CHAPTER 10

360 20 0
                                    

NAGDAAN ang mga ilang araw at nabusy kami ni Johann sa pagpapractice. It's Saturday today and last day of our practice time para sa performance namin na iprepresent bukas ng hapon.

Mabuti na lang at tapos na kami ni Johann sa mga steps at dinedemonstrate na lang para tignan ang kalabasan.

Sa mga nagdaang araw naman ng pagpapractice namin ni Johann ay minsang nanonood si Tita Hanna at paminsa-minsang nagbibigay ng tips sa amin and some comments about sa iilang steps na nagawa namin.

It gaves us help para maayos ang lahat at maganda ang kinalabasan.

On the other side. Presttesiana is being busy finding a job. I keep on offering her the job I found for her pero ayaw niyang tanggapin.

May nakita na raw kasi siya at noong nakaraang lang niya inattendan ang interview. Luckily at natanggap naman siya.

Fighting for her family's sake. I adore her strength to stand for her family even after her father left them.

Tumingin ako sa orasan. Mag-aalas otso na. Magkikita kami ngayon ni Prest kasama sila Luther at Johann. Maghahanap kami ng susuotin para bukas.

Tumayo na ako para umalis. Sasabay na ako kay Johann. Maya-maya ay nandito na 'yon.

Napatingin ako aa cellphone ko ng tumunog 'yon. May text galing kay Prest.

From: Ty
Message: Nandito na kami ni Luther. Asan na kayo?

Nagtipa ako ng reply habang pababa ng hagdan.

To: Ty
Message: Hinihintay ko pa si Johann. Te-text kita pagmalapit na kami.

Huminga ako at itinuon ang tingin sa daan nang makita ko si Cline. Na sa sala siya at nakaharap sa laptop niya. May kape sa gilid niya. Nakasuot siya ng eye glass.

Nag-angat siya ng tingin nang makita ako. Dumaan kasi ako sa gilid niya.

Salubong ang kilay niya ng titigan ako. Binaba ko muna sa kaharap niyang sofa ang maliit kong shoulder bag.

Wala pa naman si Johann kaya sisilip muna ako sa kusina. Gusto kong kumain ng sandwich with peanut butter. Hindi pa naman ako nagcoffee kanina dahil diretso breakfast ako.

Kita ko sa peripheral vision ko na nakamasid sa 'kin si Cline. Tahimik siya at hindi man nagsasalita ay alam kong nagtataka siya kung bakit bihis ako.

"Saan ka pupunta?"

I knew it!

Akma pa lang akong aalis ng nagsalita na agad siya.

Humarap ako sa kaniya at nakataas ang kilay na nagtanong din pabalik.

"Bakit?" Tanong ko din.

"Hindi ba ay tapos na kayong magpractice? Saan ka pupunta gayong wala na kayong gagawin kun'di ang maghanda para bukas?" Tanong niya ulit.

Napairap na lang ako at tipid siyang nginiwian.

"Baka po maghahanap kami ng custome namin para bukas, sir." diniinan ko talaga ang word na sir dahil naiirita ako sa kakatanong niya.

Baka dumating na si Johann. Hindi pa 'ko nakakatikim ng sandwich with peanut butter.

"You go do the groceries. Manang ask me, but I'm busy so maybe you can do it instead. Aalis ka naman." sabi niya at ibinalik ang tingin sa laptop.

Napairap ulit ako.

'Yon lang naman pala. 'Andami pang sinabi. Ipapasa lang pala ang inutos sa kaniya.

"Okay..." sagot ko na lang at ngumiwi. Tumalikod na ako at pumuntang kusina. Wala namang pahabol na paalala ang isa kaya dumiretso na ako kay Manang na nakita kong naghuhugas ng pinggan.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now