Chapter 29

977 18 0
                                    

KINAGABIHAN, nagtungo muna sila ni Trina sa mansion ni Juan Carlos upang magluto ng mga pastries and cakes. Wala roon ang lalaki dahil may appointment pa ito sa labas kaya hindi na nila ito hinintay dumating. Nagdala na rin sila ng mga natira para sa mga kapatid nilang naghihintay sa resthouse.

"Nagkita na kayo ni Raven?" tanong ni Trina sa kaniya.

"Hindi pa. Simula kanina ay wala pa ang tatlo."

"Oy! Sinundan ka talaga ni Raven dito at biruin mo na magkasundo na ang dalawa. Love is in the air. Haba ng hair mo teh!" tukso ni Trina sa kaniya.

Naglalakad sila patungo sa resthouse ngunit maliwanag naman ang buong paligid. Malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat hanggang sa nakapasok na rin sila sa loob at naulinigan na lang ang tatlong lalaking pakanta-kanta at pasuray-suray sa sobrang kalasingan. Her eyes widened when they saw both Trina the man he was waiting earlier.

"I-If I could t-then I would...I go wherever you will go..." Korong kanta ng tatlo.

"Pakanta-kanta pa itong tatlong kolokoy na ito sintonado naman," bulong ni Trina sa kaniya.

She stared at him and never takes away her eyes off from him. When their eyes met its gaze as the two still singing their song, time stops. His eyes fluttered open revealing his chestnut eyes that were framed with thick long eyelashes. She was dead nervous! She didn't know how intimidating his eyes could be. Raven! Naramdaman niya ang pananabik rito at ang mga emosyon na dapat sana ay magalit siya sa nalaman din niya noon tungkol sa pustahan ay nawala na.

"Hey.. The b-beautiful l-ladies are here!" sambit ni Wigo na lasing na rin.

"W-We are looking at you, girls! N-Nandito lang pala kayo!" sambit naman ni Kaiser.

"Aba! Ang lakas ng loob niyong mag-inuman tatlo tapos uuwi kayong ganyan? God!"

"Kristina...kalma lang, okay? K-Kami lang 'to!" Tatawa-tawang sambit ni Wigo.

"Katrina ang pangalan ko!"

"Nabago na ba?"

Nagtawanan ang dalawang sina Wigo at Kaiser.

"Pumasok na nga kayo sa loob!"

Kinuha ni Trina ang bitbit niyang basket at hinila ang dalawang sina Wigo at Kaiser. Naiwan silang dalawa ni Raven sa labas.

"Pumasok ka na sa loob," pormal niyang wika. Akma na sana siyang papasok subalit pinigilan ng binata ang braso niya.

"Kreisha..."

Muli niya itong hinarap. "Why?"

Bahagya itong lumapit sa kaniya. "What's that cold treatment for, huh? Don't you miss me?"

Naamoy niya ang alak sa bibig nito. "Amoy alak ka pa. Anong na-miss?"

"H-Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Ako, na-miss kita!" Sabay yumakap ito sa kaniya.

"R-Raven! S-Sandali! M-Mabubuwal tayong dalawa! Ay!"

Kamuntik pa silang mabuwal dalawa kung 'di lang siya naging alerto. Lasing na rin ang binata at tantiya niya ay hindi na nito alam ang ginagawa.

"I-I w-won't let you go, my labs!" Nanatili lang itong nakayakap sa kaniya.

"My labs ka pang nalalaman! Itulak kaya kita?"

Natahimik na ito. Pinapakiramdaman niya ang binata habang nakayakap ito sa kaniya. Ang sarap pakinggan kong totoong labs mo nga ako, Raven. Bakit ba gustong-gusto lagi ng kapalaran natin na pagtagpuin tayo sa mga nakakatuwang sitwasyon? You looked like wasted, Raven! Pero..ang wasted na katulad mo ang..ang namimiss ko. Pambihira ka talagang lalaki ka!

"Kreisha!"

"K-Kuya!"

"What the hell..."

"Kuya! Can you help me out of this? A-Ang bigat ni⸻"

Naabutan sila ni Kameron sa ganoong ayos at dali-dali naman itong inialis sa pagkakayakap nito sa kaniya ang binata.

"Raven! Umayos ka nga!" inis na wika ni Kameron habang inalalayan ito.

"K-Kuya..." sambit ni Raven habang nakayungyong na ang ulo at papikit-pikit.

"Anong kuya?!"

"Kuya, ipasok na natin siya sa loob!"

"Ihagis kaya kita sa talahiban, Raven?!" inis na inis ito.

Tuluyan na silang pumasok sa loob upang dalhin ito sa kwarto. Napapailing na lang siya dahil first time niyang nakita ang binatang lango sa alak. Mabuti na lang at naroon ang kapatid niya upang alalayan ito kahit nababakasan na niya ng pagkainis ito. Nanghingi na rin siya ng mainit na tubig at malinis na bimpo kay Aling Elisa upang punasan ito.

"Palitan mo na lang ang damit niya at punasan mo ng maligamgam," sambit ni Aling Elisa sa kaniya.

"Sige, ho."

Muli siyang pumasok sa kwarto nito matapos itong ihatid ng kapatid niya na wala na rin doon. Nakita niyang mahimbing na ang pagkakatulog nito sa kama na tila walang nangyari. Alam kaya ng herodes na ito ang pinaggagawa niya? Hanggang dito sa Portugal ay pasaway pa rin siya.

She slowly takes his polo unbuttoned and surprisingly, she saw his magnificent masculine figure. Minsan na rin niyang nagpasakop sa matitipuno nitong bisig at nagpaangkin ng ilang beses. Hindi niya alam subalit may kung anong nagtulak sa kaniyang hawakan ito. She touches his chest down to her perfect figure abs and...she wanted to across over those denim pants of him. Subalit hanggang doon lang siya nakatitig at nabigla nang hawakan nito ang kamay niya. Raven!

"Kreisha... Is that you?"

"Wala ng iba."

Bumangon ito saka nagtanggal ng suot nitong polo sa harapan niya. "Akala ko ay multo!"

"Multo?! Buhay pa ako!"

"Wala na ang kapatid mo?"

"Bakit? H-Hindi ka lasing?" Nakikita niyang normal na ang kilos nito at ang pang-aasar sa kaniya na siyang ikinagulat naman niya.

"I need to do that. Hindi kita masosolo kung andiyan ang kapatid mo."

"What? It means...nagkunwari ka lang?"

"Mataas ang alcohol tolerance ko. Kreisha..." Sabay hinatak siya nito papalapit.

"Hoy, Raven! What are you⸻"

"I missed you!"

Natigilan siya. Hindi niya alam kung anong trip na naman ito ng binata sa kaniya. Hindi siya sanay na sabihin ang mga kataga na iyon kahit na sinabi nitong mataas ang tolerance nito sa alcohol. Nahirapan din siyang pigilan ang nararamdaman niya kung ito na mismo ang nagtulak na paniwalaan ang bawat sinasabi nito. And then she let her heart prove that she missed him so much. She embraced him tightly with no doubts and just trying to determine what would their real feelings to each other. She followed her heart again many times around. Umaasa na siya na sa pagkakataong iyon ay may kasagutan ang lahat ng kaniyang damdamin para dito. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon