CHAPTER 18

313 12 0
                                    

Almost 2 hours of just sitting. Pumila para sa diploma, ngayon ay nakatayo na para sa pagtatapos ng seremonya. Handa na akong ihagis ang graduation cap ko pagkatapos.

Tumingin ako kay Presttisiana. Malaki ang ngiti niya sa mukha habang nakatingin sa harap.

I am very thankful to everything. Despite the hearbreaks I am facing, the breakdowns I experienced and the motivation I seek from my bestfriend. I must say, everything is all worth it.

"I would not end my speech by only giving thanks to all of you without recognizing all the working hands that made this event possible..."

Mahigpit kong hinawakan ang graduation cap ko habang nakikinig sa closing remarks.

"I truly appreciate your help."

This is it...

Hinawakan ko ang cap ko at hinanda na ito.

"Graduates, you are encouraged to pursue a college degree. Once again, congratulations, my dear students!"

After saying their thank yous, sabay-sabay naming hinagis ang aming mga graduation cap. Nakisigaw ako at humiyaw para sa pagtatapos.

Finally... Graduate na ako.

Lumingon ako sa pwesto nila Prest. I saw Johann and Luther with her. Mukha silang may hinahanap. At mukhang ako ang hinahanap nila dahil ng mahagip ako ng tingin ni Johann ay agad ako nitong tinuro. Luther left them kaya silang dalawa na lang ang lumapit sa kinaroroonan ko.

My parents are busy approaching those parents na nagco-congratulate sa amin.

"Hey... Ngayon lang kita nakita. I didn't see you at the crowd kanina. Medyo malayo ka naman doon sa mga upuan natin kaya hindi kita nalapitan." bungad sa 'kin ni Johann.

I congratulate him.

"Congrats din..." tugon niya at niyakap ako. I hug him too.

"Hoy tama na 'yan! Grabe ka naman makayakap Johann..." si Prest at pinaghiwalay pa kami ni Johann.

"Ang bitter mo Siana." pang-aasar sa kaniya ni Johann.

"Bakit mo kasi binusted." dagdag pa nito. Naningkit ang mata ko.

"Sinong binusted?" Singit ko sa kanila. They look at me.

"Sino pa ba, ide si--hmp! Hmp!" Hindi na natuloy ni Johann dahil dinaklot na ng kamay ni Prest ang bibig ni Johann.

"Manahimik ka diyan president!" Si Prest habang tinatakpan ang bibig ni Johann saka bumaling sa 'kin.

"Wala Dy ano ka ba..." saka pekeng tumawa.

May hinala na ako eh. Kaya ba hindi sumama kanina.

"Okay. Alam ko na kung sino. Binusted mo talaga Ty? Grabe ka naman." sabi ko dito.

Napanguso ito at pinakawalan ang bibig ni Johann. Sinamaan pa muna niya ito ng tingin bago nakacross-arm na bumaling sa 'kin.

"Ang ingay mo president!" Masungit na saad pa nito at umirap. Tinawanan lang naman siya ni Johann.

"Sabihin mo na lang kasi, hindi 'yong nililihim mo pa, eh ultimong si Mandy ay kilala na kahit hindi mo pa bigyan ng clue." si Johann.

Napahinga naman si Prest.

"Oo na! Eh kasi... Hindi na pwede. May boyfriend na ako." amin nito. Napangisi ako. Tama nga ako. Meron na nga. May nakasungkit na sa puso ng kaibigan ko.

Nanunudyong tiningnan ko siya. Namumula ang pisnge nitong nag-iwas ng tingin.

Now that she confessed about it, she just confirmed my suspetion to her.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now