Muscat is the capital city and the most populated city in Oman. It is the seat of the Governorate of Muscat. It was ruled by various indigenous tribes as well as foreign powers such as the Persians, the Portuguese Empire, the Iberian Union, and the Ottoman Empire at various points in its history. Also, before they head for three days in the ocean, they will be there to explore the city for half a day.
Tahimik lamang siya habang sakay ng mini bus patungo sa isa sa mga bilihan ng mga souvenir sa Oman ang grupo nina Kreisha. Isa ito sa itinerary ng cruise ship nila na bababa sila ng Oman upang makapamili ng kung ano-anong mga pasalubong. Kanina pa sila hindi nag-iimikan ni Raven dahil na rin sa nangyari kaninag umaga sa pagitan nito at kay Claude.
Inaaliw na lamang niya ang sarili sa mga nakikitang malalaking building, magagandang mosque, mga tao suot ang kanilang tradisyunal na damit at higit sa lahat ay ang malinis nakapaligiran. Mainit sa bahaging iyon ng bansa at dahil tanghali na ay tirik na tirik ang sikat ng araw. They were heading to Mustra Souq for an authentic shopping experience located just behind the Corniche; this bustling marketplace is bursting with a myriad of colorful stalls selling items of clothing, fresh fruit, pottery, and other wares. The smell of incense will invade your nostrils and you will be amazed at the sheer amount of trinkets to buy is amazing.
Maya-maya pa ay huminto na ang mini bus at muling nagsalita ang babaeng tour guide nila. Tantiya niya ay iyon na ang market place kung saan makakabili siya ng mga souvenirs at iba pa.
"Everyone, you have one hour to roam around the place and remember the bus number. We will wait for you here and just in case you need help, just call me on my number."
Ilang sandali pa ay kumilos na ang mga kasamahan niya at sinadya niyang hindi muna tumayo. Hihintayin niyang bumaba lahat bago siya tatayo dahil ayaw niyang makasabay ang binata ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil bigla itong tumabi sa kaniya.
"You'll stay here?"
Sinulyapan niya ito sa kaniyang tabi. Hindi niya maaninag ang mga mata nito dahil may suot itong sunglasses na lalong nagpadagdag na naman sa karisma nito. Idagdag pa ang masculine scent nitong nanunuot sa kaniyang ilong. Ewan ba niya at sa tuwing nakatitig siya rito ay nawawala ang lahat ng pagkayamot niya. Napapalitan iyon ng damdamin na minsan na rin niyang hinayaang magpaubaya.
"Do you want to stare at me all day, and you won't answer me?"
Bumaling ang tingin niya sa ibang direksiyon. "I want to shop and roam around the place like the others. But when I saw you, I changed my mind."
"Galit ka pa rin ba?"
Hindi niya ito sinusulyapan at baka bumigay na naman ang marupok niyang katauhan. "Leave me alone, Raven. That's all I want."
"We are here to enjoy ourselves, Kreisha. Let's go!" Sabay hinawakan nito ang kamay niya.
Bigla siyang napasulyap sa kamay nilang pinagsalikop nito. "Raven..." Sinulyapan din niya ang seryos nitong mukha habang nakatitig sa kaniya.
"Tara na, Kreisha." Tumayo na ito ngunit hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya.
Napilitan na lang siyang tumayo at sumunod na lang dito. Hanggang sa pagbaba ay hindi pa rin nito binibitawan ang kaniyang kamay.
"Raven...ang kamay ko."
"No. endangered species ka at baka makawala ka."
"Inuumpisahan mo ba ako?" Gusto na naman niyang mainis dito. Naglalakad na sila papasok sa market place na animo'y mag-asawang ayaw maghiwalay sa isa't isa. Pinipigilan na naman niya ang sariling muling mahulog sa patibong nito.
"What I mean is...ayokong mawala ka sa paningin ko. Mamaya niyan ay pagtitripan ka rito."
"So, concern ka?"
"Yeah. Anyway, saan mo gustong mauna?" tanong nito.
"Gold Souk." Concern ka pang nalalaman e mamaya nito, pang-aalaska na naman ang abot ko sa'yo.
"You'll buy jewelry?"
Tumango lang siya saka sila pumasok sa mga tindahan ng mga alahas doon. Hanggang sa loob ng Gold Souk ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Ay wala na siyang balak bitawan ang kamay ko. Pigilan mo ang sarili mo, Chubby!
Halos kumikinang ang buong paligid sa mga gintong desenyo sa loob ng isang tindahang pinasukan nila. Marami rin ang mga mamimili roon at may isang taong nag-assist sa kanila.
"What do you want, Ma'am? We have a lot of rings and wedding rings here," the salesman said.
"Do you have a gold diamond wedding ring?"
"Yes, Ma'am. I go inside and wait for me here."
"Okay."
Kahit nakakatuwa ang accent ng lalaki ngunit magalang naman itong nag-asikaso sa kanila. Nagtungo ito sa loob at may kinuha.
"Magpo-propose ka na sa akin?"
Masama ang tinging ipinukol niya sa binatang tinanggal na ang sunglasses na suot nito kanina. "Hindi. Naghahanda lang ako sa mapapangasawa para hindi na siya mahirapan maghanap ng wedding ring naming." Kapal talaga ng apog ng lalaking ito! Marupok lang ako pero tapos na ako sa pagiging desperado sa'yo!
"Size eight ang daliri ko," sambit nito sabay ngiti.
"So?"
Hindi na ito nakasagot dahil naroon na ang salesman at ipinakita na sa kanila ang wedding ring. Hindi siya makapili agad dahil halos magaganda ang mga desenyo.
"I think you choose that one pair in the middle. That's simple to look but elegant." Raven suggested to her.
Ang pares na iyon ang tinitingnan niya kanina pa. Magaling pa lang kumilatis ang tukmol na ito.
"At mas bagay iyan sa daliri ko," asar na naman nito sa kaniya.
"Hindi nga iyan para sa'yo!" Bumaling siya sa lalaki. "I'll get that one in the middle for how much?"
"Twenty thousand dollars, Ma'am."
"Wow. So expensive. Tanungin mo siya kung tunay ba iyan at baka peneperahan ka lang," sambit nito.
"I know right."
"Mamaya at peke pala iyan."
Kahit naiinis na naman siya rito ay sinunod niya ang payo nitong dadaanan muna sa test. Kabisado rin naman niya ang tungkol sa mga jewelries at may diamond detector nga siyang dala sa kaniyang bag.
Habang inaayos na ang payment sa naturang wedding ring ay nagtitingin din ang binata sa kabilang bahagi at hinayaan lang niya ito. Nakaluwag din siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya dahil kanina pa siya nanlalamig.
Muli silang lumabas sa tindahan na iyon habang magkahawak-kamay. Hinayaan na lamang niya ang binatang gawin iyon at hindi na rin niya tinanong kung ano ang binili nito at nagtungo pa sa ibang shops na kanilang nadadaanan.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...