Hapon ng alas singko ng mapagdesisyonan naming umuwi. Tahimik ako habang panay ang kwentohan nilang tatlo. Magkahawak kamay pa rin kami ni Cline habang binabaybay ang daan papunta sa cottage.
Gusto ko ng humiga. Napagod ako sa pakikipaglaro kina Prest kanina. When they woke up, naligo ulit sila nang makita kaming naliligo ni Cline.
Mabilis kong binitawan ang kamay ni Cline at binuksan ang tent at agad na ibinagsak ang katawan sa higaan. Ang sakit at pagod na nakapatong sa balikat ko ay nawala. Pumikit ako at napahinga.
"Nakakapagod!" Reklamo ko at umupo.
"Why don't you rest? Or maybe take a sleep. Gigisingin kita pagdinner na." suhestyon niya. Pumasok siya sa loob at may kinuha sa maleta niya.
"Hindi na. Hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang mahiga saglit." sabi ko at pinanood siya.
"If you say so. Sumama ka na lang sa amin. We'll set up a bon fire in front of the cottage." aniya at binalingan ako.
"Talaga?! Sige!" Excited kong tugon at kinuha ang cellphone ko.
"Maghintay ka roon sa cottage. Kinukuha pa ni Rexian ang mga gagamitin natin. I'll just change." aniya at nauna ng lumabas ng tent. Tumango ako at sumunod sa sinabi niya.
Magbibihis rin siguro ako, pero mamaya na.
Tumabi ako kay Prest na nakaupo sa loob ng cottage. Napatingin siya sa 'kin.
Tinukod ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at pinanood ang mga paa kong dinuduyan.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Cline ah..." Sa gitna ng katahimika'y sinabi niya. Patagilid ko siyang tinignan.
"Hindi naman. May usapan kasi kami, kaya ang lakas ng loob niyang lumapit-lapit sa 'kin." sagot ko at ibinalik ang tingin sa panonood.
"Ano naman ang usapan niyo? Care to share me?"
Ngumiwi ako at umayos ng upo. Huminga ako at sumandal sa upuan.
"Lahat ng ipinapakita niya ngayon ay may hangganan. Kapag nabigo siya ay tuluyan niya akong titigilan." sabi ko at umiwas ng tingin.
"What do you mean?" Aniya at hinawakan ang kamay ko.
"May usapan kami na hahayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya sa loob ng maikling panahon kapalit ng titigilan niya ako pagkatapos."
Suminghap siya kaya salubong ang kilay kong binalingan siya.
"Seryoso ka ba sa gusto mo Dy?" Tanong niya bigla. Kumurap ako ng isang beses at napatitig sa kaniya.
Binawi ko ang tingin ko at dahan-dahang yumuko. Mababaw akong huminga.
Am I seryoso? Yes! Off course! I am taking this seriously.
Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman? Bakit mabigat sa pakiramdam ang isiping titigilan na niya ako kung sakaling mabigo siya?
Tama lang naman 'yon diba? Iyon ang dapat niyang gawin, ang lubayan ako.
Lumamlam ang mga mata ko at lumunok. Suminghap ako nag-angat ng tingin.
"Yes." Simple kong sagot at seryosong bumaling sa kan'ya. Napahinga siya at tipid na ngumiti.
"Nakikita ko namang seryoso siya sayo Dy, kaya bakit? Why don't you give him a chance?" Aniya pa.
"I already did Ty, pero hindi ngalang panghabambuhay na pagkakataon. Mayroon na akong Johann at hindi ko siya pwedeng iwan ng dahil lang kay Cline."
"Pero mahal mo ba si Johann?" Tanong niyang nagpatigil sa 'kin.
Si Johann... Matagal ko siyang nakasama sa America. I know what my feelings goes for him. I love him. Yes I do. And I am ready to be with him.
YOU ARE READING
THE PROFESSOR'S MANIPULATION
RomanceDate Started: Nov 15, 2022 Date Ended: Feb 10, 2023 All Right Reserve Copy Right