Chapter 26

1.1K 18 0
                                    


Isang malawak na lupain ang bumungad sa kanila ng kaibigan niyang si Trina nang makababa sila sa sinasakyan nila galing ng Portugal City. Halos limang oras din ang byahe nila magmula sa city hanggang Vhino Verde. This is the biggest wine region in Portugal, sitting below the border of Spain, stretching to the Atlantic Ocean, and encompassing Porto city. The wet climate contributes to the lush landscapes that reach down to the sea.

"Bem-vindos à La Casa de Muchelli, jovens senhoras! (Welcome to La Casa de Muchelli, young ladies!)" bati sa kanila ng isang may edad babae.

Napatitig silang dalawa ni Trina rito at nahalata nila agad na isa itong Pilipino. Base na rin sa kulay ng kutis, hugis ng mukha at medyo may katabaan din ito.

"Pilipino ho kayo?" tanong ni Trina.

Tumango ito. "Yes, Ma'am! Ay, mabuti! Hindi na ako mahirapang magsalita ng Portuguese at hindi kasi halatang mga Pilipino kayo! Ay, halina kayo sa loob at naihanda na namin ang inyong matutuluyan!"

Nagkatinginan sila ni Trina saka sumama sa loob kasama ang may edad na babae.

Ang La Casa de Muchelli ay isang resthouse na itinayo ni Juan Carlos para sa mga nais bumisita sa kaniyang lupain at matikman ang masasarap na wine nang libre. Maaari din na makapag-ikot sa lugar, maggatas ng baka, mangabayo, kumuha ng mga prutas at iba pa. Nakakuha agad sila ng impormasyon ni Trina sa lugar nang dahil na rin sa sources nito na hindi namamalayan ng kaniyang kapatid. Ayaw man sana niyang gawin ito ngunit kailangan din niyang makilala sana ang kaniyang ama kahit sa sandaling panahon lang.

Dinala sila ng babae sa kanilang tutuluyan na kalaunan ay nalaman nilang si Aling Elisa na matagal na rin nagtatrabaho at nagsisilbi kay Juan Carlos Muchelli. Nag-usap din sila matapos silang iwanan ni Aling Elisa sa loob ng kanilang kwarto.

"Bes! Hindi ako makapaniwala na talagang may kaugnayan ka kay Juan Carlos. Biruin mo ang lawak ng lupain niya na halos nasakop na ata ang buong Northwest."

"I don't want his wealth, Trina. Gusto ko lang naman siyang makita kahit hindi na niya ako kilalanin. Nalulungkot nga ako dahil iniwan ko si Daddy Tino at si Kuya Kameron na hindi man lang ako nagpapaalam. Pero nandito na ako at hindi na ako aatras pa. I have the rights to know my biological father."

"Kmjs na iyan! Ako rin. Lagot ako kay Tristan. Kung hindi lang dahil sa'yo at kay Kameron, hindi ako sasama sa'yo."

"Pwede mo naman akong iwanan dito, Trina. Kaya ko naman ang sarili ko."

"No. I want to stay here with you. Mamaya at ako ang pagbalingan ng galit ni Kameron. Baka maghiwalay na kami kapag nangyari iyon."

"Sira ka talaga. Bakit mo mahal ang kapatid ko e ang sungit-sungit niya?"

"Well, just ask that to yourself. Bakit mo mahal si Raven kahit alam mong friends with benefits lang kayo?"

Hindi agad siya nakasagot. Habang nasa biyahe sila ni Trina ay sinabi na niya sa kaibigan ang lahat na nangyari sa kanila ni Raven noong cruise trip nila patungong South Africa.

"See? Hindi ka rin nakasagot. Just like you, in love na ako sa Kuya mong hindi ako pinapansin kahit noon pa man. Pero hindi ako naghabol para naman malaman niyang may pagka-demure rin ako. Pero hindi naman kita hinuhusgahan pagdating kay Raven. We have different styles in terms of feelings and how we express it to the person we love most. Kalerky kasi iyang kapatid mo gurl! Palay na nga ang lumalapit sa kaniya ayaw pang tukain. Kapag ako nakahanap ng poreber, hihiwalayan ko na iyang kapatid mong tuod!"

