Chapter 22

1K 21 1
                                    

NAKARATING na ang barkong sinasakyan nila sa Cape Town, South Africa. Marami rin mga bagay na naging kasiya-siya lalo na noong malaman ni Raven ang kaniyang tunay na damdamin para dito at mas lalo lang din itong napapalapit sa kaniya. Hindi na nga siya nito madalas inaasar at madalas na may binibigay itong bulaklak sa kaniya ngunit ang idinadahilan lang naman nito ay may nagpapabigay o kaya naman ay ninakaw niya sa kapitbahay. Iyon lang naman ang madalas nitong sabihin sa kaniya.

Subalit sa isang bahagi ng puso niya ay sobra din siyang nalungkot. Marahil ay maghihiwalay na ang kanilang landas sa bansang iyon. Iyon na rin ang huling trip destination nilang dalawa. Mabigat man iyon sa kalooban niya ngunit hindi naman niya maaaring tanungin ito sa mga bagay na nais sana niyang itanong. Natatakot na siyang masaktang muli. Nasa labas na sila ng hotel at nagpapaalam na ito sa kaniya. Magkaiba ang kanilang flight schedule pabalik ng Pilipinas.

"Take care of yourself, Kreisha. Ingatan mo ang...baby natin!" Sabay ngumiti na naman ito sa kaniya.

"Sira ka talaga! Sige na at naghihintay na ang maghahatid sa akin sa airport." Gusto na niyang umalis sa harapan nito at baka umiyak lang siya.

"Kreisha..."

Akma na sana siyang tatalikod. "Yes?" Kitang-kita niya sa mga mata nito ang isang bahagi ng kalungkutan. Malungkot ba talaga siya? Subalit mas lalo lang siyang nagulat sa ginawa nitong biglang pagyakap sa kaniya nang mahigpit. Raven!

The feeling is still there when Raven embraced her tightly and she missed him so much. Pinipigilan niya ang pagtulo ng mga namumuo niyang luha sa mga mata at pakiwari din niya ay matagal na naman silang hindi magkikita. Kahit inamin na niya rito na mahal niya ito, still, kaibigan pa rin ang turing nito sa kaniya. But this time, she expects that the friend zone has deep meaning to her.

"Kreisha!!"

Tila natauhan siya nang marinig niya ang pamilyar na boses saka biglang humiwalay sa kaniya si Raven. Napasulyap siya sa unahan nang makita niya ang kapatid niyang si Kameron na halos madilim ang mukha nitong makita silang magkasama at magkayakap.

"Kuya Kameron?" sambit niya. Kaybilis ng pagreregodon ng kaniyang puso kung bakit naroon ang kaniyang kapatid kasama ang ilang mga kalalakihan.

Mabilis itong nakalapit sa kaniya at hinatak siya.

"Kuya!"

"Hey!" pigil ni Raven dito.

"Don't even try to interfere, Ranzel! Or else, I'll end your limits!' banta ni Kameron.

"Nasasaktan ang kapatid mo. Is that the way how you treat your sister?"

"Kuya, tama na! Nasasaktan na ako!" impit niyang hiyaw dahil masakit ang pagkakahawak sa braso niya.

Bumaling ito sa kaniya. "Isa ka pa! How could you do this to me, Kreisha?! I let you go to this cruise ship and then, later on, I would know that this man is with you?" Lumabas na ang mga litid nito sa leeg saka bumaling muli ito kay Raven. "Damn you, Ranzel! You know from the start that I really hate you since the day you hurt her feelings! What kind of human are you, huh?"

"I never hurt her feelings even when we have been on the same trip, Kameron!"

"Are you sure you never hurt her feelings? Kahit na ang ginawa mong kalokohan sa kapatid ko noon ay ikaw rin ang may pakana? Na hindi niyo senet-up ang kapatid ko pero pinagpustahan niyo?! Now, tell me that you wouldn't want to hurt her feelings! Justify it, Ranzel!"

