaka higa niya. Hindi ko naman naiwasang mapa titig sa gwapong muka nito, kung hindi lang talaga panget ang ugali nito hindi malabong mag ka gusto ako dito. Pero hindi ako ganung klaseng tao ehh! Hindi ako sa physical na itsura tumitingin, mas magugustuhan ko parin siguro yung kahit average lang pero napaka buting tao at syempre responsable.
and kung iisipin naman natin na mabait itong halimaw na ito imposible parin na magka gusto siya sakin. Syempre straight siya! Baka maging mag kaibagan lang siguro kami. Ang kaso nga lang hindi talaga siya mabait kaya wag na tayong umasa.
Palabas na sana ako ng kwarto niya nang bigla itong mag suka! Nataranta naman ako na nilapitan ito. Shitt! Anong gagawin ko, mukang magiging all around katulong pa ako dito ahh! Pinag isipan ko munang mabuti kung anong gagawin. Kung papalitan ko ba siya ng damit at lilinisan o hahayaan ko nalang.
Syempre kawawa naman siya pag hinayaan ko lang na matutulog siya sa sarili niyang suka kadiri kaya yun! Pero napa isip din ako na bakit ako maawa sa kanya, siya ba naaawa ba siya sa mga pinag gagawa niya sakin.
Tsaka baka mamaya pag pinalitan ko siya ng damit pagbintangan nanaman niya kong pinag nanasahan ko siya! Kapal ng muka! Natigil lang ako sa pag iisip ng sumuka ulit ito. Napapikit nalang ako sa sobrang stress at walang choice na nilinisan ito.
Medyo natagalan nga lang ako sa paglilinis sa kanya dahil sa sobrang kaba ko habang hinuhubad ko yung mga damit niya. Una kong hinubad ang t-shirt na suot niya at halos natulala ako ng makita ko ang abs niya agad agad naman akong bumaba para mag timpla ng kape at agad ding bumalik para kumain ng pandesal charott. Naramdaman ko nalang na tumutulo yung laway ko habang naka tingin ako sa galit na galit nitong "ABS" nyeta kayo kala nyo si Jr. no. Hahaha.
Sunod ko naman tinangal ang pantalon niya, dun talaga ko nahirapan ng sobra dahil napaka sikip ng pantalon nito, nalaglag pa ko sa kama ng makita ko ang umbok nito napa aray ako ng sobra ang sakit ng bagsak ko.
Bakit naman kasi ganun ang itsura nun kahit naka brief pa siya nakakatakot na agad makita. Kumuha naman ako ng unan at tinakpan iyon para hindi ako mailang habang nililinisan ko siya.
Syempre hinubad ko lahat maliban dun sa brief niya! Wag nga kayo! hindi ako para paraan.Nang matapos ko siyang punasan at bihisan, pinalitan ko rin yung sapin niyang nasukahan niya. Hindi manlang pumasok sa isip ko na dadating sa punto ng buhay ko na magiging batang ama pala ako. Parang nag alaga ako ng sampung bata sa loob ng isang araw nakaka stress.
Iniwan ko naman na ito sa kwarto niya at agad agad na inumpisahan ang paglilinis ng buong bahay, sa sobrang dami ng kalat pakiramdam ko walang katapusang paglilinis ang magaganap sakin buong araw!
***********************************
9 am na ko natapos sa paglilinis ko at sana sa susunod wala ng party na maganap sa bahay nato. Putcha naman sa laki ng bahay na to ganun sila kalupit mang dugyot ng bahay, kahit sinong katulong susuko sa trabaho eh! Bigla naman akong nakaramdam ng panghihina kaya napa upo ako sa sofa.
Nagulat pa ko ng galit na galit na lumapit sakin ang halimaw. " Sinong nag palit ng damit ko.? " galit na sigaw nito saakin.
Hindi naman ako naka sagot dahil sa nahihilo nga ako at pagod, hindi na ko nagulat ng hilahin nito ang kamay ko at pilitin akong makatayo. "Bwiset ka talagang salot ka ehh! Anong ginawa mo sakin habang tulog ako! Inutusan ba kitang bihisan ako! Ano huh! Masaya kanaba na napag samantalahan mo ko habang wala akong alam. Nakaka diri ka! Puro kababuyan lang ang alam mong bakla ka!." Galit na galit na banggit nito sakin at lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Hindi ko naman napigilang maluha sa mga pinagsasabi nito saakin. Alam mo yung pakiramdam na pinag bibintangan ka sa isang bagay na hindi mo naman ginawa! Durog na durog na yung pagkato ko dahil sa mga paratang niya sakin.
Hinila ko naman ang kamay ko at mahinahong nakipag usap sa kanya, wala na kasi akong lakas para makipag talo pa sa kanya mahirap naman kasing makipag debate sa taong walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili niya.
"Prince! Diba may CCTV yung kwarto mo, paki check nalang yung video kung may ginawa akong masama sayo! Sana bago mo ko pag bintangan na lagi mo namang ginagawa sana mag pakita ka muna ng patunay na may ginawa nga akong masama sayo." mahinahon at lumuluhang banggit ko dito.
Natahimik naman to at parang napa isip dahil sa sinabi ko. Umalis naman na ko sa harap nito at naglakad papunta sa kwarto ko doon ko nalang siguro ibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pero bago pa ko maka pasok sa kwarto ko bigla ako nitong hinawakan sa braso. " Hindi pa kita tapos kausapin! bakit umalis kana agad! " galit nanaman nitong banggit sakin.
Hindi na ko naka sagot dito, bigla nalang nangdilim ang paningin ko dahil sa sobrang pagod at hilo at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sakin.
End of Chapter- 6
VOTE AND COMMENT🥀 VERON SO 🥀
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo