Matapos maluto ang lahat ng barbecue ay nagpaalam akong magbibihis. Gusto kong magbabad sa dagat. Nagwawala ang sistema ko sa mga nalalaman ko mula kay Cline.
"Nasaan ang mga gamit ko?" Tanong ko.
"Inside our tent, at the left side." si Cline ang sumagot.
"Salamat." saka ko sila tinalikuran. So magkasama na naman kami. Hindi magiging epektibo ang paglayo ko kung parati kaming magkasama.
I will try to ask for another tent, ayoko siyang makasama sa iisang tent.
Tinungo ko ang kulay blue na tent at pumasok roon. Nandito nga ang maleta ko. Nakaarrange na ang loob ng tent. It is a family tent kaya malaki.
Pwede ako ditong magpalit. May maliit na portable solar powered light na nakasabit sa gitna ng tent. Kinuha ko ang two piece na dala ko at pinatay ang ilaw para magbihis. I bring a bathrobe just in case.
I open the light again at lumabas na. Suot ko ang bathrobe ng lumabas. Bumalik ako sa cottage at kumuha ng beer in-can.
"Woah! Maliligo ka Dy!"
Tumango ako at umupo sa tabi niya. Kumuha ako ng barbecue at tumingin sa dagat. Wala rito si Cline. Kaming tatlo lang ang nandito.
"Gusto ko sana kaso malamig na. Hindi pwede." aniya at humilig sa asawa.
"Maybe tomorrow." pang-aasar ko dito at binuksan ang beer.
"Dapat nga ay nagpapahinga ka na ngayon. Masama sa buntis ang mahamogan." pangangaral ko dito.
"Ayos lang 'yan! Nakajacket naman ako." sabi niya pa.
Pinanood ko silang dalawa. Ganito rin sana kami ni Cline kung hindi dahil kay mayor. Umiling ako at iwinakli 'yon sa isipan ko. Hindi ako pwedeng mag-isip ng ganiyan.
"Wala ba tayong ibang kasama rito? Ang tahimik kasi at wala akong nakikitang ibang tao." tanong ko.
"Sirado ang resort na 'to ngayon Dy. Pagmamay-ari ito ni Rexian. Tuwing nagbabakasyon kami rito ay talagang sarado ito para sa amin. Mga staffs lang ang nandito."
Tumango ako at nagkibit balikat. Inisahang ubos ko ang beer at tumayo na. Gusto ko ng lumublob sa dagat. Nag-iinit na ang katawan ko dahil sa beer. Nagpaalam ako sa kanila at iniwan ang robe sa upuan at nagtungo na sa dagat.
Ang malamig na simoy ng hangin ay sinasalubong ako habang papalapit ng papalapit. Huminto ako ng umaabot na sa paa ko ang tubig. Tumingala ako at pumikit.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang tumungo sa malalim na parte. Tahimik ang paligid kaya napakaengganyo sa pakiramdam ang maligo ng mag-isa.
Nang-abot hanggang dibdib ko na ang tubig ay huminto ako at hinayaan ang kamay na lumutang. Nilublob ko sa tubig ang buhok ko at pumikit ulit. Huminga ako ng malalim at napagdesisyonang lumusong na.
Umahon ako at niyakap ang sarili. Habol ko ang hiningang nilibot ang tingin sa paligid. May narinig akong ingay bago ako lumusong kanina.
Nang wala namang makita ay tumalikod ako para sana lumangoy ulit nang pumulupot sa akin ang malamig na braso ni Cline. Natuod ako. I don't need to guest who it was because I know it's him.
Wala kaming ibang kasama rito at walang ibang mangangahas na lumapit sa akin kun'di siya lang. Hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin ito pero humigpit ang yakap niya.
Lumalim ang paghinga ko nang maramdaman ang mukha niya sa leeg ko. Ang mainit niyang hininga ay sinasakal ako. Ang likod ko ay nababalotan ng init mula sa katawan niya.
"You're avoiding me." sabi niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.
"I'm sorry if I wasn't able to fight for you before. I'm sorry for being an asshole. I'm sorry for hurting you, for making you cry." puno ng sakit ang boses niyang paulit-ulit na huminge ng tawad.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right