CHAPTER 53

192 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa isang sigaw. Mabilis akong nagmulat ng mata at hinanap ang pinanggalingan ng sigaw. Nanlaki ang mata ko nang makita si Johann sa harap ng pintuan. Nakatayo at galit na galit na nakatingin sa direction namin.

"What the fuck is the meaning of this?!" Sigaw niya at sinugod kami. Wala sa oras akong napabangon. Napatingin ako sa pwesto ni Cline. Kagigising niya lang din at mukhang naalimpungatan dahil sa sigaw ni Johann.

Bumangon ako dala-dala ang kumot sa katawan ko para salubongin si Johann. Namumula ang mata niyang tumigil sa harap ko. Anger and pain was written in his eye's.

"Mandy, anong ibig sabihin nito?" Puno ng sakit niyang tanong. Nabasag ang boses niya at para akong tinusok ng karayom sa sakit ng boses niya.

"J-Johann..." tawag ko sa kaniya. Napatingin siya sa katawan kong nababalot ng kumot at kay Cline. Gladly he is wearing a boxer.

"J-Johann, let me explain please." sinubukan kong amohin niya. I tried to hold his hand pero inilayo niya iyon sa akin. Umatras siya at iiling-iling na lumayo sa akin.

"Johann! Johann! Sandali please! Hayaan mo akong magpaliwanag." taranta kong sabi. I don't know what to do. Natatakot ako.

"Explain what! This!" Sabay turo niya sa 'kin."Already explained everything that you cheated behind my back!"

Sigaw niya. Napapikit ako. Tumulo ang luha sa mata niya. Naramdaman ko ang presensiya ni Cline sa likod ko. Dinalohan niya ako at hinawakan ang siko ko. Sinubukan ko uling abotin si Johann pero umaatras siya.

Umiilinh-iling ako habang sinusubukang lumapit sa kaniya pero lumalayo siya.

"Johann sandali lang. Pakinggan mo muna ako."

"You're a liar and a fucking cheater! Pinaasa mo 'ko!" Sigaw niya at dinuro ako. Pinigilan ko si Cline sa akma niyang pagsugod kay Johann.

Nangilid ang luha sa mata ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. I, was so affected by his statement.

"Please Cline, hayaan mo ako rito." pigil ko sa kaniya. Natahimik siya at pumirmi sa likod ko. Lumunok ako at binalingan si Johann. Tiim ang bagang niya habang pinapanood kami. Umiling siya at pagak na natawa.

"You know what, h'wag na muna tayong magkita. Galit na galit ako sayo." sabi niya at tinalikuran ako. Mabilis siyang umalis sa harap ko. Sinubukan kong habolin siya pero pinigilan ako ni Cline. Tumulo ang luha sa mata ko.

Ito na ang kinakatakotan ko. Nangyayari na. Napaluhod ako at napahagulgol. Dinalohan agad ako ni Cline. Niyakap niya ako. Napahawak ako sa mga braso niya at umiyak ng husto.

"Cline..." nagmamakaawang tawag ko sa kaniya. Nagbabakasakaling may mangyari upang mabawi ang lahat ng nangyari.

"Shh..." he hushed me pero umiling lang ako.

"Nasaktan ko siya. Ayoko siyang saktan." umiiyak kong sabi. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. The consequence I am scared to face of.

"Tahan na. He will eventually accept what he saw. I know he understand everything. Please Mandy, stop crying. It hurts seeing you cry." bulong niya at marahang hinagod ang likod ko. Mariin akong pumikit at umiling.

Suminghot ako at tinanggap ang isang basong tubig na inabot niya. Tulala akong nakaupo sa sala at paulit na iniisip ang mukha ni Johann kanina.

The horror in his face, I can't forget. The way he looked at me with disgust and anger. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naaalala iyon.

"Stop thinking about it. Don't hurt yourself." he said. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Muling nag-init ang mata ko.

"I felt like I'm the baddest person alive. I hurt him at wala man lang akong ginawa. Natatakot akong harapin siya." parang batang sumbong ko dito. Huminga siya at parang pagod na nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now