Mabilis na bumaba si Raven at naabutan na niya roon sina Kameron at ang daddy nito habang bitbit nyia ang sulat ng dalaga.
"Umalis ang kapatid ko," seryosong bungad agad sa kaniya ni Kameron ngunit hindi na ito nagagalit sa kaniya.
"She left a letter for you." Iniabot niya agad ang sulat kay Kameron.
Kameron took a deep sighed then grabbed the letter from him and he read it. It handed also to his father right beside him. Matapos naman basahin iyon ng daddy nito ay bigla na rin itong napaluha saka muling umupo sa sofa.
"We will find her, Dad." Bumaling ito sa kaniya. "I need your help."
"Now you need me. Ano ba ang ginawa mo sa kaniya at bakit siya naglayas?" Hindi niya maiwasang itanong ito sa kaharap kahit gusto na niyang sumbatan ito.
"Let's talk this in private. Ayokong mas lalong malungkot ang daddy ko."
Nagtungo silang dalawa sa garden area at doon ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Naiintindihan na niya agad na may mas malaking problema ang pamilya ng dalaga at sa tipo naman ni Kameron ang hindi mapanakit sa kapatid o pinagbuhatan ito ng kamay. Kameron and him are just part of their billionaire's circle of friends. Kameron just left their group because of what happened to him and his sister Kreisha. Mula noon ay lumayo na ito sa kanila nina Zack, Kaiser, Wigo and Tristan.
"Now, just tell me. Hindi natin maso-solve ang kaso ng kapatid mo kung wala kang sasabihin sa akin."
"I really don't know why I need to tell you these things, Ranzel. But you're the one who could help her find her way back home. Kung nagtiwala sa'yo si Daddy, why shouldn't I?"
"And now you trust me?"
"Just for this case." Muli na naman itong napabuga nang malalim na hininga. "It's my fault. Hindi ko napigilan ang temper ko noong isang araw at nasabi ko sa kaniya ang hindi magandang dapat niyang malaman. Kreisha, is my half-sister. Anak siya ng mommy ko sa..sa ibang lalaki. She's not legitimate daughter of my father and according to her last letter, she will find her real identity. I know she will go abroad and find her real father."
Halos hindi makapaniwala si Raven sa rebelasyon ni Kameron sa kaniya tungkol sa dalaga. Nanatili lang siyang nakikinig sa kwento nito.
"Hindi namin ito sinabi sa kaniya dahil ayaw ng daddy ko na malaman ni Kreisha ang totoo. He really loves my sister even it's not her blood related. I know she has a lot of sorrowness and she needs someone to talk to. I already talked to her but still she's in deep emotion. Hindi ko alam kung ano ang nakita ng kapatid ko sa'yo at kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya makalimutan."
"Mabuti akong tao. Kung anuman ang nagawa ko noon ay pinagsisihan ko na. Kung bakit ganoon mo na lang siya tratuhin at babae pa man din ang kapatid mo."
"That's because I don't want her to get hurt her feelings. I never get into unwanted relationships just to hurt other women's feelings. Dahil ayokong mangyari iyon sa kapatid ko. Yes, I am an overprotective brother, as I promised my mom."
"Kreisha is old enough to make her own decision in life. Why don't you let her do what she wanted to do? Tingnan mo at lalo lang siyang kumakawala sa'yo. She has a lot of problems in life that you should know. May sakit si Kreisha." Hindi na niya napigilan ang sariling sabihin dito ang kalagayan ng kapatid nito.
"What?!" Bakas sa mukha nito ang pagkabigla.
"See? Hindi mo alam iyon. That's why she wanted to do the process of normal intercourse with other man in our cruise trip. As I told you, nagkataon lang na nagtagpo kami roon. Mabuti na lang at nalaman ko agad ang plano nila ng lalaking nakilala niya sa Australia."
Napahilot sa noo si Kameron saka napahilamos sa mukha. Nagpipigil na naman ito sa emosyon nang dahil sa natuklasan nito mula kay Raven.
"I'm trying to save her from that man and..."
"And what?"
Siya naman ang napabuntong-hininga. "At pinagbigyan ko ang kagustuhan niya."
"What?!" He was shocked again. "Damn you, Ranzel. Kaya pala ganoon na lang ang kapatid ko sa'yo. Pinagsamantalahan mo ang kahinaan niya. Pakasalan mo ang kapatid ko!"
Nakatitig siya kay Kameron at tila hindi ito nagbibiro. "Hindi mo na kailangang sabihin iyan. Soon, if I'll find her."
Kameron put her arms on his chest. "Sagutin mo ako nang lalaki sa lalaki. Do you love my sister?"
"Sana iyan ang una mong tinanong bago ko pakasalan ang kapatid mo."
"Gusto kong maigurado, bakit ba?"
"Sigurista ka pa rin hanggang ngayon."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
"Well, ang kapatid mo muna ang dapat makaalam. Uutangin ko muna ang sagot ko sa'yo kapag nakita ko na siya."
"Hindi ka pa rin nagbago."
"Ikaw rin naman."
"Kameron!"
Napalingon sila sa bagong dating na pamilyar din sa kaniya. Si Tristan na isa sa mga mutual friend nilang dalawa. Hindi na maiguhit ang mukha nito nang lumapit sa kanila.
"What?" tanong agad ni Kameron.
"Nawawala ang kapatid ko pati ang kotse niya."
"Kailan pa naging presinto itong pamamahay ko?" sarkatiskong sagot ni Kameron.
"Damn, Kameron! Nakita kong huling magkasama ang kapatid mo at kapatid ko kagabi. Siguro may ginawa ka na naman para saktan ang damdamin ng kapatid mo kaya naglayas ang dalawa."
"So, kagabi pa nawawala si Kreisha at ang kapatid mo na si Trina?"
"Yes. Wait, what are you doing here? Akala ko ba magkagalit kayong dalawa?" Palipat-lipat ang tingin ni Tristan sa kanila ni Kameron.
"Mahabang kwento, Bro. Hanapin na natin ang mga kapatid niyo," wika niya.
"Tumawag na ako kay Rendell at ipinaalam ko na rin kay Wigo. I asked him already if he could track the details of the two if they are out of the country. Sana ma-track niya kung isa man sa mga airline nina Wigo ang napili ng dalawang sakyan patungong ibang bansa," paliwanag ni Tristan.
"I need to go."
"Okay, Bro. Balitaan na lang natin ang isa't isa."
Nagmamadali na siyang umalis sa bahay nina Kameron at upang maghanda kung sakaling umalis man ang dalaga patungong ibang bansa. Nag-aalala na siya dahil alam niyang padalos-dalos ito sa mga desisyon kahit sandali lang niya itong nakasama. Damn! Kreisha, nasaan ka ba? Hindi na rin niya matawagan ang number nito kaya magtitiyaga silang maghanapan at damay pa ang kapatid ni Tristan na matalik nitong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...