MUKHANG magsisimula na naman ang kalbaryo niya dahil hindi lang parehong flight at parehong hotel ang destinasyon nila kung 'di pareho silang mag-cruise papuntang South Africa. Nalaman niya iyon nang tinipon sila ng guide for orientation sa mismo hotel ng Al-Jawmara. Ang malala pa ay sila lang dalawa ang single at halos ng mga kasama nila ay couple.
"Malas mo talaga. Ako pa ang makakasama mo sa buong trip. We will be together for almost twenty days. Tadhana nga naman," sambit nito.
"This is disgusting. Kung alam ko lang na makakasama kita rito eh 'di sana nag-cancel na lang ako. Sayang ang milyones ko rito! God! This is embarrasing!" Nagsimula na naman ang tensiyon sa pagitan nila nang dahil sa pang-aasar ng binata. Kahit noon naman ay mapang-asar na ito.
"You're lucky, you know. Makakasama mo na ang isang Ranzel Vicencio along your whole trip," patuloy nitong wika sa pang-aasar sa kaniya.
Tumayo siya at mabilis na nag-walk out.
"Hey! Where are you going?" he asked.
"Where are you going, Miss Severino?" tanong din ng tour guide.
"Sorry! LQ!" tugon ni Raven saka siya nito sinundan.
Hindi na niya sinagot ang mga ito kahit naririnig pa niya at dire-diretso na siya sa elevator. Sa lahat ng ayaw niya ay inaasar siya at kaya niyang umuwi ng Pilipinas na mag-isa at hindi na lang tumuloy. Bwisit! Antipatiko talaga ang lalaking iyon! Ang lakas ng tama sa utak! I'm not here to spend my whole vacation because of him! You're a damn shit, Raven! Pagngingitngit niya.
"Chubby!!"
"Ano?!" angil niya saka nito hinawakan ang kaniyang braso.
"Saan ka pupunta?" kunot-noo nitong tanong nang mahabol siya.
"I'm going home! Bakit ba? And let me go!"
"No! You will throw out your millions because I am with this trip?"
"And why do you care? That's my money and I will do what I want! Tutal, papatunayan ko na rin lang sa'yo na hindi ako nagpunta rito para makasama ka!"
"Okay! I'm sorry!"
"Sorry sorry! Bitawan mo nga ako at baka hambalusin kita nitong braso ko!"
Natawa ito.
"Anong tinawa-tawa mo?!"
"Cute."
"Ano?!"
"Ang sabi ko, ang cute ng mga braso mo. Halika na nga! They are waiting on us."
"Uuwi na nga ako!"
"Walang uuwi!" Sabay lumapit ito lalo sa kaniya.
"Hoy, tipaklong! Anong gagawin mo?" Nagulat na lang siya nang kargahin siya nito nang buong lakas saka siya napatili. "Ay!!"
"Grabe! You're too heavy!" reklamo nito.
"Raven! Put me down! Why are you doing this to me, huh?" reklamo niya.
"Don't move or else you will fall in the ground!"
Mahigpit siyang napahawak sa leeg nito upang hindi siya mahulog hanggang sa bumalik sila sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila. Inis na inis na naman siya lalo na at pinagtitinginan na sila ng mga naroon. Nagpalakpakan pa ang mga kasamahan nila na akala ay mag-asawa silang nagkatampuhan at nagkaayos na habang si Raven ay patawa-tawa lang. Bwisit!
Ilang sandali pa ay umalis na rin ang kanilang grupo patungo sa kinaroronan ng ship kung saan sila sasakay ngunit nanatili na lang siyang tahimik at nagngingitngit sa binata sa ginawa nito. Napahiya tuloy ako!
They will onboard a Norwegian Cruise Ship, Norwegian Spirit. The ship will feature fourteen new venues, additional staterooms, and an expanded Mandara Spa. Drawing inspiration from the brand's most recent and highly successful newbuilds, the updated elements onboard Norwegian Spirit will take the guest experience to the next level.
Isang luxury class cabin ang bumungad sa kaniya nang makasampa na sila sa malaking barko. Pinagpahinga muna sila bago sila bumaba upang muling maglibot sa next stop nila sa Abu Dhabi. Subalit napasulyap siya nang pumasok si Raven sa kaniyang kwarto.
"Anong ibig sabihin nito? Why are you here? This is my room," she said continuously.
"This is our room!" pagtatama nito.
"Ano?!"
"Dire-diretso ka kasi at kinuha mo agad ang susi. Mabuti na lang at may duplicate key card na binigay sa akin. As I told you, this is our room! Fully booked lahat ng mga cabin rooms. Since alam nilang magkakilala tayo ay isang room lang ang binigay." Inilagay nito sa gilid ang luggage at umupo sa gilid ng kama.
"Ha?! You didn't complain?"
"Why should I? Kaysa wala tayong room. Pagtiyagaan mo ng magkasama tayo." Naghubad na ito ng sapatos.
"Ah, hindi! It can't be. Milyon ang ibinayad ko tapos titipirin nila tayo? At ayoko kitang makasama!" Sabay hinablot niya ang shoulder bag at luggage niya upang lalabas na.
"Sige. Doon ka sa labas at tingnan ko lang hindi ka lapain ng mga malalaking isda. Don't you think I'm just kidding?"
Natigilan siya. Paano nga naman kung nasa labas siya at walang matulugan? Paano kung may mangyari sa kaniya at lapain nga siya ng mga malalaking isda.
"Natauhan ka rin."
Marahan siyang lumingon dito. "Okay, fine. Sa kama ako at sa sahig ka!"
Tumayo ito. "No. I paid for this trip so it's my privilege to sleep on the bed. If you want, you can use the floor instead."
"Huh! Bahala ka nga!"
Napapangiti habang napapailing na lang sa kaniya ang binata habang siya ay inis na inis na naman. Wala rin siyang nagawa kaya ibinalik niya ang gamit sa kaniyang puwesto. Maya-maya rin lang ay naghubad ito ng t-shirt sa harapan.
"Hoy! Anong ginagawa mo?"
"Magbibihis. Why? Hindi ka sanay na makakita ng lalaking nakahubad sa harapan mo? There are a lot of men in Australia who does like this. Iyong iba nga wala ng saplot."
Nahagip ng mga mata niya ang six pack abs nito na minsan na rin niyang kinababaliwan noon subalit nagbawi rin siya upang hindi ito makahalata. Gusto ko ng umuwi. This is my worst trip ever. Pero tama siya. Maraming mga dayuhan sa pinuntahan ko ang mas malala pa. But, Raven is different. God! Ilayo niyo ako sa tukso!
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...