Bakit ba ang dami kong problema!
Is this some kind of challenge I need to overcome in order for me to get my happy ending?
Pero sinong sisisihin ko kung bakit nagkaroon ako ng ganitong problema? Wala! Dahil ako rin mismo ang gumawa ng mga problemang ito. Now, nahihirapan na akong bigyang solusyon ito dahil lumalayo at nagiging komplekado sila.
Mariin akong pumikit at niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Tumingala ako para tignan ang langit.
It's still afternoon but the sky is glooming so dark. Nagbabadya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Parang sumasabay ang langit sa pinoproblema ko. Dinadamayan akong umiyak sa kaloob-looban ko dahil sa mga problema ko.
Napatigil ako at bumaba ang tingin. Napatingin ako kay Cline nang tumabi ito sa akin. Binalik ko ang tingin sa harap at kumurap.
"What are you thinking? Care to share what's on your mind?" Tanong niya at sumandal sa railings ng teresa. Lumambot ang expression ng mata ko at nilingon ulit siya.
Huminga ako lumunok.
"I'm just wondering, why does destiny need to introduce someone in our life that at the end, we will hurt unintentionally. Why does destiny needs to make everyones life misery if we can freely love and can't peacefully get our happy endings."
"Is it because in this lifetime, we cannot get what we want without experiencing troubles and problems that will lead us to our happy endings."
I stared at him.
"We should learn in order for us to be a better person in the future. And those someone is one of the help so we can achieved the betterness."
"Does it really need to be like that?" It sound sarcastic but I didn't mean to sound it like that.
Kumunot ang noo niya at naging matigas ang ekspresyon ng mukha. Parang tinatantya ang sinabi ko.
"Is this because of him?" Switching the topic. Naging iba ang aura niya. Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.
"Why does it sound like you're accussing me?" Liban ko rin sa usapan. Parang idinidiin niyang kaya ako nagkakaganito dahil kay Johann. Partly yes, pero bukod don, ang tanging ibig ko na lamang sabihin ay ang paghihirap na dapat nating maranasan bago makamit ang tunay na kaligayahan.
"I'm not accussing you. I am just asking you if this is all about that guy. Kanina, matapos kayong nag-usap, naging tahimik ka na buong araw." he defended. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.
"It's because I'm thinking about my problems!" Naiirita na ako. Maliban sa lumalayo na kami sa usapan ay parang may ipinapahiwatig na rin siya. Or it is just me putting other meanings to his word?
"I saw how you looked at him earlier. Your eye's was full of pain and regrets. Tell me, do you regret of choosing me or are you even sure about me?" Tanong niyang nagpatigil sa 'kin.
Where does his word came from? Where does this idea of him came from?
Bakit pakiramdam ko ay madadagdagan ang problema ko. Bumilis ang paghinga ko at tuluyan siyang hinarap.
"A-Ano bang sinasabi mo?" Kunot na ang noong tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at nagtiim ang bagang.
"Sabihin mo sa 'kin, sigurado ka na ba sa akin o nagugulohan ka lang? I saw how you get affected by how that man treats you earlier."
"Cline..." mabilis ang paghinga kong pigil sa kaniya. Inabot ko ang braso niya at hinawakan ang kamay niya. Tiningala ko siya.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right