Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. The couples are nowhere to be found. Hindi ko alam kung na saan sila.
Tahimik ang paligid kaya hindi ko alam, siguro'y na sa kwarto?
Dalawang baso rin ang naubos ko. Sumandal ako sa sink at inilagay ang magkabila kong kamay sa gilid ko. Yumuko ako at pumikit.
Malalim pa rin ang paghinga ko. Tumuwid ako ng tayo ng biglang pumasok si Prest. Kumunot ang noo niyang napatingin sa 'kin.
"Anong nangyari sayo? Pawisan ka?" Tanong niya at lumapit sa 'kin.
Umiling ako at inilayo ang mukha sa kamay niyang balak akong hawakan.
"Ah... Tumakbo kasi ako pabalik. Ang layo na ng narating ko kakalakad sa baba." sagot ko. Hindi 'yon kasinungalingan, may hindi lang ako sinama sa nangyari.
Umiling siya at nagtungo sa ref.
"Bakit ka naman kasi tumakbo?"
"Nothing. I just want to run. Its been a while since I run that far kaya sinubukan ko lang." at bahagyang ngumiti.
"Okay, but anyways. Rexian is cooking lunch, may gusto ka bang ipaluto?" Tanong nito.
Lumapit ako sa stool bar at pinanood siyang maghalungkat ng kung ano sa ref.
"I want oily chicken." Sagot ko.
"Oily chicken?" Bigla ay tanong niya. Tumaas ang kilay ko.
"You don't know oily chicken?" Umiling naman siya bilang sagot. Natampal ko ang noo.
"I mean, fried chicken. It's oily kaya oily chicken." paliwanag ko at ngumiwi.
"Akala ko kung ano. Nagpauso ka lang ng bagong pangalan ng ulam eh." reklamo niya at tinalikuran ako.
Napapeace sign naman ako.
"Ah... I remember. Don't forget the brown ketchup." dagdag ko.
Bigla naman siyang naging mad lady kaya napatalon ako sa sigaw niya.
"Brown ketchup?!" Sigaw niya habang magkasalubong ang kilay na tumingin ulit sa 'kin.
Pagak akong natawa.
"Relax Ty, it's just Gravy... Gravy... Be advance Ty." Natatawa kong ani at pinakalma ang kaibigan.
Inirapan niya lang ako.
"Ewan ko sayo. Kung ano-anong pinagsasabi mo Dy."
Napahalakhak tuloy ako. Atleast ang kanina'y kaba kong nararamdaman ay nawala.
"Baka gusto mong magpalit Dy... May mga bago akong damit na kakabili lang ni Rexian. Hindi ko pa nasusuot. Ibibigay ko na lang sayo." aniya.
"Sige. Nanlalagkit din ako dahil sa pawis sa kakatakbo kanina." Bumaba ako sa stool bar at lumapit sa kaniya. Sumandal ako patagilid sa gilid ng ref kaharap siya at nagcross-arm." Nga pala, dito ako mag-iistay para sa bakasyon ko ah..."
"Oo naman."
Tumayo ako ng tuwid.
"Aakyat muna ako. Gusto ko ng magpalit." paalam ko at dumiretso sa hamba ng kusina.
"Sa pinakaunang kwarto!" Pahabol nitong hinihintay ko lang sabihin niya.
Nang paakyat ako'y nasalubong ko si Rexian. Bagong bihis at magulo ang buhok. Tinanguan niya ako. Ngumiti lang ako.
"Your room is the one that the door has a blue color." Sabi nito. Tumango lang ako.
"Nasabi nga ni Prest sa 'kin. Salamat." at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right