Mariing magkalapat ang mga labi ko habang nakikinig sa mga sintements nila mommy. We're talking on skype now after I called them by telephone.
"Alam mo bang sobrang alang-ala kami sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil bigla kang nawala." umiiyak pa nitong sabi. Tipid akong napangiti habang nahahabag na pinapanood sila.
Si mommy, daddy, ang iba kong mga tito at tita at si Manang ang kaharap ko ngayon.
"I'm sorry my. Natakot lang po ako. Ayoko pong makulong. I know you won't allow that to happen tho, kinain lang po ako ng takot ko at sa mga oras na 'yon ay wala akong ibang maisip na paraan kun'di umalis at magtago." Amin ko at yumuko. Nanunubig ang mata ko. Ito na naman at binabalikan ko ang nakaraang bangungot na para sa akin.
"Hindi ko talaga hahayaang makulong ka! Ang babaeng 'yon ay kabit pala ng asawa mo at hindi man lang sinabi sa akin. After I knew the truth, tibapos ko na ang pagkakaibigan namin ng tita Kyla mo. Ayokong magkaroon ng manugang na cheater at manloloko!"
Napalabi ako. So alam na nila ang lahat.
"I'm sorry my..." nasabi ko na lang at hindi na napigilan ang luha kong bumagsak ng tuluyan. Yumuko ako at pinunasa ang mga luha ko sa pisnge.
"Umuwi ka na rito anak. Susunduin ka namin." bigla ay sabi ni daddy habang hinahagod ang likod ni mommy. He's trying to comfort her.
"H'wag kang mag-alala ija, secured ka rito kung bumalik ka man." Segunda ng isa kong tito.
"Wala sila rito anak. Ang huling balita namin ay umalis ng manila si Mayor Wendellion. Wala rito ang pamilya nila maging ang tita Kyla mo." si daddy.
Suminghot ako at lumanghap ng hangin.
Wala sila riyan dahil nandito sila. Lalo na ang anak nila.
Pinilit kong ngumiti dahil kahit paano ay alam kong hindi sila galit sa akin. Galit sila, pero hindi para sa akin.
"Please anak... Umuwi ka na. Panatagin mo si mommy." pagmamakaawa ni mommy. Muling nanubig ang mata ko.
I love her so much.
"I'm doing fine here mommy." tanging sagot ko sa kanila. I tried to compose my voice. Pinigilan ko ang manginig ito.
I'm happy to see them again. So much, after longing for them.
"Anak... H'wag kang matakot. Hindi ko sila hahayaang saktan ka. Ipaglalaban ka namin ng daddy mo."
Umiling lang ako.
"Hindi pa po ako handa my. Maybe give me some time. I'll think about it."
Suminghot ito at yumakap kay daddy. Inaalo na rin siya ng iba kong tita na kasama nila.
I wonder if they are complete there. My dad is the oldest among his 7 siblings. Tatlong lalaki at apat na babae sila. Mayroon akong kabuoang labing pitong pinsan at pang labing walo ako.
"Please anak... Kung handa ka ng umuwi ay sabihan mo kami. Kami mismo ang susundo sayo riyan." ani pa ni daddy.
Ngumiti lang ako. I'm so lucky to have them... As my family... As my parents.
"Opo dy. Kung gusto niyo po ay pwede niyo akong puntahan rito sa America. Nasa Washington po ako."
"We will anak... We will." si mommy na ngayo'y pinupunasan na ang basang-basang mukha. Tinulongan siya ni daddy.
"I'll fly tomorrow to see Presttisiana. Siguro ay napanood niyo na rin ang balita tungkol sa kaniya. She's married... And pregnant at the same time."
"Really? I remember, wala rin siyang alam sa pag-alis mo."
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right