Alas-otso na ng umaga nang magising ako. Actually hindi pa sana ako gigising kung hindi lang namilit si Manang Celes, at dahil masunurin akong bata gumising nalang ako. Ngayon ay nandito ako sa hapag, inaantok na nakatingin sa mga pagkaing nakahanda for breakfast.
"Mandy! Ija, gising!" Gulat akong napamulat ng mata dahil sa boses ni Manang na ginigising ako. Hindi ko namalayang napapapikit ang mata ko dahil sa antok.
"Ija? Ayos kalang?" Tanong nito. Ngumiti lang ako at humikab.
"Sandali! Ipagtitimpla kita ng kape." paalam nito.
"Sige po manang! Kailangan ko nga po ng kape. 'Yong matapang po." habol ko pagkatapos ay napahawak sa noo upang magpahinga saglit. Narinig kong tumikhim si Cline.
"Pagod na pagod. Matagal kang natulog kagabi?" Sermon nito sakin ngunit hindi ko nalang pinansin dahil inaantok pa talaga ako. Ipinikit ko muna ang aking mga mata para makabawi-bawi ng tulog nang magsalita ulit si Cline dahilan upang mabilis akong mapamulat.
"Tumawag ang mommy mo kanina." anito. Nagtatanong ko siyang tinignan, hinihintay ang susunod na sasabihin.
"Anong sadya niya? Bakit daw tumawag?" Sunod-sunod kong tanong ng hindi na siya magsalita. Tinitigan muna ako nito bago sumagot.
"Pumunta daw tayo sa inyo."
"Sa amin? Bakit daw?"
"I don't know."
"Anong oras naman daw?"
"Ngayon na mismo. At dahil ngayon ka lang din nagising tumawag ako sa kanila at sinabing malalate tayo."
Nanlaki ang mata ko.
"What!? Ngayon na pala! Ba't di mo sinabi agad!" Sigaw ko at napatulala sandali.
"Pa'no ko naman sasabihin eh tulog ka pa."
"Sana ginising mo ko!" Saktong na sa harap ko na si Manang Celes nang tumayo ako.
"Nandiyan kana pala manang." tila wala sa sariling sabi ko at nagsimulang maglakad.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong nito at inilapag ang kapeng dala.
"Maliligo po. May pupuntahan pala kami ngayon tapos hindi ako ginising ng maaga." sagot ko na may halong pagpaparinig kay Cline.
"So now you're blaming me." ungot nito. Nakataas kilay ko naman siyang sinagot.
"Abah malamang! Alangan namang ako ang sisihin eh natutulog nga 'yong tao diba." pambabara ko sa kan'ya na mukhang ikina-inis niya.
"Pero ija, hindi ka pa nagbrebreakfast." pigil ni Manang sakin.
"Mamaya na lang po pagkatapos." at saka ako nagpaalam na aakyat sa kwarto.
Nakanguso kong isinalampak sa tenga ko ang earphones na dala at pinlay ang tugtog na 'Teardrop on my guitar by taylor swift'
We're on our way papunta sa mansion namin. Nakapaboring at walang kabuhay buhay ng byahe dahil pareho kaming walang imik kaya napagdesisyonan kong magsountrip muna habang hindi pa kami nakakarating.
Drew looks at me
I fake a smile so he won't see
What I want, what I need
And everything that we should be
Pagsasabay ko sa kanta habang nakatingin sa labas ng bintana. Feel na feel ko talaga ang tuno lalong lalo na sa chorus part.
He's the reason for the teardrops on my guitar
The only thing that keeps me wishing on a wishing star
He's the song in the car I keep singing, don't know why I do
Napahinga ako ng malalim.Patama talaga 'tong sound na pinili ko eh.
Saktong patapos na ang chorus ng huminto kami hudyat na nakarating na kami.
Naunang lumabas si Cline at hinintay akong makababa. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Napakagentleman niya, grabe!
