Akmang magpupunas na sana ako ng luha ng biglang may nagsalita sa likod ko na ikinagulat ko.
"Anong iniiyak-iyak mo diyan?" Ani ng kung sino. Napapitlag ako sa lalim ng boses nito.
Akala ko ba wala nang gising na tao ngayon?
Malalim na ang gabi ah kaya inis akong humarap sa likod ko upang tignan kung sino ang nagsalita pero halos manlamig ako ng mapagtantong si Cline ang nakatayo doon na siyang nagsalita kanin habang nakatingin ng matalim sakin.
"C-Cline." utal kong tawag rito.
Akala ko ba hindi uuwi ang isang to dito, eh bakit nandito siya ngayon?
"Why are you still awake? You are supposed to be asleep right? Exam niyo na bukas. You should studying instead of wasting your time watching..." dumukwang ito para silipin ang pinapanood ko."...that kind of movies that your addicted to watch." patuloy niya at ibinalik ang tingin sa akin kasama ang nakataas niyang isang kilay.
I didn't answer him instead, I ask him a question too.
"Eh ikaw! Bakit nandito ka?" Kumunot ang noo niya.
"At bakit hindi? This is also my house too." oo nga naman, bobong tanong 'yon.
"I mean diba? Sabi mo kila Sonya ka muna ngayong gabi?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin at walang pasabing iniwan ako. Napangiwi ako sa kabastosan niya. Bakit hindi pa ako nasanay eh talent niya naman ang palagi akong iwan.
Marahas akong napahinga saka binalingan ang pinapanood. Nang maisip ko ang sinabi ni Cline kanina.
Ay hala!
Exam nga pala namin bukas at dapat maaga akong pumasok dahil siya ang magbibigay ng exam namin bukas!
Ayaw pa naman niya ng late, Err! Mabilis kong pinatay ang tv at umakyat sa sariling kwarto.
Kailangan ko ng matulog dahil alas dyes na ng gabi.
Oh my God!
H'wag sana akong malate sa paggising bukas.
Kinaumagahan ay napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko.
Pipikit-pikit pa ang matang tumingin ako sa alarm clock kong walang silbi pero mabilis na wala ang antok na nararamdaman ko nang makita ang oras.
Nanlaki ang mata ko.
Alas-syete na ng umaga!
Ito na nga bang sinasabi ko eh!
Dali-dali akong tumakbo papasok ng banyo dala-dala ang puting tuwalya at agarang naligo.
Hindi ako nagpatumpik-tumpik sa paggalaw. Mula sa pagligo hanggang sa magbihis at mag-ayos ng sarili ako nakatutok dahil isang oras nalang at late na ako.
"Ayan sige! Matulog ka pa ng hating gabi Dy." suway ko sa sarili habang hindi magkaundagaga sa pagbaba ng hagdan. Nang makababa ay hindi na ako nag-abalang kumain pa ng breakfast dahil wala ng oras. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Manang Celes ng lagpasan ko lang siya at nagmamadaling lumabas ng mansion, pero hindi pa man ako nakakaapak sa labas ay kumulo ang tiyan ko senyas na nagugutom ako.
Huminga muna ako ng malalim bago dali daling bumalik sa kusina at nanghingi ng sandwich. Nakita ko pa si Cline na kumakain doon habang salubong ang kilay na nakatingin sakin.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
Roman d'amourDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right