Kakatapos lang namin ni Johann na magpractice and his idea na sa music room nalang nila kami pagpractice ay nakatulong dahil naipakita ko sa kan'ya ang galing ko sa pagsasayaw.
Now, I'm here infront of the table sharing a dinner to Johann's family.
Kanina pa sila panay ng tanong sa amin ni Johann sa kung ano ba dawng meron sa 'ming dalawa.
"Wala po talaga Tita." nahihiya kong sagot para matigil na sila kakatanong.
"Wala ba talaga siyang pag-asa ija? I mean why? Don't you find my son attractive?" Sunod-sunod na namang tanong ni Tita na halos ikasamid ko.
"Mom,stop asking okay! Don't pressure her." pigil ni Johann sa Ina.
"Oo nga naman ija. My son is a good man. He can take care of you if you give him chance to prove his self to you." ungot pa ni Tito Jonathan.
"Isa ka pa Dad eh!" Suway niya rin sa Ama dahil talagang pinagtutulongan ako ng mga magulang niya.
"You know what son, kesa suwayin mo kami ng Daddy mo ay magpasalamat ka na lang dahil inilalakad ka namin kay Mandy. You know, you'll too slow." si Tita naman ngayon ang sumuway sa anak.
"Because you're embarracing me infront of her." katwiran pa ni Johann na bahagyang nagpatawa sa 'kin.
"See, even Mandy laugh at you dahil ang kupad mong gumalaw. Baka maunahan ka ng iba niyan eh!" Talagang pinupush ni Tita Hanna si Johann.
"Alam mo son, talo na ang torpe sa marahas. Kaya ikaw, bilis-bilisan mo na ang mga galaw mo dahil baka malingat ka't hindi mo napansin na may iba na pa lang dumadamoves kay Mandy." ungot pa ni Tito Jonathan na nagpainit ng pisnge ko.
"By the way Mandy, matanong ko lang. May chance ba si Johann sayo o wala?" Biglang tanong ni Tita Hanna kaya nanlamig ako.
Anong isasagot ko. Na wala dahil kasado na akong tao, at sa Professor pa namin.
Ayoko namang ipahiya si Johann sa pamilya niya dahil matagal ng inaassume nila Tita Hanna na nililigawan ako ng anak niya. Ako lang talaga 'tong walang ginagawa.
Hindi nagpapakita ng motibo.
Naiilang akong ngumiti nang tumahimik ang lahat at hinintay ang sagot ko. Halos lahat silang tatlo ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa sagot ko.
Ano bang isasagot ko--
"M-Meron naman Tita." out of nowhere kong sagot dahil sa kaba.
Agad namang gumuhit ang saya sa mukha nila Tita at Tito Jonathan sa sagot ko. May palakpak pang kasama.
Now I'm doom. Why did I say that? Baka mag-assume talaga si Johann.
"O my God! Really!? Did you heared that son? Meron daw, kaya bilisan mo ng gumalaw!" Anang pang Tita Hanna.
"I-I heared Mom. And please stop because you're annoying her. We're eating kaya enough of question and let's just eat peacefully." tugon niya sa Ina nitong halos umabot na sa mata ang ngiti.
She's that really happy after hearing my answer. Gustong-gusto niya talaga ako para sa anak niya.
Napangiti ako nang dumating ang oras para magpaalam sa parents niya. Uuwi na ako at ihahatid ako ni Johann kaya ito kami, nagpapaalam na.
"Sige po Tita, aalis na po ako. Sa susunod po ulit." Paalam ko at nakipagbeso sa kanilang dalawa ni Tito Jonathan.
"Hahaha sige, we're gonna expect na sana next time ay may nagbago na sa inyong dalawa." pahabol pa ni Tita na kahit dito sa loob ng kotse ay dinig pa rin. Napailing naman ako.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right