CHAPTER 17

310 9 0
                                    

I've prepared myself. Looking at myself wearing the most precious clothe I am dreaming to wear someday.

Finally... It's our graduation day!

"Mom! Bilisan niyo na po! Mag-aalas syete na!" I shouted at their room. Ang tagal nilang mag-ayos kasi.

"Ito na anak!" Mommy shouted back. I step back and let them open the door. Lumabas sila ni daddy.

"Ang tagal niyo mag-ayos mom, dad." reklamo ko. Lumapit sa 'kin si mommy at inakbayan ako.

"Syempre. This is your graduation day. I need to wear my best outfit and look beautiful dear."

"You're always beautiful even without make-up mom." I said. That made her smile.

"Thank you anak. Oh siya, tara na."

Sabay kaming lumabas ng mansion ay nagtungo sa kotse. Hinintay pa namin si daddy na malocked ang pinto dahil isang linggo rin kaming hindi makakauwi due to the said vacation after my graduation.

Mamayang hapon kami tutulak papuntang El Nido. After my graduation.

Our things are already in our car. Tag-iisang bagahe kaming tatlo.

"I'll tell your tita's na sa airport na lang sila dumiretso mamayang alas dose." si mommy at inilabas ang cellphone.

I texted Presttisiana too. Excited na akong makita ang bestfriend ko. Finally. Almost 4 years of suffering in collge, we can finally hold the prize for all our sacrifices.

To: Ty
Message: Na sa school ka na? Papunta na kami.

Matagal-matagal rin bago ako nakatanggap ng reply. Tumaas ang kilay ko. Mabilis magreply ang isang 'to.

From: Ty
Message: I think malalate ako ng kunti Dy. My conflict dito sa bahay. Si papa nanggugulo.

Basa ko sa reply niya. Nagsalubong ang kilay ko.

Bakit nanggugulo si tito Presencio?

Mukhang napansin ni mommy ang pagkunot ng noo ko dahil nakitingin ito sa cellphone ko.

"Is it Siana?" Tanong nito.

"Yes, my."

"What happened? Nanggugulo si Presencio? What about her father?" Sunod-sunod nitong tanong. I bit my lip dahil hindi ko rin alam.

I composed a reply again.

To: Ty
Message: What happened?

From: Ty
Message: Nagmamakaawa siya kay mama na sumama sa graduation.

Nagtinginan kami ni mommy. May natanggap pa akong message galing sa kaniya.

From: Ty
Message: Ayaw pumayag ni mama kay nanggugulo si papa.

"Bakit pa magmamakaawa si Presencio? Anak na 'yon, kaya syempre he has the right to attend Presttisiana's graduation. What's with Tessia?" Salubong ang kilay na tanong ni mommy.

Oh... Hindi niya nga pala alam ang nangyari sa pamilya nila Prest.

I feel sorry for my friend.

"Matagal na pong hiwalay si tita Tess at tito Sencio my. May ibang pamilya daw si tito." paliwanag ko. Nanlaki ang mata nito at umawang ang labi.

"Oh my God! For real?! Paano nagawa ni Presencio 'yon?"

"Hindi ko din alam mom. 'Yon lang ang sinabi ni Presttisiana sa 'kin."

Nag-aalala akong tumingin ulit sa phone ko. Wala ng reply galing kay Prest after my last message.

Gusto kong pumunta sa kanila para matulongan siya. But I'm sure Presttisiana wouldn't like it. She doesn't like someone is meddling in her problems. Kung kaya niya namang solusyonan ay hindi siya hihinge ng tulong.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now