Chapter 33

890 15 0
                                    

Nakakabinging katahimikan habang naririnig lamang ni Kreisha ang bawat tibok ng kaniyang puso. She's dumbfounded while letting the scene she was heard from him amazed and shocked. Sa tagal ng panahong inaasam niyang mahalin siya ni Raven ay isang imposibleng bagay na itong mangyari. But time has come and the matter of changes about the wheel of balance fate. It's happening!

Nanginig siya nang bahagya habang unti-unting namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. She couldn't believe again that Raven would propose to her for the shortest time they have been together. Isang pangarap na kailanman ay hindi niya maabot ngunit nangyari ito ngayon.

"Raven... I-It's not a good joke. H-Hindi mo alam kung gaano ako umaasa sa mga salita mo ngayon. You're dumbass if it's still part of your naughty words or even your prank scene. Punong-puno na ako ng pag-asa pero mauuwi lang din pala sa biro ang lahat."

"I will never do that as I said again." Kinuha nito ang tali sa kamay niya upang itali ang buhok niya. "If I said it, I mean it. This time, I want to take it seriously and don't want to take the chances of letting you go again. I found the woman who will be with me for the rest of my life. I already found you since we had met at the cruise ship. Sana paniwalaan mo minsan na ang isang palabiro, mapang-asar, at prankster na katulad ko ay nagmamahal din ng seryoso. Tinamaan ako ng karma sa'yo, Kreisha. Karma ng pagmamahal sa pambabalewala ko sa'yo noon. Ewan ko ba. Kapag hindi kita nakikita, hindi ako mapakali. Damn! It's so disgusting. Pero iyon na siguro ang sinasabi nilang the one you hated so much that turns out into falling in love. Hindi na kita tatanungin kong mahal mo pa rin ako. I know what's in your heart."

Napapahid siya ng kaniyang luha. "Hindi lang ako makapaniwalang nagmamahal pala ang isang Raven."

"I did. I really don't know how to express it."

"Kasi puro ka kalokohan."

"Kasi iyon lang ang alam kong paraan kong paano ko sasabihin sa babaeng matagal na akong minamahal." Napabuntong-hininga ito. "Ang korny ko na magsalita."

Bahagya naman siyang natawa.

"So, you will accept my proposal?"

"Raven, isa na akong siraulong babae kung tatanggi pa ako sa alok mo. But...is this to fast? Akala ko ba ay dadaan muna tayo sa proseso na alam nating tama? Mahirap na ang mapasubo tayong dalawa, Raven. But at the end, tayo rin pala ang masasaktan. Ayoko ng masaktan."

"I understand. But this is the thing I know. Life is too short, Kreisha. I want you to be with me for the rest of my life. Am I selfish about that thing? Mahaba na ang panahong nilakbay nating dalawa mula Pilipinas hanggang South Africa. And then, we are here right now in Portugal. But if it is your decision, I will respect it. Pero sasama ka sa akin sa Pilipinas."

"Raven, hindi pa ako⸻"

"No." He protests. "I don't want a long-distance relationship. Ayokong malaman na may mga naging close ka rito na ibang lahi at baka mapatay ko pa."

"Raven! Don't think like that!" saway niya rito.

"Basta sasama kang uuwi sa akin sa Pilipinas."

"Fine. Sasama na ako." Hindi na siya tumutol dito.

"Good. Halika na at kakausapin ko pa ang kapatid mo."

"Si Kuya? Why?"

"Confidential matter."

Sabay na silang tumayong dalawa ngunit napaisip siya sa kung anong mahalagang pag-uusapan nila ng kapatid nito. Hindi na lamang siya nag-usisa saka sila muling bumalik na dalawa sa La Casa. For her, it was a wonderful day with Raven as they talked about their real status. Now, she has the reason to pursue wha's her real feelings to him and he feels the same way through her. Ano pa ba ang hahanapin niya? Kumpleto na ang pangarap niya na makasama ito sa habang panahon.

SAMANTALA, nakatanggap ng isang tawag si Raven mula kay Rendell matapos niyang maihatid si Kreisha sa kwarto nito.

"Hello, Rendell?" wika niya sa kabilang linya.

"Hi, Raven! How's your trip in Portugal? Hindi naman kayo nagkakagulong apat diyan?"

"Na. We are okay. Anong maipaglilingkod ko? Dapat pala ay sumama ka rito. It's beautiful here."

"Hindi ko maiwanan ang trabaho ko lalo na ngayon na nakatakas si Uhmar Magat sa bilibid."

"What?" Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kaibigan sa kabilang linya. "How was it happened, Rendell? Hindi ba mahigpit ang security ng bilibid para makatakas ang mga teroristang iyon?" Nagsimula na ang pagpupuyos ng damdamin niya.

"Hey! Relax. Ayon sa mga nakalap kung impormasyon ay inside job ang nangyari. Malaki ang ibinayad nila sa warden kaya nakatakas ang mga ito. I'm warning you, Raven. Alam kong isa ka sa babalikan nila dahil ikaw ang nagdiin sa kaniya sa patong-patong niyang kaso dahil sa pagtulong mo sa government. We are already known that Uhmar Magat is one of the lists in local and international terrorist. Marami siyang kasabwat na mayayaman at maimpluwensiyang tao sa iba't ibang panig ng mundo. I'll be there in Portugal next few days to keep you safe and the others."

"Thank you, Rendell. Malaki na ang pagkakautang ko sa'yo."

"Wala iyon. Trabaho ko rin mahuli ang teroristang ito hindi dahil sa malaki ang patong nito sa ulo kung 'di ang epekto ng kalakaran ng kanilang grupo sa kabataang sinisira ang kanilang mga buhay."

"I am just thinking that why you put your life in risk when you have your own wealth? Bakit hindi ka na lang magfocus sa negosyo ng pamilya niyo?"

Bahagya itong natawa sa kabilang linya. "Itanong mo rin iyan kay Kaiser. Why he needs to work under Zack's company when he has his own wealth?"

Natawa rin siya. "Kaiser is breaking her family rules. Ayaw niyang matali sa kasal na hindi naman niya gusto. At ikaw naman ay⸻"

"Huwag mo ng ituloy. Alam mo naman na delikado ang trabaho ko. How are you with Kreisha? Okay na ba kayo? Ihahanda ko na ba ang susuotin ko sa kasal mo?"

Hindi lingid sa lahat ang tungkol sa kanilang dalawa dahil halos malalapit sa kaniya ang mga ito. Isa pa, nasa list ng billionaire's circle sila kaya naging matibay din ang kanilang samahan.

"In time, bro. We need to fix everything here before we go back there."

"Tama lang iyan at ng mabawasan na ang kakulitan mo. Look at Zack, he finally found his home with Zairah. Hindi na bugnutin ang isang iyon."

"Yeah, right."

"Oh, siya. I'll drop this call. I have many things to do here. Send my regards to everyone."

"I will. Thanks again, Rendell. Bye."

"Bye."

Napabuntong-hininga siya. Kailangan na niyang mag-ingat lalo na ngayong nakatakas na ang isa sa mga taong pinakulong nila noon ngunit hindi siya maaaring magpatinag sa mga ito.  

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon