"Hatsing!"
"May sipon ka?"
Napasulyap siya sa kapatid niyang kakauwi lang galing sa dinaluhan nitong party. Agad naman siyang kumuha ng tissue upang punasan ang ilong. Nasa kusina sila at inilapag nito ang bitbit na tila pagkain ang laman dahil sa naamoy niya ang bangong nanunuot sa ilong niya.
"Wala akong sipon. Napahatsing lang. What's that?" Sumilip pa siya sa supot.
"Food for you. Kainin mo na habang mainit pa." Kumuha ito ng tubig sa water dispenser.
"Wow! Pagkain! Ang sweet mo talaga brader!" Nagniningning na naman ang mga mata niya.
'Healthy food iyan. Hindi iyong puro karne laman ng tiyan mo."
Napangiwi siya. "Allergic pala ako sa gulay. Ibigay mo na lang kina Aling Nina at—"
"Kakainin mo iyan o ibabalik kita ng Australia?" banta nito.
"Ito naman si Kuya hindi na mabiro." Sabay kinuha niya ang laman ng supot. "Don't you have a lechon here? Galing ka ng party sana nag-uwi ka man lang ng balat ng lechon."
Masama ang tinging ipinukol nito sa kaniya. "Lechon o Australia? And what do you think of me? Nagte-take home?"
"Sungit. Ako nga nag-uuwi pa. I did bring microwable for the food. Sayang kaya."
"Ikaw iyon. At nahawa ka na sa kaibigan mong bakla na kahit saang handaan present." Napailing ito.
"Bro, she's a woman. Gusto ka nga niya."
"What?!"
Natigilan siya. Hindi pala alam ng kapatid niyang may gusto si Trina rito at hindi iyon pinapasabi. Hanggang imahinasyon lang ito ngunit hindi ito nagpapakita ng motibo sa tuwing naroon ito sa bahay nila. Lagot ako kay Trina.
"What did you say?" muli nitong tanong.
"W-Wala. What I mean—gusto ka niyang bigyan at ipagbalot ng pagkain minsan. Ikaw lang itong ayaw. Choosy mo."
"Ewan ko sa'yo. By the way, I saw Raven in the party. I warn you, Chubby. Malaman ko lang na nahuhumaling ka na naman sa lalaking iyon, babalatan ko siya nang buhay!"
Napatitig siya sa kapatid na seryosong nagsabi sa kaniya nang ganoon. "I'm not interested. I am here for the family business. Nothing less, nothing more."
"Well, that's good to hear. Lahat ng mga manliligaw mo, dadaan muna sa akin."
Napanguso siya. "E 'di ikaw na lang ang magpaligaw sa kanila. Tutal, dadaan naman sa screening mo."
"Aba't namimilosopo ka pa!"
Nag-peace sign siya sa kapatid. "Bati tayo, Kuya Kameron. Nagbibiro lang ako. And one thing, how could I have suitors if I don't have one? Aber? At isa pa pala, ikaw ang mauuna. Mag-asawa ka na kaya?"
"Kapag pumayat ka na. Mag-aasawa na ako."
"Matagal pa iyon!"
"E 'di matagal pa ako mag-aasawa." Inilapag nito ang baso sa lababo. "Akyat na ako at ikaw na ang bahala riyan."
Sinundan na lamang niya nang tingin ang masungit ngunit mabait niyang kapatid. Wala na itong ginawa kung 'di ang kumontra sa lahat ng mga gagawin niya ngunit alam naman niyang para iyon sa kaniyang kabutihan. Mula nang mamatay ang kanilang ina, ito na ang tumayong ina sa kaniya. Hindi rin siya mapagsabihan ng kaniyang ama dahil daddy's girl siya.
Matapos siyang kumain ay umakyat na rin siya sa kaniyang kwarto. Noon niya naalala ang sinabi ng kapatid niya tungkol kay Raven o Ranzel sa totoo nitong pangalan. Alam niya sa sarili niyang nakalimot na siya, natanggap na niya at handa na siya kung sakaling magharap sila. Handa na nga ba talaga ako?
Marahan siyang lumapit sa kaniyang sekretong drawer kung saan naroon ang lahat ng mga alaalang natitira ng binata sa kaniya. Lahat ng memories na nakita ng Kuya Kameron niya ay pinasunog nito at tanging iyon lang ang naisalba niya na hindi nito alam. Paano kung magkita tayo? I am strong enough? Masakit ang ginawa mo sa akin, Raven. Gusto kong bumawi pero paano? Siguro nga at desperada lang ang tulad ko na nagbabakasakaling magustuhan mo.
Nakita niya ang isang lumang larawan na binatilyo pa ito at halos madisgrasya pa siyang makuha lang ang nag-iisang picture nito noon. I have to keep moving, Raven. Siguro nga at kailangan ko ng itapon ang lahat-lahat. If I will giving the chance to have another life, I will still love you there. Pero hindi na ako ganito. Iyong tipong magugustuhan mo na ako at hindi mo na ako ikakahiya. Her tears welled in her face as she reminisce everything she has been through with Raven. Ano ba itong mga naiisip ko? God! Kreisha! Move on ka na 'di ba?
Muli niyang ibinalik ang larawan sa drawer at nagligpit na ng kaniyang mga gamit. She will prepare eveything to bring while she's on vacation. Matagal na rin niyang plano ito kaya susulitin na niya.
KINABUKASAN, sabay-sabay na nag-breakfast ang pamilya niya. Maagang papasok ang kapatid niya at daddy naman niya ay may charity works para sa mga cancer patient sa isang foundation nila. Her father wanted to help the other people who suffered severe illness just like her mom.
"Dad, are you sure can do it alone? Pwede ko kayong samahan," aniya.
"No. You will go with me to my office. We have a lot of things to do and discuss about the turnover. Dad can do it alone. Makikikain ka lang doon."
"Dad! Si Kuya oh, nang-asar!"
Her Daddy Tino smiled. "Your brother is right. Asikasuhin niyo muna ang negosyo at saka ka na sumama sa akin kapag may lechon doon."
"Daddy naman. Kapag tungkol sa pangkain ay ako agad ang naiisip niyo!" Sabay kinuha niya ang lagayan ng fried rice a binuhos sa plato niya.
"Hindi ba halata? Next time, huwag na kayong maluto ng fried rice Aling Nina. Mauubos ang kaban ng bigas natin!" Napapailing si Kameron.
Natawa si Aling Nina na nalalagay ng tubig sa mga baso nila. "Request niya iyan. Hayaan mo na kaysa masayang."
"One of these days, hindi na ako magtatakang lumubo ka na," patuloy ang pang-aasar nito.
"Hindi naman mataba si Chubby. Bilugan lang ang katawan. Hindi pa naman siya dambuhala!"
"See? May tagapagtanggol na ako!"
"Kinukusenti niyo kaya ganyan."
"That's enough. Kain lang ng kain, Chubby."
"Isa pa kayo, Dad."
Napapangiti lang siya dahil marami siyang kakampi at wala rin nagawa ang kapatid niya kaya nanahimik na lang ito.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...