Chapter 44

700 11 0
                                    

MAALIWALAS ang kwartong kinaroroonan niya habang inilibot niya ang mga mata. Napuna na niya agad ang isang bukas na balcony at ang isang bulto ng lalaking nakatayo kaharap ang malawak na lupain. Kaybilis na naman ang pintig ng puso niya dahil pamilyar sa kaniya ang tindig nito. How could she forget the man she loved most. Marahan siyang naglakad papalapit dito habang sumasalubong sa kaniya ang sariwang hangin mula sa labas. When Raven feels her presence, he turned to her.

Nagtama ang kanilang paningin na siyang nagpatigil ng kaniyang mundo. May ilang mga bandages na lang ito sa braso, medyo mahaba na ang buhok nito, at hindi pa rin nagbago ang kagwapuhang taglay ng kaniyang asawa. But his forehead wrinkled when he saw her walking through his direction. Gustuhin man niyang tumakbo upang mayakap ang kaniyang asawa subalit alam niyang naguguluhan pa ito. Nangilid na rin ang mga luha niya dahil sa tatlong buwan niyang pagtitiis na makita ito ay naroon na ito sa kaniyang harapan.

"Raven..." mahinang sambit niya. She wanted to relax, but when she saw him, she was out of her mixed emotions. She couldn't help but run to him and embrace him tightly. "Raven!" Sabay bumuhos na ang kaniyang mga luha habang mahigpit siyang nakayakap dito. She missed him so much!

Mahaba ang araw na ginugol ni Kreisha sa paghihintay na muling bumalik sa kaniyang piling si Raven. Sabik na sabik siya sa mga yakap nito kahit na nakikiramdam lang ito sa ginawa niya. Isang malaking himala na nakasama pa niya ito ngayon kahit na magiging mahirap ang kanilang sitwasyon.

"Who are you?" he asked her.

Napatigil siya. Marahan niyang niluwangan ang pagkakayakap dito saka tuluyang kumalas. Nagpahid din siya ng luha bago niya ito sinagot. "Uhm.." Hindi niya alam kung paano siya mag-uumpisang magpakilala rito at isang bagay na napakasakit para sa kaniya. "I'm Kreisha. I know you don't even remember me but...I'm your wife." Hindi niya inaalis ang tingin dito.

"Wife? So, you are my wife." He is still confused.

She nodded. "Yes, Raven. I have been waiting for you so long." Muli na naman siyang napaiyak. "Sorry...I can't help but cry."

"I don't want to see a woman crying in front of me," he thoughtfully said to her.

"I know." Marahan niyang iniangat ang dalawang palad niya saka sinakop ito sa mukha ng asawa. "I know you're still in confused but I am here to help you to remember everything."

Kinuha nito ang mga palad niya saka nito tiningnan ang kaniyang kamay. "You wear the same ring that I have. Now, I believe that I have a family and a wife. Just tell me anything about us. Do we have a child?"

Umiiling siya. "We are still trying to have one."

"Ilang taon na tayong kasal?"

"It's been three months, Raven. And today is our monthsary as a couple."

"What else? How did we meet?"

"You are my high school crush. When we are in college in Stanford, we had an unforgettable moment. Nagkaroon ng pustahan ang mga kaibigan mo para magtagpo tayo sa isang kwarto at pinagsalitaan mo ako ng hindi maganda. Na hindi mo ako gusto at hindi ako ang babaeng tipo mo."

"Why do I need to say that to a beautiful woman right now?"

"Dahil pangit at mataba ako noon. Iyon lang kasi ang nakikita ko. Simula noon ay nag-transfer na ako sa Australia dahil sa sama ng loob."

"Masama pala akong tao."

"No, Raven. Naiintindihan ko naman iyon dahil pinipilit ko ang sarili ko sa iyo."

"I don't think so. When did we meet again?"

"On a cruise trip going to South Africa."

Natigilan ito na tila may inaalala saka ito muling tumingin sa kaniya. "Sumasakit na ang ulo ko. Let's go home," mahinahon nitong wika.

"Raven..." Tumango siya saka siya muling bumaling sa kamay nilang magkahawak pa rin. "Umuwi na tayo."

Naiintindihan niyang hindi pa agad ito makakaalala ngunit nakitaan na rin niya ng senyales tulad noong sinabi ng doctor sa kanila. Masaya na siya na kahit papaano ay muli na niya itong makakasama. Matapos ang kanilang pag-uusap ay pinayagan na rin na iuwi nila ito ngunit hindi muna ito maaaring kausapin kahit ang matalik nitong kaibigan na si Zack. Unti-unti muna nilang ipaalala dito kung sino man sila sa buhay ni Ranzel Venecio.

NAKARATING na sila sa bahay nila at tulad nang inaasahan ay nakakunot na naman ang noo ni Raven sa mga nakikita sa paligid. Niyaya na rin niya itong magpahinga muna sa kanilang kwarto dahil pagod na rin ito.

"Just take a rest, love. Kukuha lang ako ng pamalit mo."

"Love?"

Natigil siya sa paghakbang saka sinulyapan ito. He's confused again. "That was my endearment for you."

"Don't call me that way. Just call my name."

"Okay." Nagtungo na siya sa dressing room nila. Habang pumipili siya ng susuotin nito ay napaluha na naman siya. This is really hard for me but I am your wife and it's a part of my responsibility. Kailangan kong magpakatatag para sa kaniya.

"Matagal pa ba?"

Napalingon siya sa may pinto. She saw Raven there standing and staring at her. "Heto na!" Nagmamadali siyang lumapit at ibigay ang damit nito. "Just tell me if you need anything and I'll go downstairs." Bahagya niyang iniwas ang mga tingin dito dahil ayaw niyang makahalatang napaluha na naman siya.

"Kreisha..."

"Yes?"

"Just leave me alone in this room. I mean..maaari ba akong matulog na mag-isa lang dito? Sa tuwing nakikita kita ay sumasakit ang ulo ko. I really don't know why. Your face, your voice, and everything of yours have something to make my head in pain. I'm sorry."

"It's okay. K-Kung ano ang makapagpagaan sa kalooban mo ay gagawin ko. Magpahinga ka na, Raven." Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ito sa loob. Masakit! Napakasakit! Iyong lang naman ang naramdaman niya nang sabihin nitong ayaw siyang makasama. But she really understands his situation. Her tears keep falling down to her face as she walked through out of their room.

Sa guest room na niya ibinuhos ang lahat ng mga masasakit na sandali dahil pakiramdam niya ay napakalayo na ng damdamin ng asawa niya sa kaniya. Subalit kailangan niyang maunawaan ang kanilang sitwasyon at baka magiging malala lang ang lahat. Hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip sa asawa. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon