December 29 Tuesday [ Day 176 in the Morning ]
Ziex POV
Maaga akung nagising para puntahan si Zien sa kwarto niya.
"Zien." Bulong ko sa tainga niya.
"Zien!" Tinulak niya naman ang mukha ko. Lumapit ulit ako sa kanya at dinilaan ang ilong niya.
"Bwesit ka naman Bunso!" Tinawanan ko lang siya. Ganyan ko siya gigisingin pag may kailangan ako.
"Ano ba kailangan mo?"
"Wake up!"
"Ito na nga gising na!" Inis siyang umupo sa kama.
"Isama mo si Ciara sa Mall today, make sure hapon na kayo umuuwi. Isama mo na din si Kenneth just in case."
"Bakit ko naman gagawin yon?"
"May gagawin ako sa kwarto para patawarin niya na ako."
"What time ba?"
"Mamaya, dapat maaga kayo ha?"
"Sige na nga."
"I love you Zien!" Hinalikan ko siya sa pisngi saka lumabas na sa kwarto niya.
Bumalik na ako sa kwarto, napansin ko siyang kumilos at dumilat.
"Good Morning wife!" Lumapit ako sa kanya para halikan sa labi pero agad na siya tumayo at pumasok sa CR.
Humiga ako sa kama. It's been a 3 days, hindi niya parin ako pinapansin. Kailan niya kaya ako ulit pansinin? Kinuha ko ang unan para yakapin.
Inaabot siya ng isang oras sa CR maybe naliligo talaga siya. Nag hihintay lang ako sa kanya dito.
May kumatok sa pinto tatayo na sana ako pero si Ciara na ang nag bukas.
"Good Morning AC!"
"Morning Zien, may kailangan ka?"
"Yes, gusto kitang sumama sa akin para mag shopping. Para naman lumabas ka din sa kwarto niyo."
"Ngayon ba?"
"Oh yes. Mag bihis kana para sa labas na tayo mag breakfast." Kinindatan ko si Zien.
"Ano kasi Zien."
"Bunso, isasama ko si AC sa mall today." Tinitigan ko si Ciara at Zien.
"Sasama ako sa inyo."
"Your so kj Bunso, bawal ka don! Don't worry about AC kasama naman namin si Kenneth." Bumuntong ako ng hininga.
"Okay. Enjoy kayo sa shopping niyo! Zien, ingatan mo ang asawa ko."
"Yes your highness. AC babalikan kita dito." Bago sinara ni Zien kinindatan niya ako kaya nakangiti akung umiiling iling.
Nag bibihis na si Ciara pinanuod ko lang siya habang nag bibihis. Mag lalagay pa sana siya ng make up pero agad na ako nag salita.
"Don't put make up Wife, your most beautiful without make up." Hindi niya ako pinansin. Nag lagay parin siya ng make up. Ang tigas din ng ulo ng babaeng to.
May kumatok baka si Zien na ito. Tumayo ako para buksan ang pinto.
"Si AC Bunso?"
"Hin-----"
"Tapos na ako Zien." Ngumiti naman si Zien kay AC.
"Alis na kami Bunso." Tumango lang ako kay Zien.
Umaasa akung lumingon si Ciara sa akin pero nabigo ako. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na sila nakikita.
Sumandal muna ako sa pinto habang napapisil sa noo ko. I hope mapatawad niya ako sa gagawin ko mamaya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Gay Crush
RomansaWarning this story have a lot of wrong grammars and sexual scene.