Asar kong tinanggal ang seatbelt at bumaba. Nang biglang magtama ang paningin namin, inirapan ko lang siya at nakacross-arm na lumapit.
"Tara na!" Ako na mismo ang nag-aya at naunang maglakad papasok. Sabay naming tinungo ang sala at doon natagpuan ang mga parent's namin na nagkukulitan. Natigil lang sila ng mapansin kami.
"Mom... Dad..." tawag ko sa kanila. Sinalubong naman ako ng yakap ni mommy.
"Oh! Baby, nandito na pala kayo." sabi nito at pinakawalan ako at nakipagbeso kay Cline.
"Good morning! Mom... Dad..." bati rin ni Cline sa magulang niya. Kaliwa't kanang beso ang ginawa namin ni Cline sa bawat matatanda.
"So what is this all about tita? Bakit niyo po kami pinapunta dito?" Paunang tanong ni Cline.
Mommy Kyla offer us to sit first before mommy answer Cline's question.
"Well... Your tita Fam and her son's will be going here at Philippines to have a three week's vacation." sagot ni mommy. Tumango-tango naman si mommy Kyla--Cline's mother.
"So that's the reason why you all want us to go here." sabat ko.
"Yes dear! Dahil gusto naming sumama kayo sa amin sa pagsundo sa kanila ngayon. Wala naman kayong pasok pareho." si mommy.
Nalukot ang mukha ko. Dapat manonood lang ako ng mga palabas ngayon eh... Planado na ang gagawin ko ngayong araw. Paepal 'tong sila Ivor.
"As in ngayon na mom?" Tanong ko at isang tango lang ang isinagot niya. Palihim akong ngumuso.
Argh!
"Let's go everybody. Kakatext lang ni Fam. Lalapag na daw ang eroplano nila kaya bilisan na natin." tila anonsyo ni mom. Mabilis kaming lumabas ng mansion at nagsisakay sa mga sasakyan namin. Si mom at dad ang magkasama same as tito and tita, at kami naman ni Cline.
Hayst!
Byahe na naman.
Pagkarating sa airport ay agad naming nakita sila tita Fam na naghihintay sa labas ng airport. Hindi na kami bumaba dahil sila na ang pinasakay namin. Tumulong lang sila daddy at tito na ipasok ang mga gamit nila tita Fam sa kotse nila daddy saka sila sumakay. Si tita Fam at mommy ay lumipat sa sasakyan ni tita Kyla habang sila daddy at tito Linear at tito Vron ay nasa kabilang sasakyan. At ang dalawang anak nila tita Fam ay nakasakay sa sasakyan ni Cline. Inshort, kasama namin sila, at ang masaklap pinalipat nila ako sa likod para daw makapagkulitan kami habang bumabyahe papauwi sa amin.
"Hey Mandy babe! Hindi mo ba ako iwewelcome back. No welcome back hug?"
Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Ivor.
"Che! Manahimik ka nga diyan Ivor." sita ko sa kan'ya kaya napanguso ito.
"Porke ikinasal ka lang kay Cline pare ayaw mo ng yakapin ako. May I remind you na dapat 'tayong dalawa' ang ikakasal kung hindi lang ako 'sumama' kay mommy papuntang France." sabi niya at sa tuwing ididiin ang isang salita ay lilingon kay Cline na nagdradrive.
"Oo na! Halika ka nga!" Saka siya hinila para yakapin. Minsan ko na rin siyang nagustuhan. Actually he's my childhood sweetheart. Pero nabaling kay Cline ang nararamdaman ko no'ng makilala ko siya na para sana kay Ivor.
Tama si Ivor. Kung hindi niya piniling sumama kay tita Fam para pumuntang France at doon na tumira ay kami sana ang mag-asawa ngayon.
Kung pwede lang ibalik ang nakaraan ay mas pipiliin ko pa sigurong maghintay kay Ivor na bumalik siya at ituloy namin ang kasal ke'sa ngayong kasal na nga ako sa lalaking mahal ko, may kahati naman ako.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right