CHAPTER 42

238 14 0
                                    

Tumili ako nang sabuyan ako ng tubig ni Prest. Naliligo na sila ng asawa niya while I was here nearby our things, sitting at a flat rock.

Pinapanood ko silang dalawa. I don't feel like swimming right now. Althought beneathe my short and t-shirt is another set of two piece na katulad ang desenyo ng isinuot ko kagabi, huhubadin ko na lang para makaligo.

Kakatapos ko lang kumain at gusto ko munang magpahinga. Masama kong pinukolan ng tingin si Prest.

"Halika na rito Dy! Ang sarap ng tubig." anyaya niya. Tumayo ako at pinahidan ang nabasa kong binti. Akala niya siguro ay maliligo na ako dahil tumayo ako pero nanatili akong nakatayo roon habang nakatingin sa kanila.

"Halika na Dy!" Ulit niya pa.

"Mamaya na ako. Busog pa ako." dahilan ko at hinimas ang tiyan. Ngumuso naman ito kaya natawa ako.

"Ang sarap ng tubig oh... Ayaw mo talaga?" Pangungulit niya pa.

"Mamaya na talaga ako. Magpapahinga muna ako. Enjoy muna kayo diyan." sabi ko at iniwan silang dalawa.

Nagtungol ako sa folding bed kung saan nakahiga si Cline. Mabilis siyang lumipat sa mat nang makitang papalapit ako sa kaniya.

Umupo ako sa folding bed at pinalitan siya. Humiga ako habang nakasandal naman siya sa gilid ko.

"You wont swim?" Tanong niya. Umiling ako. Gusto kong umidlip. Namumungay na ang mata ko dahil inaantok ako.

"You wanna sleep? I'll get you a blanket." aniya. Tumango lang ako at tumagilid para kita ko pa rin ang mag-asawa.

"Here..." saka niya inabot sa 'kin ang kumot. Inabot ko 'yon at nagkumot ng hanggang beywang.

Muli siyang umupo at sumandal sa gilid ko. Habang tumatagal ay bumibigat ang talukap ng mata ko.

"Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako." Bilin ko rito at humikab.

"I'll stay here, babantayan kita." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

Pumikit na ako dahil inaantok na talaga ako. Maayos naman sana akong nakatulog kahapon pero ewan ko ba at inaantok ako ngayon.

Dahan-dahang lumalim ang paghinga ko hanggang sa tuluyan akong makatulog. Gumalaw pa muna ang labi ko dahil may dumamping kung ano bago ako tuluyang natulog ng mahimbing.

Nagising ako sa marahang paghaplos sa mukha ko. Agad na nagtagpo ang tingin namin ni Cline nang magmulat ako. Napabangon ako dahil maingay na ang paligid. Nilibot ko ang tingin at marami ng tao ang nandito.

"Anong oras na?" I asked.

"It's 2pm in the afternoon."

So tatlong oras akong nakatulog. Tumingin ako sa pwesto nila Prest. Mayroong tent na nakatayo sa tabi nila, at mukhang na sa loob sila dahil hindi ko sila makita.

"Are you alright?" Tanong pa ni Cline. Umupo ako at kinusot ang mata.

"Kanina pa maraming tao dito?" Balik na tanong ko habang nakatingin sa falls kung saan maraming naliligo. Napatingin rin siya doon.

"Yeah... Around one, dumagsa na sila."

Tumango ako at tumayo. I stretch my arms.

"I'd like to swim now. Hindi na masyadong mainit." sabi ko at dahan-dahang lumapit sa falls.

Napatingin ako sa gilid ko nang pumulupot ang braso ni Cline sa beywang ko at sabayan ako.

"Maliligo ka rin?" Tanong ko.

"Yes, but I will partially watch over you. There are many people now and they are mostly men." aniya.

"And you can't undress, like you were wearing last night." dagdag niya at humigpit ang kapit sa beywang ko.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now