Nang magising ako ay naabutan ko si Cline na nililinis ang loob ng tent namin. Ang mga gamit namin ay na sa labas. Ang tanging naiwan sa loob ng tent ay ang hinihigaan ko. Mabilis akong napabangon. Napatingin siya sa 'kin.
"What's going on?" Iyon ang naging bati ko sa kaniya.
Pinagpagan niya ang kamay at humarap sa 'kin. He's facing the window of our tent that's why.
"Mauuna tayong uuwi. Nakapagpaalam na ako sa kanila." sagot niya at nilapitan ang higaan ko.
"Get up and fix your self. Aalis tayo pagkatapos ng breakfast. That's the point why our things are outside." dagdag niya.
Sinundan ko siya ng tingin nang kunin niya ang mga unang ginamit ko.
"B-But-" I flinch when he stop me by sneaking a quick kiss to me.
"Go on. Naghihintay si Siana sa cottage." sabi niya at nginitian ako. Napanguso ako. What a move.
Hindi na ako nagprotesta at lumabas na lang. I shield my hands against the ray of the sun when it welcomed me. Pumikit-pikit ako dahil nasisilaw pa rin ako.
Napahinga ako at kumuha ng tuwalya sa mga gamit ko at nagtungo sa faucet malapit sa banyo na nasa labas hindi kalayuan sa villa namin at doon naghilamos.
Dumiretso ako sa cottage na inaantok pa. Panay ang hikab ko nang maupo sa harap ng dalawa.
"Gising ka na pala." bungad sa 'kin ni Prest. Inaantok ko siyang tinignan.
"Uuwi daw ako." sumbong ko dito kahit sinabi naman ni Cline na nakapagpaalam na siya sa kanila.
Inabot ko ang tinapay sa harap namin at kumuha ng hotdog para gawing palaman.
Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko nang humikad ako. May mumunting luha sa gilid ng mata ko nang matapos. Suminghot ako at kumagat sa ginawa kong sandwich.
"Nasabi nga sa amin ni Cline. The chopper is already on the way. Didiretso kayo ngayon sa bahay para doon sumakay. Walang ibang helipad rito para masundo kayo." tugon niya at kumuha ng paper cup.
Tumango ako at tumulala habang ngumunguya. Na sa sahig ng cottage ang tingin ko nang magsalita si Prest.
"Coffee, Dy." mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya at inabot ang paper cup na hawak niya.
Napatingin ako sa hawak niya sa kabilang kamay. She has a protable coffee maker. Mukhang doon galing ang kapeng 'to.
Sumimsim ako ng kaunti dahil mainit pa. Lumaki ang mata ko at nagising ang inaantok kong diwa sa tapang ng kapeng binigay niya. Salubong ang kilay kong nagbalik ng tingin sa kaniya.
"Barako 'yan. Mukhang kailangan mo eh. Antok na antok ka pa naman." sabi niya at bahagyang tumawa.
Umawang ang labi ko dahil hindi ganitong kape ang iniinom ko. Masyadong matapang at... Mapait.
Nanghagilap ako ng gatas na pwedeng ilagay rito.
"Do we have milk? This is so bitter!" Reklamo ko at inabot ang nakitang fresh milk sa harap ni Prest.
"Pwede ko namang lagyan 'to ng gatas diba? Mapait kasi, I'll just sweeten it a little bit." sabi ko at nagbuhos ng kaunti. Uminom din ko ng kaunting gatas para mawala ang pait na kumakapit sa dila ko.
"Where did you buy this? This is not my type of coffee kind." Sabi ko at tinikman ang barakong kape na ngayo'y may gatas na. I lick my lips and nod when the taste suits my taste.
"Para sana 'yan kapag nagagabihan tayo rito. Kapag matagal tayong matutulog para may panlaban sa antok. Natutulog naman tayo ng maaga kaya hindi nagamit." sagot niya.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right