CHAPTER 37

284 11 0
                                    

We were taking late lunch since ngayon lang trip ng buntis kumain. Pinilit ko siyang kumain kahit panay ang pagdadahilan niya na busog pa siya.

"Kumain ka ng marami Ty." sabi ko rito at senenyas ang mga pagkain.

"Kakain ako ng marami don't worry." aniya.

"Kumain ka rin ng marami. If you want something tell me." ani ni Cline. Napatingin ako sa kaniya. Ang paningin niya ay na sa pagkain niya.

Mukhang wala talagang plano ang lalaking 'to na lubayan ako. Plano niya atang sumama sa amin buong araw.

Umiwas ako ng tingin nang tumingin rin siya sa 'kin. Sunod-sunod akong sumubo para hindi na mapatingin sa kaniya.

"Dahan-dahan..." aniya pa at inilapit sa 'kin ang upuan niya.

Kinuha niya ang softdrink ko at binuksan 'yon. He placed it beside my water at inilapit sa 'kin ang ilang ulam.

Sunod-sunod akong kumurap nang dumukwang siya para tingnan ako patagilid.

Nagkatitigan kami sandali bago siya kumuha ng tissue at punasan ang labi ko. Hindi agad ako nakareact sa ginawa niya.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin nang makarecover sa ginawa niya. What was that? He's being showy in public!

"Why don't you eat and don't mind me." Pinilit kong inayos ang sarili at tinaasan siya ng kilay.

Umayos naman siya at tahimik na kumain.

"Gladly there's no paparazzi here. I'm sure this would probably in news if there's any here." sabi ko at ngumiwi sa naisip. And I'm scared if it will reached to Johann.

Napahinga ako at biglang tinamlay. The thought of what if it reaches to Johann what's happening here, he'll be furious and mad.

Tinulak ko ang plato palayo sa 'kin at inabot ang bottled coke. Sumandal ako sa upuan at wala sa sariling uminom ng coke.

Kumunot ang noo ko at kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko once Johann find outs everything that is happening to me here right now.

Lumamlam ang mga mata ko at napalunok.

"Dy, ayos ka lang?" Napa-angat ako ng tingin.

Pareho silang nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Cline. Napasinghap ako at nanlaki ang mata dahil ang lapit ng mukha namin. Agad akong lumayo at umayos.

Tumingin ako kay Presttisiana at ngumiti.

"Nothing, I'm just thinking." sagot ko.

"You become quiet after you mentioned paparazzi. Are you bothered that there's any here?" Si Cline.

Umiling ako pero hindi ko na siya nilingon.

Tumingin ako sa pagkain kong hindi naman nangalahati ang nakuha. I lost my appetite.

"Busog na ako. Ayoko ng kumain." sabi ko at huminga.

"Panay ang buntong hininga mo. Is there something bothering you?" Si Prest. Umiling ako. Sinulyapan niya sandali si Cline at inismiran ito.

"Ayos lang ako, don't mind me. Kumain ka pa Ty."

Umiling rin ito at pinunasan ang labi.

"I'm full. Ikaw nga dapat ang kumain dahil ang kunti lang ng nakain mo." aniya at tinignan ang pagkain ko.

"Busog na rin ako. I think it's because of the junkfood I eated earlier."

"Ikaw Cline, kailan mo balak tantanan ang besfriend ko?" Bigla ay sabi ni Prest at nakataas ang kilay na binalingan si Cline.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now