Sa buong oras ng parade ay hawak-hawak ni Cline ang kamay ko. Panay naman ang takip ko ng mukha tuwing may sasalubong sa aming nakakakilala sa amin.
Tanghali na at masyado ng mainit. Sumilong kami sa harap ng karenderyang palagi naming kinakainan dati.
Matunog akong huminga habang nakacross-arm. Nanonood kami ng fun run. Hindi kami sumali dahil mainit nga. Lalo na ang lagay ni Presttisiana.
Si Cline naman ay hindi ko alam kung bakit nandito pa rin kasama namin. Pinagtitinginan na kami dito.
Napatingin ako sa loob ng karenderya. Nanunuot sa pang-amoy ko ang amoy ng mga ulam. Hindi pa naman ako nagugutom pero tanghali na at itong buntis ang iniisip ko.
Kinalabit ko siya para mapatingin sa akin. Taas kilay naman niya akong nilingon.
"Hindi ka pa ba nagugutom? Tanghali na. Baka mapatay ako ng asawa mo kung wala kang kain." sabi ko rito. Hinawakan naman nito ang tiyan niya at umiling.
"Hindi pa naman. Gusto ko lang ng tubig." tugon niya. Lumingon ulit ako sa loob ng karenderya. May tindang tubig naman sa loob ng fridge.
"Sandali, ibibili kita." paalam ko dito at pumasok sa loob pero napatingin ako sa katabi ko nang sumunod ito.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"H'wag ka ngang sumunod! Baka kung anong isipin nila!" Pigil ko rito.
"I told you, don't try to complain or else..."
"Oo na! Oo na! Bwesit!" Hindi ko na napigilang magmura dahil sa inis.
Mas lalo akong nainis ng tawanan niya lang ako. Wala akong nagawa kun'di hayaan na lang siya, sa ngayon, sasabayan ko na lang siya sa mga pinanggagagawa niya para hindi ako mapahiya sa mga nakatingin sa amin.
Remember? He has the right to ask me. Hindi nga ako pwedeng magreklamo.
Lumapit ako sa fridge at kumuha ng dalawang tubig at isang soda. Pwede ba ng softdrinks ang mga buntis?
"What do you want?" Bigla ay tanong nitong isa. Tinignan niya ang hawak ko.
"Iyan lang ba?" Tanong niya ulit at kinuha sa kamay ko ang dalawang tubig at isang in-can na soda.
"May kukunin ka pa? Ako ng magbabayad." aniya. Gulat akong tumingin sa kaniya.
"I can pay for that!" Angal ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Napatahimik ako.
Don't complain.
Kahit labag sa loob ko ay tinalikuran ko na lang siya at kumuha pa ng isang soda.
Napatingin ulit ako sa kaniya nang pilit niyang inaabot ang bote ng coke kahit puno ang kamay. Hirap na hirap siyang abotin 'yon kaya naman napahinga ako. Ako na ang kumuha. Nakakahiya, siya pa naman magbayayad.
Binayaran niya nga. Bumili rin siya ng ilang biscuit at chichirya. At may kung ano-ano pang sinabi kay Aling Teresita.
"Abay ija! Napadalaw ka dito! Ang tagal na ng huli kitang nakita rito sa karenderya ko!" Ani nito.
Tipid akong ngumiti.
"At sino itong kasama mo? Nobyo mo?" Tanong pa nito. Nahihiyang umiling ako pero nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cline.
"I'm not her boyfriend ma'am. I'm her husband." anito. Napalunok ako at gulat siyang nilingon.
Akala ko ba hindi niya sasabihin! I didn't complain! I stop complaining earlier!
Nginitian niya lang ako nang mapansing nakatingin ako. Halos umusok na ang ilong ko sa galit. Baka lumabas rito ang sinabi niya. Maiissue ako!
Balak ko pa sanang bawiin ang sinabi niya nang hilahin na niya ako paalia ron. Hawak-hawak niya ang plastic ng lumabas kami.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right