"Miss Kreisha, pinapasabi ho ni Sir Juan Carlos kung maaari ba raw niya kayong makausap mamayang gabi," wika sa kaniya ni Aling Elisa.
Kakatapos lang nilang kumain ni Raven ng almusal at naroon na agad ang katiwala nito. Napasulyap muna siya kay Raven na tumango lang bilang pagsang-ayon saka siya bumaling dito. Hindi pa sila nag-usap mula noong gabing ipinagluto niya ito ng mga ihahanda nila.
"S-Sige ho, Aling Elisa. Is it about the food we prepared for him?"
"Hindi ko alam kung para saan. Ah, sige. Ililigpit ko lang ang mga pinagkainan."
Tumango lang siya.
"Let's go," yaya ng binata sa kaniya.
Naglalakad-lakad muna sila sa umaga habang hindi pa masyadong sumisikat ang araw pero kahit ganoon pa man ay malamig naman ang panahon kahit tanghali o hapon. Mas mainam na rin ang ganitong panahon at hindi maalinsangan. Nakatitig siya sa isang stemmed-rose na bitbit pa rin niya mula kanina. Ayaw naman niyang iwanan ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ng binata. Saan hardin na naman kaya niya ito pinitas?
"Iniisip mo na naman kung saan ko iyan nakuha?"
"Huh?" Nag-angat siya nang tingin dito. Nahulaan mo na naman ang nasa isip ko?
"I saw some souvenir shops right there." Sabay turo nito sa tinutukoy. "Pero isa muna ang ibibigay ko sa ngayon."
"May souvenir shops pala rito. Ayos lang naman kung isa." Baka dolyares kasi ang halaga nito. Mamumulubi ka pa. Nakakahiya naman sa isa. Gusto niyang magreklamo ngunit natagpuan naman niya ang sariling kinikilig siya sa isang pirasong rosas na bigay nito.
"Baka magsawa ka. I prefer to give you a bouquet but I decided to give you one. Para hanap-hanapin mo naman ang kasunod."
Hinahanap-hanap kita. Este iyong bulaklak. Gusto sana niya itong sabihin ngunit alam niyang nag-iba na ito simula kanina. Madalang na lang itong magpatawa o mang-asar sa kaniya. O marahil ay umiiwas lang siya dahil sa may gusto itong patunayan.
"By the way, bakit ka napapayag na magluto para kay Juan Carlos? Is this the reason why you are here?" tanong ng binata.
Hindi pa niya nasasabi rito ang dahilan kung bakit siya naririto dahil may hinala na rin siyang may alam na ito kung bakit siya naroon ng Portugal. Sumulyap muna siya sa nakikitang mga tauhan ni Juan Carlos sa paligid na abala sa kaniya-kaniya nitong gawain.
"You can tell it to me, Kreisha." Sabay hinawakan na naman nito ang kamay. "Doon tayo sa lilim ng nag-iisang puno."
Nagpatianod na naman siya habang naramdaman na naman niya ang sparks sa tuwing magkahawak-kamay silang dalawa. It's just like they are a simple couple in an extraordinary place like they have been. When they are in the shade of an old tree, they are seated and find their comfort.
"This place is amazing and relaxing."
"Yeah. Just like the place when I was in Australia. Sa tuwing bakasyon noon na wala kaming pasok ay pumupunta kami ng farm ng kamag-anak ko."
"Good for you. At least, nakakalanghap ka ng sariwang hangin. Hindi mo pa ako sinasagot tungkol kay Juan Carlos," paalala nito.
"I think you already know."
"But I want to hear it from you, Kreisha."
"Raven, bakit ba ang seryoso mo na ngayon? Hindi ako sanay."
"Sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sagutin ang tanong mo."
She sighed. "My brother and my father told me a deep secret they hide over a year. When I came back from Cape Town and the incident that was happened between you and him, nagwala ako sa bahay. I mean...I made a rough conversation with Kuya Kameron. And then I found out that I am an illegitimate child. In short, anak ako ni Mama sa ibang lalaki. Sa loob ng ilang taon, noon lang ako nakaramdam ng sobrang sama ng loob dahil itinago nila ito sa akin. Buong akala ko ay iisa kami ng ama."
"Kaya naisipan mong pumunta rito dahil nalaman mo na siya ang ama mo?"
"My brother told me about him. Hindi rin ako makapaniwala noong una subalit nang makita ko ang painting ng mommy sa bahay ni Juan Carlos, doon na ako naniwala."
"Nagkita na kayo? He knows?"
Umiling siya. "No. Ayokong sabihin pero alam kong alam na niya ang tungkol sa akin. My brother called him before you arrive here. Hindi ko pa kayang harapin siya pero kung kakausapin niya ako mamaya, well, I need to face him."
"That's the right thing to do, Kreisha."
"Tama ba ang gagawin ko, Attorney?"
Sumulyap ito sa kaniya. "Just called me by my name. Baka mapagkamalan kitang client ko at nanghihingi ka ng legal advice."
Bahagya siyang napangiti.
"There...I already saw your beautiful smile again."
Nag-init na naman ang pisngi niya. Kung makabola naman...
"If do you want, I can go with you to talk to him later. I guess Kameron is there too. Mas maigi na sigurong mag-usap kayo bago tayo bumalik ng Pilipinas."
"H-Hindi pa ako siguradong babalik doon, Raven."
"Hindi ka pa uuwi?" kunot-noong tanong nito.
"Kung sakaling mag-uusap kami at mag-ayos ay nais ko munang manatili rito kasama siya. We have a lot of time to spend together and that was my mother wanted to."
"Then how about us?"
"I don't know." Sabay umiling siya.
"Alam mo pero hindi mo kayang sabihin sa akin. Maghihintay ako kung hanggang kailan mo gustong umuwi. But I have something to propose before we parted our ways."
"Propose? Ano naman?" Gustong magdiwang ng puso niya nang marinig dito ang salitang maghihintay ito sa kaniya.
He stared at her with a deep gaze of happiness. She wondered why he showed this from his glimpse that something caught her attention. He slowly held her hand and kissed it with his passion. She felt nervous while expressing her curiosity and wanted to ask him why.
Hinawi rin nito ang iilang hibla ng buhok niyang sumusunod sa ihip ng hangin sa paligid saka nito hinaplos ang kaniyang pisngi. Ramdam niya ang init ng mga palad nitong dumadampi habang nanatiling nakatitig dito. He is serious by the way he means it.
"Kreisha..."
"Hmm..."
"Let's get married."
BINABASA MO ANG
Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]
General FictionHigh school pa lang ay crush na ni Chubby si Raven kaya lang ay deadma lang ang binata sa mga pampalipad hangin niya. Hanggang sa sinundan niya ito sa Amerika at nag-aral sa iisang ekswelahan ngunit hindi rin naging madali sa kaniya ang makuha ang p...