"Kailan ba naging kayo?"

"In my dreams!"

"Jusko po! Ang lakas din ng tama mo, Trina." Sa tuwing kasama niya ito ay halos mabaliw-baliw ang utak niya sa mala-Alex Gonzaga nitong galawan.

"Anyway, what if pumunta pala ang kapatid mo rito at sunduin tayo? Tapos kasama si Raven?"

"I don't know, Trina. Hindi ko muna iniisip si Raven dahil masyadong masakit na. I wanted to have peace of mind and to avoid some issues between my brother and him."

"Ay, sus! Bumigay ka pa naman sa herodes na iyon. Tapos may nakita pa kayong malaking ahas sa Madagascar at takot na tako ka kuno! Ahas ni Raven hindi ka natakot?"

"Gaga!" Sabay hinampas niya ito ng unan na hindi man lang gaano kalakas.

Natatawa ito. "What?! E kese nemen gurl, eng heret niyong dalawa po!"

"Bahala ka nga!" Tinalikuran niya ito saka niya inayos ang kaniyang mga gamit sa closet subalit natatawa na naman siyang isipin ang nangyaring iyon sa kanila ni Raven. Isa iyon sa mga hindi niya makakalimutang karanasan nila.

"Kreisha.."

"Hmm..."

"Napapansin ko lang na medyo pumapayat ka? Diet ka?"

"Hindi na ako nag-rice. Kita mo naman sa biyahe natin ay puro alternative ako. Gulay, prutas, kaunting karne, mga healthy pastry foods na mababa sa calories. Nakasanayan ko ng kainin."

"That's good news!"

"Ikaw nga rin, pumapayat ka na. Diet ka rin?"

"Slight. Nakakahiya kasi na kapag binuhat ako ng kuya mo sa kama ay mabigat ako."

"Katrina!" Sinulyapan niya ito na patawa-tawa lang sa gilid ng kama nila.

"Sarey!"

Lumapit siya sa direksiyon nito. "No girlfriend since birth ang kapatid ko. Aba, ikaw pa ata ang makaka-iskor sa kaniya."

"Correction. Plus points din siya sa akin. Hindi ako nag-boyfriend nang dahil sa kuya mong tuod! Ilang dekada akong nanatiling malinis kahit laking Australia ako at maraming mga fafa sa paligid. I want Kameron to tear off my undies and unleashed my wildness in bed!" May pakumpas-kumpas pa ito sa kamay.

Napahawak siya sa magkabilaang sentido. "Lord, patawarin mo siya."

"Naku, Kreisha! Para hindi ka palitan at hanap-hanapin ka ni Raven, why don't you try to be wild? Sa panahon ngayon, you should be wise. Dakmain mo!"

"Maling-mali talaga na isinama kita." Umupo siya sa gilid ng kama. "I think hindi na rin mangyayari sa amin iyan ni Raven. Tama na ang⸻"

"Wait! You told me that Raven has something strange...like feelings for you. As part of your instinct, right? Ganito ang gawin mo, habang nandito tayo ay tutulungan natin ang mga sarili na magbawas ng timbang. Magpaseksi! Malaki ang maitutulong nito sa health condition mo in case na hindi successful ang normal intercourse na magka-baby ka. Willing naman mag-donate ang isang iyon, right?"

"O-oo. He said that to me."

"See? Go for the gold, Kreisha! Hindi man kayo magkatuluyan ni fafa Raven, you have his race. You're lucky by then."

May punto ang kaibigan niya. Pag-iisipan niya ang mga bagay na iyon ngunit uunahin muna niya ang pagkikita nila ng kaniyang tunay na ama.  

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon