• LEXIS •
Naunang pumasok si Prince sa loob ng bahay na hindi manlang nito pinansin ang sinabi ng kaibigan niya tsk. Bastos talaga ehh! Pano kaya natitiis ng mga kaibigan niya ang pag uugali nito.
"Oyyy sorry huh! " nahihiyang banggit ko kay Rocky.
"HUH? para san? " gulat na sagot nito sakin.
"Kasi yung kaibigan mo masama ang ugali. Nabastos kapa ata" seryosong banggit ko dito natawa naman to dahil sa sinabi ko.
"Hahaha wag kang mag alala, mabait yan at sanay na kami dyan. Tsaka alam ko kung anong dahilan niyan kung bakit nagkakaganyan siya. Pero ganun talaga kanya kanyang diskarte yan! Kung babagal bagal siya sorry siya, mas mabilis lang talaga kong dumiskarte!" Sagot nito sakin na hindi ko naman naintindihan.
Don't tell me may pinag aagawan silang babae! Naku masama nga yan!. " Naku baka naman may pinag aawayan kayong babae huh! Wag ganun panget sa mag kaibigan ang nag aagawan kung ako sa inyo pag usapan nyo kesa naman masira ang friendship nyo." Naka ngiting banggit ko dito.
Nagulat naman ako ng kurutin nito ang magkabila kong pisngi. " hahaha ok. Sabi mo ehh! Ang cute mo talaga. " banggit pa nito sakin na naka ngiti. Shitttt wag kang ngingiti nang ganyan baka mapatay ko yung girl na pinag aagawan nyo.
"Ano maglalandian nalang ba kayo dyan sa labas akala ko ba manunuod tayo." Sigaw samin ni Prince sabay pasok ulit sa loob ng bahay. Binaksak pa nga nito ng malakas ang pinto.
Hayyyy nako abnormal talaga! Sumunod naman na kami ni Rocky sa loob pinagbuksan pa nga ako nito ng pinto at hinayaang maunang pumasok bago ito sumunod. Buti nalang pinauna ako nito at hindi niya nakita ang namumula kong muka sa sobrang kilig, sino ba namang hindi kikiligin kung para kang babae itrato diba. Haiisssttt ang ganda ko lang!
Pag punta naman namin sa Mini Theater Room nila Prince naka ready na pala lahat! Tsk. Naka upo narin ito sa single sofa at naka simangot. Parang abnormal talaga tsk. Kung ayaw niya sanang manuod di sana iniwan niya nalang kami ni Rocky dito para hindi ko nakikita yung muka niyang naka busangot.
Nakaka konsensya naman kasi na mag eenjoy kami ni Rocky samantalang siya hindi naman. Nahuli naman nya kong nakatingin sa kanya! At ang halimaw nginisian lang ako na parang may hindi magandang plano.
Dun kami umupo ni Rocky sa mas mahabang sofa, nung una magkatabi kami napatingin pa ko kay Prince na ang sama ng tingin samin at dahil natakot ako lumayo ako ng onti kay Rocky!
"May bago din akong download na Movie yun nalang muna ang panoodin natin! " seryosong banggit ng halimaw.
Hindi naman na kami nag reklamo ni Rocky. Wala naman kaming magagawa ehh! Bahay niya to! Tsk. Kinuha niya naman yung remote ng T.V para i-play yung movie tsaka pinatay ang ilaw.
Nung una ang ganda pa nung movie may mga campers na naligaw sa isang isla! Tuwang tuwa pa nga ako kasi ang ganda ganda nung Isla napa isip pa nga ako na parang ang ganda magbakasyon dun tapos biglang nung gabi may mga kakaibang tao na dumating yung parang mga galing sila sa tribo.
Pagtingin ko sa dalawa seryoso at tahimik naman silang nanunuod ng mapansin ako ni Rocky, inabutan ako nito ng unan.
"Sandal mo ulo mo para hindi ka mangalay habang nanunuod." Naka ngiting banggit nito sakin.
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE - (bxb)
Teen FictionKung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pinapahirapan ako! Baliw na ata ang puso ko. Baliw na baliw sa kanya. #2 Fanfiction #5 bxb VeronSo