NAKASANDAL si Kreisha sa headboard ng kama niya habang hinimas-himas niya ang tiyan nang malaman niyang nagdadalang-tao nga siya. She's six weeks pregnant as the doctor said to her two days ago. Hindi siya makapaniwala sa napakagandang balitang iyon sa kabila ng lahat ng kaniyang mga dinanas na hirap.
"Baby... just stay there. Huwag mo sanang pahirapan si Mommy, okay? Kumapit ka lang anak habang hindi pa bumabalik ang alaala ng daddy mo. I won't tell him about you unless he's fine. Baka makasama lang sa kaniya kapag nalaman niyang nasa tummy kita." Kinakausap niya ito habang namumuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. She can't help it but to cry because of what happen to his husband.
"Are you crying?"
Napasulyap siya kay Trina na papalapit na sa kaniyang direksiyon. "No, I'm not." Sabay pasimpleng nagpahid ng namuong luha sa kanan niyang mata.
"Oh, huwag mo ng itago. Remember, you're pregnant and it's not good to feel sad at this rate. Hindi makakabuti sa baby kapag malungkot ka. Cheer up!"
"I'm just thinking of him. Magkakababy na kami pero hindi pa rin niya matandaan na mayroon ng isang pamilyang matatawag. I don't know if it's good to tell him about my situation."
"You should let him know about that but in a right time. Si Raven pa rin ang tatay ng dinadala mo kaya kahit wala siyang matandaan ay sabihin mo pa rin. Excited na akong malaman ang gender ng baby." Gumuhit sa mukha nito ang kasiyahan. "Sana lang ay hindi magmana sa malukong tatay!"
"Sira! Natural anak naming itong dalawa, saan pa ba magmamana?"
"Sabagay."
"Trina, parang may gusto akong kainin." Bahagya siyang napangiwi dahil kanina pa masama ang kaniyang sikmura. Naduduwal na hindi niya maintindihan ang sarili.
"Ay, tama! Do you want to go to the farm? Marami tayong pagpipilian na prutas doon."
"Okay. Better idea."
Agad silang kumilos na dalawa upang magtungo sa farm at maghanap ng kung anong pwede niyang kainin. She's in the first trimester and will experience the first cycle of being pregnant woman. Nang mga oras na nalaman nilang buntis siya, tuwang-tuwa ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kapatid niya na kahit hindi man ito showy ay dama niya ang concern nito. Panay ang pangungumusta nito sa kalagayan niya na hindi naman nito madalas ginagawa. And she's happy with that treatment of his brother.
Napakalawak ng lupain ng tunay na ama ni Kreisha at hindi malayong mamanahin niya rin ito balang-araw. Napapaligiran ito ng mga ubas at ibang mga prutas na hitik sa bunga. Nagpapitas sila sa mga tauhan ni Juan Carlos at pumuwesto sa lilim ng puno na may nakalatag na picnic cloth. Umupo silang dalawan roon habang si Trina naman ay nagsimula ng magbalat ng manggang hilaw.
"Kreisha, kapag ako ba ang nagdadalangtao ay susuportahan mo rin ba ako?"
"Huh? Wala ka pa ngang naging boyfriend, pagbubuntis na ang iniisip mo." Napatingin siya sa maggang binabalatan nito. She's craving!
"Here!" Sabay abot nito sa mga hiniwa-hiwang mangga.
"Thanks. Walang bagoong?"
"Teh, nasa Portugal tayo. What to expect? Magtiyaga ka sa asin!"
Natawa siya. "I'm just kidding."
"Dapat kasi si Raven ang nagbabalat nito at hindi ako. That man, I will kick him out of this world!"
"You will do that?"
Natigilan silang dalawa ni Trina nang maulinigan ang pamilyar na boses sa kanilang likuran. Napatuon siya sa mga mata ni Trina na bahagyang namilog ang mga mata sa likuran niya. Hindi ako maaaring magkamali. I would never forget his masculine voice. Is it you, Raven?!
Naramdaman niyang kumilos ang nasa likuran niya saka ito biglang tumabi at umupo sa kaniya. Noon lamang niya tinapunan ng tingin ang lalaking iyon kasabay pa ng isang lalaking hindi rin niya inaasahang naroon na. Kuya kameron? What are you⸻doing here? Malaki ang pagtataka niya kung bakit naroon ang mga ito lalo na ang asawa niyang si Raven.
Inilapag agad ni Trina ang kutsilyo at binalatang mangga. "Y-You're here. A-Ang bilis niyo naman ata."
"Nagmamadali iyong piloto," tugon ni Kameron.
"Piloto o kayo?" tanong ni Trina.
"Ang dami mong tanong. Tumayo ka na riyan," utos ni Kameron sa dalaga.
"Huh? W-Why? Ang sarap ng upo ko rito at patatayuin mo⸻ay!" Napahiyaw ito. "Kameron! What are you doing?!"
"Let's go somewhere, voluble woman!"
"Hoy! Kameron! Ibaba mo ako!" reklamo ni Trina.
Napakunot-noo na lang siya habang hindi pa rin makapagsalita sa mga tinuran ng kapatid niya sa kaibigan. Nagtaka rin siya sa sinabi ni Trina kanina at hula niyang may kinalaman ito sa biglaan pagsulpot ng dalawa. Maya-maya lang ay bumaling ang paningin niya kay Raven na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha. Hawak-hawak pa niya ang kapirasong mangga at pasubo na sana siya ngunit nanatili lang ang posisyon niyang iyon.
"Do you want more?" seryosong tanong sa kaniya ni Raven.
"Raven..."
Kumilos ito upang ito naman ang magbalat ng mangga para sa kaniya. Napakagat siya sa kapirasong manggang hawak-hawak habang hindi niya inihiwalay ang tingin dito. She noticed that Raven was different that moment and seems that there something about him.
"W-What are you doing here? Paanong..magkasama kayo ni Kuya?"
"Si Kameron ang gustong sumama rito. Don't you want me to be here?"
"Hindi naman sa ganoon kaya lang ay bakit biglaan naman?" Kinakabahan na siya nang mga sandaling kaharap niya ito. She doesn't want to think that Raven knows about her situation.
"Dapat kung nasaan ka, nandoon din ako. Saka bati na kami ng kapatid mong masungit na pinaglihi sa bulkan."
"Huh?!" Naguluhan siya sa mga sinasabi nito.
"Hindi ako sanay sa pagbabago mo ngayon. I want my cetacia's wife!"
"Huh? Teka nga...naguguluhan ako sa iyo. Bakit ka ganyan makapagsalita sa akin?"
"What's wrong with my words?"
"There's...something wrong with you, Raven. Nang-aasar ka ba?"
"Slight. Do you miss it?"
"What? Don't tell me that you remember everything?"
They stared at each other while she's still in a confusing moment. She wants to celebrate that Raven remembered her but she doesn't want to expect. Alam niya ang mga banat nito na kakaiba sa mga panahong wala itong maalala tungkol sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...