Nagulat siya sa rebelasyon ng kapatid niya saka siya napatitig kay Raven. Namalisbis din ang luha niya na kanina pa gustong kumawala. "R-Raven...is t-that.. t-true?"

"Kreisha..."

Nais nitong lumapit sa kaniya ngunit pinigilan ito ng mga tauhan ni Kameron. Nanginginig na naman ang kaniyang buong katawan habang naghihintay sa sagot ng binata.

"Answer it, Raven..."

Matagal pa bago ito sumagot kaya ang kapatid na niya ang nagpatuloy.

"See? Hindi ka makasagot. Akala mo siguro hindi ako nag-imbestiga tungkol sa mga kalokohan mo? Para lang pagbigyan ang grupo mo noon at pinagdiskitahan ang kapatid ko! How could to tell it to me that you wouldn't hurt her feelings huh?!" Mabilis na nakalapit si Kameron dito at pinakawalan nito ang isang kamay.

"Kuya!" sigaw niya.

Bumalandra si Raven sa sahig habang sapul nito ang bibig na tinamaan ng suntok ni Kameron. Dahil na rin sa takot niya ay nais niyang lapitan si Raven ngunit pinigilan na siya ng mga tauhan ng kapatid niya.

"Raven! Let me go!!" pagpupumiglas niya sa kamay ng mga tauhan ng kapatid niya.

"Ilayo niyo ang kapatid ko sa hayop na lalaking iyan bago pa dumilim ang paningin ko," utos ni Kameron.

"No! Raven!"

Wala siyang nagawa kung 'di ang magpatianod sa mga pangyayari habang kitang-kita niya ang mga duguang damit ni Raven. Kahit may nalaman siya mula rito, hindi pa rin iyon sapat na dahilan sa kaniya dahil sa nararamdaman niya para sa binata. Isa pa, naawa rin siya rito. Labis-labis ang pagpupuyos ng kaniyang damdamin at dala niya iyon hanggang sa tuluyan na silang makabalik ng Pilipinas.

PABAGSAK na isinara ni Kreisha ang pinto ng sasakyan nang makababa na siya at nasa garahe na ng kanilang bahay. Hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyari at galit na galit pa rin siya sa ginawa ng kapatid niya.

"Kreisha!" Dumadagundong na ang boses ng kapatid niya habang sinusundan siya.

Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa kanilang living room. Noon lang niya hinarap ang kapatid niya dahil nagtitimpi lang siya habang nasa biyahe sila.

"Kreisha!" galit nitong wika.

"What do you think you're doing, huh?! Tiniis ko ang pananahimik sa loob ng ilang oras na biyahe pero hindi ko matanggap ang ginawa mo, Kuya! Walang ginawang masama si Raven sa akin sa loob ng cruise ship na iyon! And if this all about that damn prom night, it's been over!"

"Over? Sa tingin mo ganoon lang kadali matapos ang lahat, Kreisha? Ang galit ko salalaking iyon sa ginawa sa'yo ay hindi mawawala. And you're telling me that it's over? You're supposed to learn something from the past. Ni hindi ka pa rin nadala? At iniisip mong mas siya pa ang kawawa sa ginawa ko? That's better for him. He's a damn asshole!"

"Yes! Hindi ako natuto! At kahit anong gawin ko kinababaliwan ko pa rin ang taong kinaiinisan mo!"

"Damn! Kreisha!"

"Kameron!"

Hindi nito naituloy ang saktan siya ng kaniyang kapatid nang sumigaw ang kaniyang ama pababa ng hagdan.

"That's enough!"

"Okay!" Ibinaba ni Kameron ang kamay. "Kampihan mo naman ang magaling niyong anak! Kampihan niyo na naman ang taong hindi niyo naman kaano-ano!" madiin ang mga salita nito.

Muli na naman siyang nagulat sa sinabi ng kapatid niya habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Gumuhit na naman ang malaking katanungan sa isipan niya sa huling sinabi ng kaniyang kapatid. 

Her Billionaire's Attorney [R-18] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon