CHAPTER - 5

31.9K 1K 37
                                    


• LEXIS •

Naglalakad na ko papunta sa sakayan ng jeep pauwi ng bahay at hanggang ngayon naaaning padin ako sa sinabi sakin ng kaibigan ng halimaw na yun. Tsk. Pangalan niya palang Rocky! Mukang hindi na mapag kakatiwalaan ehh! See you later daw? Ano kaya yun! Bakit naman niya kaya nasabi yun? Kinakabahan tuloy ako, mamaya may mga pinaplano pala silang gagawin sakin. Baka papabugbog ako ng demonyo o kaya papasaga sa truck? o kaya papakain sa ahas o papa-patay na niya ko?

Shit! Tinaasan ako ng balahibo dahil sa iniisip ko. Napakarami ko pang pangarap sa buhay! Gusto ko pang tulungan ang mga magulang ko! Pano ko gagawin yun kung mamatay na ko! (Ang O.A lang) Pano kung totoo nga yun! Tsk. Hindi naman malabong gawin niya sakin yun! Diba nga demonyo siya. Pero Gwapo? Sabi ng epal sa utak ko! Inalog alog ko naman ang ulo ko para maalis yung epal sa utak ko. Hindi siya gwapo! May gwapo bang demonyo? Meron siya! Haissstttt bat ba nakiki epal ka kausap ba kita! Pikong banggit ko sa sarili ko.

Nagulat naman ako ng maka rinig ako ng batang umiiyak, pagtingin ko dito lalo itong umiyak sabay sabing " Mama! Mama! May baliw po! May baliw! " umiiyak na turo nito sakin.

Toinks!

Agad naman itong kinuha ng Mama niya at nilayo sakin! Seryoso si ateng pagkamalan ba naman akong baliw? Hindi naba pwedeng kausapin ang sarili ngayon? Haisttt hindi ko nalang ito pinansin kasalanan ko naman talaga wala nga naman kasing normal na tao ang kakausap sa sarili niya sa isang public place! Haiistt.

Bakit ba parang napaka malas ko ngayon araw! Alam mo ba yung pakiramdam na ihing-ihi kana tapos yung jeep na sasakyan mo dumaan sa lubak lubak! Shit manong driver ang sakit sa pantog! Huhuhuhu!!

Pagdating ko naman sa Village kung saan nakatirik ang palasyo ng Halimaw ay nagulantang ako ng sobra! Bakit ang daming sasakyan na naka park sa labas ng bahay? Anong meron? Nasa gate palang ako ay rinig na rinig ko na ang tugtugan sa loob!

Ayy taray may Party! Siguro bumalik na sina Tito at Tita! Yeheyy! Sa wakas matatahimik na ang buhay ko. Hindi na ko magagawang alilain ng anak nilang Halimaw. Nang malapit na ko sa pinto ay nakita kong nakatayo dun si Rocky at mukang may inaantay. Nang mapansin naman ako nito ay agad itong lumapit sakin.

"Hi" naka ngiting banggit nito sakin.

Shittt ang gwapo! Ayyy no pala! Nako Lexis umayos ka! Banggit ko sa isip ko! Masyado na kong nadadala ng kalandian ko. Inayos ko naman ang sarili ko bago ito sinagot.

"Hi din, mukang may inaantay ka ata." seryosong banggit ko dito.

"Meron nga ikaw! " naka ngiti paring banggit nito.

Nabigla naman ako sa sinabi nito, pakiramdam ko namumula na ang mga pisngi ko ngayon. Malandi rin itong si Kuyang ehh! Tingin niya sakin pala patol tsk. Sorry siya Virgin pa ko hindi ako basta basta nadadala sa mga pag papa charming niya. Assuming siya! banggit ng epal sa utak ko. Wala kang pake sagot ko dito.

"Ayos kalang?" Nag aalalang tanong nito sakin. Lumapit naman to at hinawakan ako sa braso bigla naman kumabog ang dibdib ko dahil sa ginawa nito! Paasa yan! Wag kang POTASIUM as in "Putang Assuming." Haisstt kung pwede ko lang barilin ang utak ko ginawa ko na.

Hindi pa ko nakaka sagot kay Rocky ng biglang iluwa ng pinto si Prince, nagulat naman ito ng makitang magka usap kami ni Rocky. Nag palipat lipat pa ang tingin nito saamin bago nag salita.

CRAZY BAD PRINCE -  (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon