CHAPTER 11

344 14 0
                                    

NAPATINGIN ako sa orasan. Alas syete trenta na. Wala pa namang lecturer kaya safe pa si Presttisiana kung papasok na siya.

Napatingin ako kay Luther, lumapit siya sa akin para itanong kung nasaan si Prest.

"Where's Presttisiana? It's already late." tanong nito. Nagkibit ako ng balikat dahil hindi ko rin alam.

"Hindi ko alam Luth eh... Baka 'andito na 'yon maya-maya."

Tumango siya at tumingin sa pinto.

Pumangalumbaba ako habang hinihintay ang pagpasok niya rin sa pinto.

Bakit ang tagal niya ngayon?

Nag-angat ako ng tingin.

Nandito na siya.

Kadarating niya lang.

Ngayon lang siya nalate ng ganito.

Taas kilay ko siyang sinalubong ng tingin. Ang blooming niya ngayon.

Anong meron?

"Late ka ah?" Tanong ko at inobserbahan ang itsura niya.

Iba talaga ang dating niya ngayon. May kakaiba.

Napatingin na naman ako kay Luther.

"May inasikaso lang ako kagabi." sagot nito at inilagay ang mga gamit niya.

Napabaling ito kay Luther ng tanong rin siya nito.

"Akala ko aabsent ka na. Late na kasi." si Luther.

Pinanood ko silang dalawa. Luther is looking at her with--admiration, while Presttisiana is just chill.

Hindi siya nakatingin kay Luther no'ng una pero ngayon ay nakatingin na.

"Hindi naman pwedeng umabsent ako Luther. Ngayon ang performance natin. May ginawa lang ako kagabi." sagot pa nitong si Prest.

"Yeah, I know. Akala ko lang--but anyways, did you prepared already? Mamayang hapon pa naman ang final."

"Oo naman. Mamaya ko lang din aayosin ang itsura ko para hindi ako mukhang haggard tignan mamaya."

"Okay, then. Goodluck sa'tin mamaya."

"Yes! Goodluck sa'tin."

Napataas ang kilay ko. Iba ang energy niya ngayon compared kahapon.

May nasesense akong hindi kaaya-aya. Mukhang napansin niya ang paninitig ko dahil lumingon siya sa 'kin.

"Anong tingin 'yan Dy?" Taas kilay niyang tanong.

Sumandal ako sa upuan ko at nakacross-arm na sinagot siya.

"Wala naman. May napansin lang ako sayo. Blooming ka masyado ngayon."

Naningkit ang mata ko nang mahuli ang pagkatigil niya. Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng gamit niya.

"Anong nangyari sa inyo ni Luther kagabi ah? Bakit ang blooming mo ngayon?" Pang-uusisa ko.

"Wala ah..."

Mas lalong naningkit ang mata ko at mas naghinala.

Feeling ko talaga may nangyari sa dalawang 'yon kagabi.

"Weh?..."

"Wala nga..."

"Talaga?"

"Oo nga." natatawa niyang sagot. Napanguso ako.

Naglilihim na sa 'kin ang bestfriend ko.

"Sandali Dy, may papakita ako sa'yo. Nakalimutan ko 'tong ipakita sa'yo noong nakaraan eh..." sabi niya at may kinuha sa bag niya.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now