CHAPTER 2

526 17 0
                                    

Nang makarating kami sa mall ay una naming tinungo ang world of fun. Dito kami palaging nagpapalipas ni Prest ng oras kapag walang klase at wala kaming ginagawa tuwing sabado at linggo.

Nakaka-enjoy kasing paglaruan ang mga pangbatang laro na nandito. Ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata.

"Dy!"

"Ty! Basketball."

Sabay naming hiyaw ni Prest ng makapasok at makapagpalit ng tokens.

Itong basketball at baril-barilan lang ang nilalaro namin ni Prest dito. Palakihan kami ng points sa basketball habang padamihan kami ng napapatay na kalaban sa baril-barilan.

Naghulog kami ng tigdadalawang tokens at excited na hinintay ang pagbaba ng mga bola.

"Dating gawi." sabi ko at sinulyapan si Prest na tumatango-tango.

"Wait girls! Hintayin niyo ko."

Napatawa kami ni Prest ng maalalang kasama namin si Johann. So bale tatlo kaming nakatayo sa bawat isang basketball machine.

"Ganito. Lagyan natin ng twist ang laro. Kung sino ang merong pinakamababang score ay siyang manlilibre." suhestyon ko. Bigla namang nanlaki ang mata ni Prest na ikinangisi ko.

Ubos pera nito pagnagkataong siya ang matalo.

"Game..." sang-ayon ni Johann. Hinintay ko ang sagot ni Prest ngunit ngumuso lang ito.

"Baliw! Ayoko! Baka maubos pera ko." sabi niya.

"Ano namang tingin mo sakin? Magaling?Hoy! Baka nakakalimutan mong basketball player 'yang kalaban natin." at ininguso si Johann na pinapanood kaming dalawa.

"Tss... Pag ako natalo mangungutang talaga ako sayo." banta niyang wala namang epekto sakin.

"Bahala na. Goodluck na lang satin."

"One... Two... Three..."

Nagsimula kaming tatlo na magshoot ng bola pagkatapos ng tatlong segundo. Napakagat labi ako ng sunod-sunod ang shoot ko sa bola. Siguradong hindi ako ang talo nito.

"Boom strike three!" Sigaw ko ng tatlong puntos ang kaakibat ng bolang naishoot ko ng tama sa ring.

"Ano bayan! Ang liit pa ng score ko." reklamo ni Prest na ikinatawa ko. Tumingin naman ako kay Johann na kanina pa sunod-sunod ang pagshoot ng bola. Halos walang pumapalya bawat isang bola na inihahagis niya papasok ng ring.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano na kataas ang score niya.

Halos lampas na sa score na nakatakda bago matapos ang round 1.

Grabe!

Iba talaga pagsanay sa larong basketball.

Nang saktong patapos na ang round one ay nalampasan ko din ang score na dapat maabot para magkaroon ng round two ang laro.

"Tapos na ako." suko ni Prest ng hindi man lang umabot sa one hundred ang score niya.

Binilatan ko siya dahil sa pagkatalo niya.

"Next time magpractice ka." kantyaw ko rito na ikinasama ng tingin niya.

"Che! Manahimik ka diyan. Kasalanan mo 'to eh..."

Aba ako pa ang sinisi.

Kasalan ko bang hindi siya marunong magshoot.

"Bleeh!" Asar na talaga ang mukha niya.

"Hay nako! Kayong dalawa nalang ang maglaro diyan." sabi niya at iniwan kami ni Johann.

Sabay kaming natawa ni Johann dahil sa kanya.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now