CHAPTER 41

276 8 0
                                    

Lumayo ako sa kaniya at lumipat ng ibang pwesto. Panay ang sunod niya sa 'kin.

"Diyan ka lang!" Nang hindi ko na mapigilan.

Naiirita na ako sa pagsunod niya. Tumiim ang bagang ko ng imbis na sundin ang utos ko'y tumabi pa rin siya sa 'kin. Mariin ko siyang tinignan.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Kapagkuway tanong ni Prest.

"LQ." simpleng sagot ni Cline pero nagpakulo ng dugo.

"We're not lovers!" Sita ko sa kaniya.

"Yeah, but we're husband and wife." he fired back.

Inilapag ko ang pagkaing dala ko at masama siyang tinignan. I'm pissed right now.

"Lubayan mo nga ako!" May kasamang banta ko rito.

"I don't want to." aniya.

Gusto ko ng sumabog dahil sa sobrang inis. Talagang matigas ka ah. Let's see kung hanggang saan ka aabot.

Nginitian ko siya ng matamis. Tumaas ang kilay siya pagtataka.

"Hindi mo talaga ako lulubayan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi..." determinado niyang sagot.

"Pwes, maghintay ka! Pahihirapan kita!" Sigaw ko sa kaniya at tinalikuram siya. Narinig ko ang tawanan nila sa kaniya.

"Hala ka! Maghanda ka na dahil pahihirapan ka ng boss mo..." gatong pa ng mag-asawa. Napaikot ako ng mata.

Ngumiwi ako at inilagay sa maliit kong bagpack ang cellphone ko. Bibisita raw kami sa falls na malapit rito.

"Bilis na Dy! Aalis na tayo!" Tawag sa 'kin ni Prest. Nagmadali naman akong sumunod sa kanila. Kasabay kong naglalakad si Cline na may bitbit na malaking basket habang nauuna ang mag-asawa. May dala ring basket si Rexian.

"Maglalakad lang ba tayo?" Tanong ko sa mag-asawa. Sabay silang napalingon sa 'kin.

"Hindi Dy. Sasakay tayo ng motorbike mula rito hanggang sa marating natin ang TakTak falls."

"Okay." and off course, kay Cline ako nakasakay. Na sa likod niya ako at hawak ko ang basket na dala niya na nasa gitna namin. Pareho kami ng pwesto ni Prest.

"Ayos na kayo diyan?" Tanong ni Prest. Nagthumbs up lang ako bilang sagot.

"Aalis na tayo. Susunod kayo sa amin." aniya pa at pinaandar na ni Rexian ang motorbike nila. Mabilis namang sumunod si Cline. Mahina lang ang takbo namin. Hindi naman daw malayo mula rito ang falls.

Huminto kami sa dulo ng daan. Sa gilid ay may hagdanan pababa ng falls. Nalula ako sa ganda ng paligid. The water is very clear.

Bumaba ako at inalalayan ang basket hanggang sa makababa si Cline. Kinuha niya sa 'kin ang basket pati ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang kamay namin at sumunod sa mag-asawa.
I tried to withdraw my hand but he held it tightly.

"Let's go." bulong niya at hinila ako. Wala akong nagawa kun'di sumunod. Panay ang buntong hininga ko habang magkahawak pa rin ang kamay namin. Inalalayan niya pa ako pagbaba. Binitawan niya lang ako nang tumulong siya sa pag-aayos ng gamit.

Wala naman akong maitulong sa kanila kaya tulala akong pinanood ang agos ng tubig mula sa falls. Walang ibang tao rito maliban sa amin. The sorrounding is very quiet.

"Hey... You're spacing out." napaigtad ako sa pagdantay ng braso ni Cline sa balikat ko. Umupo siya sa tabi ko. Umusog ako palayo pero hinila niya ako pabalik.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito.

"Wala na. Uutosan ka sana ni Siana na ibigay ang basket sa gilid mo pero mukhang malalim ang iniisip mo kaya siya na mismo ang kumuha. What are you thinking by the way?" Paliwanag niya.

