CHAPTER 9

339 13 0
                                    

Pagkarating sa school ay natanaw ko si Johann nang makababa ng kotse. Nakatayo ito sa gilid ng gate sa tabi ng guard house.

Ngumiti ito nang makita ako.

"Hey, bakit nandito ka pa? Late ka rin?" Bungad ko dito nang makalapit.

"Nope. Hinintay talaga kita." sagot nito.

"Si Presttesiana ay kakadating lang din kani-kanina lang. Namumugto nga ang mata non eh at parang may problema kasi nakatulala." dagdag nito kaya napakunot ang noo ko.

Si Prest? Ano namang problema ng babaeng 'yon?

"Gano'n ba? Sige tara, para makausap ko." aya ko at nagmaunang pumasok.

Ano naman kayang nangyari sa babaeng 'yon?

Pagkarating sa room ay siya agad ang hinanap ko. Nakaupo ito sa isang sulok at nakatulala.Namumugto nga ang mata at parang wala sa sarili.

"Presttesiana Vil!" Umalingawngaw kong sigaw para makuha ang attention niya. Sobra siyang tulala na kahit ang paglapit ko sa kan'ya ay hindi niya napansin.

"Ha-Huh?! A-Ano?" Tuliro nitong sabi.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa inakto nito. Mukhang may problema nga ito? Dahil hindi mamumugto ang mukha nito kung walang problema.

"Prest, anong problema?" Tanong ko agad nang mukhang natauhan ito sa pagsigaw ko.

Nag-angat naman ito ng tingin sa 'kin pagkatapos ay biglang umiyak.Napakurap-kurap ako dahil sa gulat at pagtataka.

"Hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Masuyo kong tanong at umupo sa gilid nito. Si Johann naman ay nakatayo sa harap namin.

"Dy..." aniya at nagtakip ng mukha.

"Prest, anong problema?" Tanong ko ulit dahil hindi siya sumasagot.

"Huhuhu Dy... S-Si Papa." uumiyak nitong sagot.

A-Anong?... Si Tito Presencio?

"Bakit? Anong meron kay Tito?" Tanong ko pa.

"Dy, huhuhu iniwan kami ni Papa para sa ibang babae." direktang sagot nito at humagulgol. Napatanga naman ako at laglag ang pangang hindi makapaniwala.

Si Tito, may babae?

"Anong ibig mong sabihin?" Ako.

"Iniwan kami ni Papa para sa ibang pamilya Dy... Ang masaklap pa doon ay una niya 'yong pamilya at kinukuha na daw siya sa 'min. At wala siyang iniwan sa amin bukod doon sa bahay namin ngayon at sa perang naipon ko." Sagot nitong nagpahabag sa 'kin.

Ibig sabihin ay pangalawang pamilya sila ni Tita Haida. O my gosh!

"I'm sorry Prest. Sana hindi ko na lang tinanong." alo ko dito dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Naagaw na nga niya ang attention ng mga kaklase namin.

"At ito pa! May anak siya sa una niyang asawa!" Nanginginig ang boses nitong dagdag.

Napatikom ako ng bibig. What the hell! So may kapatid siya sa ibang babae.

"O my god Prest! I'm sorry, hush please." I tried to comfort her as long as I can. I even commanded Johann to buy some water for Prest dahil kailangan niya 'yon para mahimasmasan.

I was about to talk when our Professor enter the room. Nagsi-ayos ng upo ang lahat at pati iyong naki-osyoso kay Presttesiana.

Our class started and I'm worried to Presttesiana dahil tulala lang siya at walang pinapansin. Hindi nakikinig at walang pakealam sa paligid.

I'm hoping na sana hindi maka-apekto sa performance niya ang sitwasyon niya ngayon ng pamilya nila.

After of all morning class ay tulala lang si Presttesiana. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ng mga Professor namin.

Now, we're walking through the cafeteria to eat lunch. Tahimik lang si Prest habang ako ito, nag-aalala sa kan'ya.

Napahinga ako ng mailapag ni Johann ang mga order namin at umupo sa tabi ko. Si Presttesiana naman ay nakatutok lang sa pagkaing na sa harap niya. Hindi ginagalaw.

"Prest, mind telling me what's on your mind." I said because I'm worried sick sa pagiging tahimik niya. Baka kung ano na pa lang iniisip nitong gawin.

Huminga naman ito ng malalim bago ako sinagot.

"I'm... I'm thin-king where can I find a job." She answered me while playing her food.

"Maybe I can help you. Titingin ako sa company namin kung mayroong vacant work na pwede sa 'yo." I suggest para hindi na siya mahirapan pa sa kakahanap ng trabaho.

"N-Nako ayoko Mandy! G-Gusto kong ako mismo ang maghanap. S-Saka na lang siguro pagwala na talaga akong mahahanap." Anito't pilit na ngumiti.

"It's fine Prest. It's the least thing I can do to help you." pamimilit ko pa dahil ayokong istressin ang sarili niya kakaisip kung saan siya makakahanap ng trabaho.

"Sorry Dy, ayoko talaga. Saka ko na lang tatanggapin ang tulong mo kapag wala talaga." may paninindigan talaga nitong tanggi sa 'kin.

I sigh. Ano pa nga ba!

"Fine, kung 'yan ang gusto mo. Basta h'wag kang mahihiyang lumapit sa 'kin kapag may kailangan ka." suko ko na lang dahil mukhang pursigido talaga ito sa pagtanggi sa offer ko.

Tipid lang naman siyang ngumiti at malungkot ang mata na kumain.

Napahinga ako.

How did Tito Presencio do that? Ginawa niyang kabet ang Mama ni Prest. Ang ganda pa naman sana ng tingin ko sa kan'ya dahil ang bait nito sa 'kin pero dahil sa nabalitaan ko ay nagbago ang tingin ko sa kan'ya.

"Ayan talaga ang gusto ko sa inyong dalawa eh! Handang magdamayan sa ano mang oras." Si Johann na ngumiti pa sa 'kin.

"Syempre! I see Presttesiana as my little sister, and as her sister, I need to take care of her." seryoso kong sagot at saka tumingin kay Prest na tulala na namang kumakain.

Hayst... This is not good for her.

After lunch ay nagtuloy-tuloy ang klase na gano'n pa rin si Presttesiana. Nakatulala at walang pakealam sa paligid.

Ang paningin ko naman ay nakay Prest lang at hindi 'yon inaalis kahit pa masita ako ng Professor namin. I don't care if mapagalitan ako basta mabantayan ko lang siya, hanggang sa magtapos ang lahat ng klase.

I even offered her a ride but she refused and let her own have a ride way back to her house. Nag-alala nga ako kaya dahan-dahan ko siyang sinundan gamit ang kotse ko para siguradohing maayos siyang makakauwi.

Nang makita ko namang maayos siyang nakapasok sa kanila ay umalis na rin ako para umuwi. Bukas ay magpapractice na naman kami ni Johann sa kanila, at tutuksohin na naman kami ng parents niyang umaasa sa relasyon naming dalawa.

And I'm scared of the thought na baka mas lalo akong makagawa ng kasinungalin dahil sa sinagot ko para mag-assume sila Johann sa 'kin.

It's hard to love another man when you're deeply in love to someone.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now