Umiling ako at ibinalik ang tingin sa falls.

"Is it about leaving you alone? I told you, I'll pursue you no matter what."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Cline hindi mo kasi naiintindihan-"

"At hindi mo rin ako naiintindihan! Let me prove my self. Give me time to change your feelings for me, if I did, babalik ka sa 'kin, if I failed, saka kita tuluyang lulubayan." seryoso niyang sabi at tumitig sa mata ko.

Napahinga ako at umiwas ng tingin. Ipinahinga ko ang mukha ko sa tuhod ko at tumingin sa kawalan.

"Paano kung hindi ako pumayag?" Out of nowhere I asked. He shifted in his position.

"I'll still pursue. Like the dramas you watch, I'll bug until you surrender and return my love for you."

"But this is not drama-"

"This is not drama because I have my own ways to get you back. And I'll do everything to make you love me back."  And he smile playfully.

May kaunting inis sa 'kin dahil panay ang pagsapaw niya sa sasabihin ko. He wont let me finish my word.

Humugot ako ng hininga at pinagz-isipan ang gusto niya. If he failed, he'll leave me alone. That's it! Kailangan ko lang siyang balewalain para hindi magtagumpay ang plano niya. And from that, titigilan na niya ako.

Tumingin ako sa kaniya na nakatingin rin pala sa 'kin. I had a strange feeling thinking he'll stop pursuing me if he failed. Nagdalawang isip ako sa isasagot ko. Nagbaba ako ng tingin at pinag-isipang mabuti ang desisyong gagawin ko.

"Deal." lumunok ako pagkatapos sabihin iyon." If you succeed, let's see what I can do, but if you failed you'll leave me alone and will stop seeing me."

Tinitigan niya akong mabuti. Parang hinuhulaan niya ang iniisip ko. Umiwas ako ng tingin at nagtiim bagang. We become silent for a while.

"Deal..." he finally said after a long silence.

"But if I succeed, either you agree or not, you'll be mine again... Until forever..." he whispered making me stunned.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang tumayo siya para kumuha ng pagkain. We were sitting alone on the mat he laid out for us. Sumandal ako sa folding bed na nasa likod ko. Mamaya na siguro ako maliligo.

Bumalik siya dala ang dalawang paper plate sa kamay niya. Tinulongan ko dahil may dala rin siyang soft drinks. Ginawa naming lamesa ang folding bed habang nakaupo sa mat.

I am pretty sure na pinagmamasdan lang kami ng mag-asawa. Alam kong tahimik lang sila nakikiramdam sa nangyayari sa pagitan namin ni Cline.

"Tell me if you need something, I'll get it for you." aniya.

"You want to act as my slave? That suits you." sarkastikong sabi ko sa kaniya. He just chuckled.

"If you want, why not?" He said and look at me. Binigyan niya ako ng binalatang hipon.

"I know you like any dishes of shrimp kaya nagpaluto ako nito." sabay turo niya sa tempura at adobong hipon na ibinigay niya sa 'kin.

"I may act as if I don't care about you, but I always observe everything what you do and like. Like how addicted you are to  watch dramas." 

Napatitig ako sa kaniya.

"You don't know about how I always end up staring at you all night while you are sleeping after crying because of me."

Tumitig rin siya sa 'kin.

"I am saying this not to make you pity me, but to inform you that you're not the only one who suffered from our situation before. I also suffered, and I couldn't accept the fact that I can't fight for you. For us. Naging duwag ako kaya hindi kita magawang ipaglaban."

Hinawakan ko ang braso niya. Napatitig siya roon.

"Like what I've said, forget about it. Ikaw lang din ang masasaktan kung patuloy mong babalikan ang nakaraan. Let's just move on and look for what's ahead of us."

Huminga siya ng malalim at matagal akong tinitigan. Tipid ko lang siyang nginitian.

"You're right, let's just forget about the past. Puro masasakit na alaala lang ang meron don. Let's replace it with new good memories together." aniya at dinala ang kamay ko sa labi niya. He kissed my hand like he show devotion to me.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now